Photo Release

May 30, 2022

Revilla kinilala at pinuri ang 12 awardees ng TOWNS 2019: NAGPAHAYAG ng manipestasyon si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. sa isinagawang pagdinig sa Senado hinggil pagkilala at pagbibigay papuri sa 12 awardees ng The Outstanding Women in the Nation’s Service o TOWNS para sa taong 2019.

Hiniling ni Revilla na maging co-author ng Senate Resolution No.216 o ang “RESOLUTION RECOGNIZING AND COMMENDING THE OUTSTANDING WOMEN IN THE NATION’S SERVICE (TOWNS) 2019 FOR THEIR POSITIVE CONTRIBUTION AND DEDICATION IN STRENGTHENING NATION BUILDING”

“Talaga naman pong kahanga-hangan at kapuri-puri and naging kontribusyon sa ating bansa ng mga natatanging Pilipina mula sa iba’t-ibang larangan na masusing pinili at tinakdang parangalan ng TOWNs Foundation, Inc. Tunay silang inspirasyon at larawan ng tagumpay hindi lamang para sa kapwa Pilipina, kundi para sa ating lahat” saad pa ni Revilla.

Ayon pa kay Revilla labis umano siyang namangha sa ipinakitang dedikasyon at hindi matatawarang talento ng mga kababaihang ito sa kani-kanilang pinasok na karera at higit sa lahat ay ang hindi matitinag nilang pagmamahal sa bansa at ang kanilang pananagutan na baguhin tungo sa mas maayos ang mundo.

Kaugnay nito ay nagpahayag si Revilla ng pag-asa sa sponsor na si Sen. Nancy Binay na matapos ang kaniyang manipestasyon ay payagan siyang maging co-author ng naturang resolusyon.

Photos