Press Release
August 17, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Ano po ang naging action ng Senate dun sa arrest order kay Sen. Estrada?

SPMBV: Kahapon ay nag-pass kami ng resolution na sinasabi namin iyong sentimyento, ang nararamdaman ng Senado na hindi kami sang-ayon doon sa nagyari at kami ay sumusuporta kay Sen. Jinggoy Estrada at kami ay nababahala sa mga ganitong mga bagay. Iyong mga ganitong kaso, iyong mga pagpunta ng mga pulis. Siyempre, maraming nababahala diyan. Siyempre iyong presence ng mga pulis darating sa Senado, iyan ay mga bagay na maaaring i-interpret na grave threat ng mga ibang senador at hindi tama iyan. Pwede namang ayusin sa mas magandang pamamaraan iyang pag-issue ng mga warrant na ganyan pero iyong prinsipyo, mali. Unanimous kami diyan, nag-express kami ng aming galit sa nangyari.

Q: May feeling na hindi lang si Sen. Estrada ang under threat, but the institution itself?

SPMBV: Oo, karamihan sa amin ganyan ang nararamdaman, na ito ay kasama sa pattern ng mga ganitong mga pamamaraan at ang tine-threaten ay hindi lamang si Sen. Jinggoy Estrada, kung hindi iyong buong institusyon at iyong mga ibang senador pa. Para bang sinasabi na mag-ingat kayo dahil anytime pwede kayong pasukin at aarestuhin kayo. Bagamat wala naman silang sinasabing ganyan, pero iyong mga aksyon na ganyan parang iyon ang pwede mong i-interpret at pwede mong isipin. Kaya nababahala kami diyan. Parang sunud-sunod. Marami ng mga nangyayari na mga bagay-bagay na parang paglabag sa ating mga human rights at iyong iba ay kasalukuyan palang ini-interpret sa Korte pero itong mga ganito ay medyo dumadami at sana ma-realize ng iba na mahalaga pa rin naman sa atin ang mga institusyon. Mahalaga sa ating demokrasya ang mga institusyon na iyan at dapat namay igalang.

Q: Sa tingin ninyo hindi naman siya tutuluyang aarestuhin? Nananakot lang talaga?

SPMBV: Hindi natin masabi iyan. Kung nagkataong sumama si Sen. Jinggoy Etrada, pwedeng arestuhin iyan spagkat talaga namang may warrant. Pero ang sa akin lang, iyong aksyon na iyon ay parang warning, hindi maganda ang dating sa amin. Alam naman natin na merong konting pagkadiperensya ang Senado at ang Malacañang . Alam natin na iyong mga imbitasyon namin ay ini-ignore, hindi nagpapakita iyong mga iniimbita namin. Binabalewala iyong aming mga imbestigasyon at pagkatapos ngayon suddenly dumating iyong mga pulis na iyon. Medyo hindi yata maganda iyong nakikita ko na pattern at ako ay nababahala.

Q: May position na po ba ang Senado ukol doon sa legal actions na gagawin para i-contest iyong Supreme Court ruling sa EO 464?

SPMBV: Palagay ko meron na at hindi ko pa lang nakikita pa ang final report. Sabi ko kasi, ipakita sa mga ibang senador namin na magagaling sa bagay na ito para masiguro na magaling iyong aming posisyon kasi nakikita ko na kakailanganin namin na tama iyong aming posiyon sa bagay na ito. Hindi lamang iyong dahil sa mga nakaraang insidente kung hindi nakikita ko na marami pang insidenteng mangyayari na kakailanganin namin iyang posisyon na iyan.

Q: Can we get your sense on the junking of the impeachment case?

SPMBV: Mahirap magkomenta kasi sa Mababang Kapulungan, dahil siyempre iyon ay bilang paggalang sa Mababang Kapulungan. Kami kasi sa Senado, gagawin lang namin ang trabaho namin kung dumating sa amin ang impeachment ay talagang haharapin namin iyan. Subalit natalo ang impeachment at mahirap magsalita sa Mababang Kapulungan. Siguro igagalang natin iyan.

Q: Iyong sinasabi ng Pasay police na only two men tried to serve the warrant of arrest?

SPMBV: Hindi naman dalawa iyon. Ang nakausap ko mahigit sa apat. Maaaring hindi ko masabi kung walo talaga dahil meron namang walang uniporme. Ang sa akin, wala namang pagkakaiba kung anim, walo, apat. The fact na sila ay mga pulis at ise-serve nila iyong warrant na maliwanag namang violation ng ating Constitution, nabahala na ako doon. To me, nagugulo lamang ang isyu kung pag-uusapan pa kung walo, anim, o apat iyong mga pulis.

Q: Iyong denial na sinabi nilang Malacañang ang nag-utos?

SPMBV: Ang sabi, humihingi sila ng konting katibayan na nagpunta sila doon dahil baka tumawag ang Malacañang . Hindi ko naman inaakala na nagbibiro o baka naman nag-slip of the tongue lang iyong pulis. Sinabi ko pa nga na, o nagkamali ka ng sagot, bakit sinabi mong Malacañang ? Pero marami namang nakarinig niyon at isa ako sa mga nakarinig niyan. Hindi lamang ako iyon, marami kami. Iyon naman, naniniwala ako na hindi magkakalakas ng loob iyong mga pangkaraniwang pulis na umaresto sa isang senador nang walang utos sa taas.

Q: On Charter change

SPMBV: Hindi natin alam kung ano iyan pero nakikita ko na mukhang sumisigla at nakakabahala rin ito. Nakikita ko na sa Mababang Kapulungan ay mukhang talagang tuloy pa rin ang pagkuha ng signature bagamat hindi kami nag-aagree dun sa sistema na iyon na 195 at doon sa pagkuha ng pirma sa peoples initiative. Nakakabahala din, maliwanag ang posisyon namin dito sa bagay na ito na anumang pagbabago sa Konstitusyon ay kinakailangang dumaan sa Senado.

Q: Are they close to getting the 195 votes?

SPMBV: Hindi ko masasabi iyan. Iyon ang aking balita subalit siyempre iyon ay Mababang Kapulungan at ayokong magkomento sa kanila. In the end, ang Supreme Court ang magdedecide. Sa palagay ko ang Supreme Court ang pinaka-magde-determine kung iyan ay tuloy o hindi. Ang hula ko ay aabot diyan iyan at sila ang magdedesisyon.

Q: Pag dumaan sa Supreme Court, matatagalan iyon, probably this year mahihirapan na iyon?

SPMBV: Assuming magdedecide ang Supreme Court. Kung hindi magdedecide ang Supreme Court

Q: Iyong veiled threat sa institution

SPMBV: Nararamdaman ng tao iyon. Hindi naman iyan isusulat, mararamdaman lang iyan.

Q: The feeling is Malacañang wants you to do something or not to do something?

SPMBV: Alam mo, pag nakakakita ka ng mga ganyang bagay, siyempre mararamdaman mo iyan sa sarili mo na merong nagwa-warning sa iyo. Iyan ay feeling lang, wala naman siyempreng maliwanag na statement na ganyan pero siyempre nakakabahala iyong presensya ng mga pulis sa Senado.

Q: Nagparamdam ba ang Malacañang sa inyo after? Walang tawag or anything?

SPMBV: Hindi naman. Wala naman. Hindi ko lang alam sa ibang senador kung merong attempt na magpaliwanag.

Q: Iyong mga bishops, may 2 witnesses na hawak na talagang involved sa pagta-tamper ng election returns? Mabubuhay naman ba iyon?

SPMBV: Ako ang policy ko bilang pangulo ng Senado, kung anong desisyon ng committee, kung gusto nilang mag-imbestiga, pwede silang mag-imbestiga. Iyan naman ay pagbobotohan ng committee iyan kung madesisyunan nila na mag-imbestiga ng ganung bagay, igagalang ko naman iyon. Ayoko namang pangunahan iyong aking mga chairman ng committee. Pero ako, pag gusto nila, okay lamang sa akin. (end)

News Latest News Feed