Photo Release
Paghahanda sa earthquake lumutang sa komite ni Revilla: SA pagpapatuloy ng muling pagdinig sa Senado ay pinangunahan ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. bilang Chairperson ng Committee on Public Works ang ginagawang paghahanda ng iba’t-ibang ahensiya kaugnay sa sunud-sunod na lindol na yumayanig sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Naging sentro ng talakayan ang kaugnay sa umiiral na Building Code, National Infrastructure Development Plan at iba pang adhikaing pangkaligtasan upang mapagtibay na mayroong mga hakbangin ang iba’t-ibang ahensiya na dumalo sa naturang pagdinig sa Senado. Sa dinami-dami ng iprenisinta at mga paliwanag hingil sa mga pinaghahandaang proyekto ay lumutang pa rin ang pangamba hinggil sa banta ng ‘The Big One’ na anumang oras ay maaari magpabuka sa napakalaking fault line sa malaking bahagi ng Metro Manila at ilang karatig-lalawigan. Dahil sa init ng paliwanagan ng mga dumalong Senador at tagapagsalita ng mga ahensiya tulad ng Department of Public Work and Highways (DPWH) , PHIVOLCS, MMDA at iba pa ay naisa-isantabi pansamantala ang mga panukalang batas hinggil dito na nakatakda namang harapin sa susunod na pagdinig. “Nakataya kasi ang buhay ng ating mga kababayan, kaya mahalagang mabusisi at matiyak na may paghahanda at maging maliwanag ang mga nakatakda pa nating gawin para hindi tayo mabigla sakaling dumating ang sakuna” saad pa ni Revilla. |
Photos
|