Press Release
August 22, 2006

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On the standby fund

SPMBV: Titingnan muna namin siguro. Baka mabawasan kung saka-sakali. We dont know the amount yet, I guess we will discuss it, pero pwedeng bawasan iyan. Pero siguro mahalaga may standby kasi matagal mag-approve ng batas. Maganda na rin na meron. Pero walang source iyan tsaka sa Treasury konti lang.

Q: Isa-submit na ni GMA iyong 2007 budget. Do you think you still need to pass the supplemental budget?

SPMBV: Nais ko lamang sabihin ulit na wala pa sa amin iyong budget pareho. Iyong P500M, wala pa sa Senado, iyong P46 B, wala pa din sa Senado at iyong 2007 budget wala pa rin sa Senado kasi maraming naghihintay sa amin, nagtatanong na kung malapit na raw naming aprubahan iyong mga panukala sa budget. Nais ko lamang sabihin na hindi kami pwedeng umaksyon diyan hanggat hindi naaaprubahan ng Mababang Kapulungan. Sa ngayon, wala pa kaming natatanggap maski na isang billhindi iyong P500M, hindi iyong P46 B, at hindi iyong 2007 budget.

Q: So walang sisihan?

SPMBV: Gusto ko lamang liwanagin iyan kasi baka mamaya masabi na naman na walang ginagawa ang Senado. Talaga namang kami ay handa namin talakayin iyan, handa namin ipasa iyan, subalit hanggang ngayon, nagtataka nga kami bakit wala pa ang budget hanggang ngayon. Nasabi na ng lahat na nagmamadali dito sa budget na ito, kailangang-kailangang daw. Kami naman ay nag-meeting na, matagal na, handa naman kaming ipasa iyan subalit ngayon ay wala at naghihintay kami. Ako ay nagtataka kung bakit biglang nagbago ng isip yata dito sa dalawang panukalang ito.

Q: You are considering a cut in the supplemental budget?

SPMBV: Sa supplemental, maaaring magkaroon ng cut kasi ang tagal at patapos na nang patapos ang taon. P46B, malaking amount iyan considering na one quarter na lamang ang natitira halos. Kaya maaaring reviewhin namin at iyon na lamang kakailanganin natin sa nalalabi na apat na buwan ang dapat nating ipasa. Isa pa, iyan lang naman ay personal ko at maaaring hindi iyan ang lumabas dito sa buong Senado pag pinag-usapan na namin iyan. Dito naman sa Lebanon na P500M, tinigil na kasi ang repatriation natin dahil sa medyo tahimik na doon, subalit maganda na rin na may pondo iyan. Ipapakiusap ko sa ating mga kasamahan na magpasa rin ng pondo kahit na papaano para just in case merong mangyaring emergency sa anumang panig ng Middle East, meron na tayong standby fund.

Q: How much cut are you considering?

SPMBV: Pag-uusapan iyan pero P500M iyon, siguro konti lang naman ang ika-cut doon o konti lang ang ititira pero sa OWWA fund naman manggagaling ang karamihan niyan. Depende rin iyan sa OWWA.

Q: Sa supplemental budget, how much cut?

SPMBV: Sa supplemental, wala kaming figure pa at pag-uusapan pa iyan. Ang sa akin lamang, naiisip ko na sa tagal nitong supplemental budget, at darating na nga iyong 2007, magkaka-overlap na. Halos apat na buwan na lamang ang nalalabi. Konting-konting panahon na lamang tatalakayin pa namin, magba-bicameral conference pa. Baka by the time na ma-approve iyang supplemental budget, assuming na ipapadala sa amin ng House, one qauarter to go. Kung one quarter to go, pwede nang bawasan iyang P46 B para tuloy-tuloy na sa 2007 budget.

Q: Sec. Norbert Gonzales said media is with communist influence Is that a good policy?

SPMBV: Maraming mga ginagawang policy ngayon ang gobyerno na ako ay nagtataka at parang talagang nate-test iyong ating mga karapatang pantao kaya dapat din namang maging alisto ang ating mga institusyonang Senado, ang media, ang Mababang Kapulungan at lahat ng mga institusyon. Mahalaga na parating ipapaalala natin sa kanila na ang mga institusyon ay dapat nating ipaglaban kung hindi, wala na tayong demokrasya.

Q: Kailan kayo mag-o-ocular inspection sa Guimaras?

SPMBV: Ngayong week na ito. Tatapusin ko lamang ang sesyon. Gusto ko nang pumunta sa Guimaras para makapag-ocular inspection na ako. Isa ako sa nag-file ng resolution, siguro meron na ring naka-file ngayon para imbestigahan ito. Hindi naman tayo papayag na hindi ito panagutan ng Petron, dapat ay panagutan nila ito at sa laolng madaling panahon at maitigil na iyong leak nung barko na nakalubog pa doon. Maski na ma-plug iyong butas na iyon, malaking damage na ang nagagawa at kinakailangang bigyan natin ng utmost attention ito at dapat pondohan ng Petron.

Q: The full cost should be shouldered?

SPMBV: Dapat naman sa kanila manggaling ito. Anyway, swerte naman sila. Buti na lang at malaki ang kinita nila at may panggagalingan iyong sa Guimaras.

Q: How would you asses the governments response to this?

SPMBV: Ang government response, parang wala. Wala akong naririnig na may response dito sa oil spill na ito. Wala akong naririnig na parang panic at nagtataka nga ako bakit walang panic sa government natin. Parang hindi masyadong nabibigyan ng pansin. Kawawa naman iyong mga taga-Guimaras dito at maaaraing lumala pa. Dapat talaga ito ay bigyan ng pinakamataas na lebel ng suporta ng ating pamahalaan.

Q: On the tankers and ships meeting international standards?

SPMBV: Pumapayag din ako sa panukala na mag-pepenalize o maglalagay ng rules sa mga tankers na dadaaan dito sa atin. Dapat talaga iyong mga twin hulled na iyong dadaan sa atin. Hindi na pwede iyong mga mahihinang klaseng barko sapagkat iyon naman ang pinagmamalaki ng Pilipinas, iyang ating mga beaches, iyang ating mga karagatan. Kung iyan ay mawawala pa, mawawala iyong isa sa kokonti nating ipinagmamalaki ngayon.

Q: Anong kulang pa na aksyon ng government?

SPMBV: Sa akin naman ay base lamang sa aking nababasa pero kung ang tanong ay kung ano ang kulang, sa palagay ko wala namang kulang dahil wala pa namang ginagawa sila. (end)

News Latest News Feed