Press Release
August 15, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: During the budget hearing, there are quite a number of items there that need not be included in the first place but they were in the 2006 proposed budget, theyd rather be deferred to the 2007 budget?

SPMBV: Actually, okay lang naman iyon. Sinabi ko na naman na ang Senado ay handa na tingnan itong supplemental budget pero hindi naman natin sinasabi na aaprubahin namin iyon mismong mga panukala ng executive department. Merong mga items doon na hindi naman kami nag-aagree na dapat na isama pa. Iyong iba kasi pwede nang isama sa 2007 budget para magkaroon ng mas mahabang panahon na masuri iyong mga panukala na iyon. Tingin namin talaga iyon lang ang pinaka-urgent, iyon talagang kailangang-kailangan ang dapat ipasa ngayon nang sa gayon mabilis na rin ang approval. Mas maganda naman siguro iyon, at meron naman kasing tinitingnan ang Senado na mga bagay-bagay din na sa tingin namin ay napakahalaga at iyan ay ilalagay namin doon. Maaring iyong tunay na halaga ay pareho rin o kaya mabawasan lang ng konti pero maaaring magbago iyong mga panukala.

Q: The likelihood of cuts?

SPMBV: Malaki ang posibilidad ng cuts o papalitan iyong mga items sapagkat hindi naman lahat ng items doon, kami ay nag-aagree. Maaaring may mga iba-ibahin kaming halaga, maaari kaming mag-propose ng iba pang karagdagang mga panukala pero hanggang doon na lang iyong amount na ipapasa namin.

Q: So P46.4 B?

SPMBV: Hindi kami sigurado na P46B iyan. Ang sinabi ko P46B ang pinakamataas, maaaring bumaba iyan pero magkakaroon definitely ng pagbabago sa supplemental budget.

Q: Ano iyong mga items na you are likely to maintain?

SPMBV: Iyong iba naman kasi, sigurado na. Halimbawa iyong sa mga sweldo, iyong mga salaries, wala naman tayong magagawa diyan, iyong sa pension. Iyan ay talagang obligasyon natin iyan. Iyong sa IRA, bagamat syempre titingnan pa din ng mga kasamahan natin iyan pero talaga naman ang IRA ay dapat namang inire-release iyan sa mga local governments. Iyong mga iba, siyempre, titingnan naming mabuti iyon at siyempre sisiguruhin natin na ang edukasyon ay makakakuha ng magandang parte dito sa budget na ito.

Q: On the anti-terror bill

SPMBV: Pinag-uusapang mabuti iyan. Siyempre may mga senador na gustong pagbotohan na, meron namang mga senador na gusto pang magdagdag ng karagdagang mga amendments. Pipilitin naman namin iyan. Iyan naman ay makukuha namin sa consensus. Naniniwala ako na makukuha pa rin iyan at hindi naman kailangang pag-awayan iyang isyu na iyan. Nauunawaan natin na maraming opposing views na ngayon dito. Merong mga kasamahan tayo na gusto talagang madali na, meron namang mga ksamahang tayong natatakot na baka itong anti-terrorism bill ay magamit sa paglabag ng mga karapatang pantao ng mga Pilipino. Kaya binabalanse natin iyan pero in the end, naniniwala akong magkakaroon kami ng consensus sa panukalang ito.

Q: The issue there is the concerns over its abuse because of so much power being placed in people who may not be actually trained for it?

SPMBV: Nababalanse naman iyan at marami na kaming nilagay doon sa panukala na para maka-safeguard, pati iyong sa anti-torture provisions ay pinalakas namin. Marami na, in fact maganda itong nagawang panukala ni Senator Enrile at napakaganda na nung bill na kanyang nagawa, balansyadung-balansyado na. Talaga lamang merong parang takot iyong mga ibang senador sa posibleng gawin ng Malakanyang.

Q: May timetable?

SPMBV: Wala naman tayong timetable sa batas at iyan ay pwede ngayon, pwedeng bago matapos ang 13th Congress. Hindi naman kami nagbibigay ng timetable sa aming mga sarili pero sa palagay ko ay malapit na naman at tapos na ang panukala. Ang kailangan lang ma-resurvey ay iyon mga kaba din ng iba nating kasamahan. Ang gusto lamang nilang mangyari ay huwag maabuso ito at mapangalagaan iyong karapatang pantao ng mga Pilipino. Sa tingin ko, makukuha din iyan.

Q: According to some Malacañang officials, nagiging unreasonable na daw iyon ilang senators dahil nag-i-impose pa ng conditions to pass the bill?

SPMBV: Iyong aming trabaho, okay naman yon at iyon ay ginagawa namin. Ang dapat nilang gawin, gawin nila ang trabaho nila.

Q: Has the Legal Department come up with a recommendation on the EO 464?

SMBV: Itong linggong ito ay ibibigay na sa akin itong proposal at iyong kanyang opinyon dito sa bagay na ito. Dalawa kasi iyong kinunsulta namin, isang external at internal.

Q: Ano iyong mga iyon, internal at external?

SPMBV: Ang internal ibig sabihin iyong sa Senado.

Q: You got a private counsel?

SPMBV: Just to be sure dahil kung aabot tayo sa Supreme Court, mabuti na ring tayo ay nakakasiguro.

Q: Iyong House ang matagal doon sa P500 M na pondo?

SPMBV: Wala pa sa atin iyan. Nagugulat lang ako at may nagtatanong sa akin kung ano daw ang gagawin sa supplemental budget. Nais kong sabihin sa ngayon, wala pa sa Senado iyong dalawang panukala na iyan. Ang pinag-uusapan natin ngayon--ano ang gagawin ng Senado kung darating sa atin. Nagugulat lang ako, iyong iba naiinip na. Wala pa sa Senado ang dalawang bills. Kahapon pa lang yata ipinasa iyong sa OWWA at iyong supplemental ay ngayon pa lang.

Q: Sec. Andaya was saying iyong P500M standby fund should be sourced from the national treasury?

SPMBV: Kanya-kanya namang opinyon iyan.

Q: Anong position ninyo?

SPMBV: Wala pa, pag-uusapan pa namin iyan. Kasi marami ang nagsasabi na dapat sa OWWA iyan kaya titingnan namin. Palagay ko ay hindi pwedeng manggaling lahat sa national treasury iyan. Palagay ko ay malaking portion niyan dapat manggaling sa OWWA.

Q: Considering na may ceasefire, do you think may pangangailangan pa to pass the standby fund?

SPMBV: Standby naman ito at baka kasi iyang ceasefire na iyan ay ma-violate din, magpapasa na naman tayo ng panukala. Ako naniniwalang dapat ipasa na ito at dagdagan na lamang ng provision na kung saka-sakaling magtatagal ang ceasefire, na pwedeng magamit ito kung halimbawang puputok ang Mayon, na pwedeng mailipat doon. But again, kailangan natin ng mga safeguards diyan at baka kung saan mailipat iyan.

Q: As former Chairman ng Public Order Committee, si Sen. Pimentel may panawagan para sa reopening ng investigation sa jueteng controversy?

SPMBV: Wala akong objection sa anumang gagawin ng chairman ng committee. Nasa sa chairman iyan ng Public Order ngayon, kung ano ang kanyang binabalak gawin ay pinauubaya ko iyon sa kasalukuyang chairman ng Public Order. (end)

News Latest News Feed