Photo Release

November 24, 2022

Bayanihan relief ops ni Revilla, tuloy pa rin: PERSONAL na nagtungo si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa mga nasalanta pa ng Bagyong Paeng na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang tubig-baha sa malawak na bahagi ng Barangay Santisima Cruz, Sta. Cruz, Laguna.

Sinalubong si Revilla ng mga residente na nasa kalunus-lunos na sitwasyon dahil marami umano sa kanila ang nagkakasakit na tulad ng leptospirosis, dengue at iba pang karamdaman dahil nagdudulot na ng grabeng amoy ang nagpondong tubig.

Dahil dito ay libu-libong Family Food Packs at relief packs ang naipamahagi sa mga residente na tuwang-tuwa dahil matagal na umanong apektado ang kanilang kabuhayan.

“Huwag tayong panghihinaan ng loob dahil hindi ibibigay ng Panginoon ang pagsubok kung hindi natin kaya at nandito lang ako na palaging dadamay sa inyo” saad ni Revilla nang bigyan itong magsalita sa harap ng mga residenteng nasalanta.

Photos