Press Release
September 13, 2006

Transcript of Interview Senate President Manny Villar

Ano ito? Mensahe na talaga sa Senado na hindi na magpapabaya?

SPMBV: Wala naman kami talagang intensyon na magpabaya sa tungkulin. Ang sinabi lang namin talaga na maliwanag doon ay gusto naming dahan-dahan ito at gusto namin bigyan ang lahat ng pagkakataon na dumating dito at hanggang maari, kami ay nakikiusap sa kanila na dumating naman sila para sa ikaliliwanag ng mga issue na hinaharap sa Senado. Subali't noon pa ay sinabi na namin na hindi naman talaga pwedeng balewalain namin ito at hindi tumupad kami sa aming tungkulin. Ang nakikita natin ngayon ay tumutupad lamang kami sa aming tungkulin. Meron kaming inisyu na warrant of arrest, iyan ay aming i-implement. Kung meron pang komite na magre- rekomenda ng contempt sa mga hindi sumipot sa kani-kanilang hearing, iyan ay aking pipirmahan at kung merong magre-request na mag-issue kami ng warrant of arrest pa sa kanila, iyan ay akin din pipirmahan.

So far meron pa bang nag-request?

SPMBV: Normally kasi ang procedure dito, ang komite ay boboto at kung makakakuha ng mayorya, iyong motion na iyon na i-cite for contempt ang isang tao, iyon ay irerekomenda sa akin. Sinabi ko sa lahat ng mga senador, sa mga chairmen ng iba't ibang komite, kung merong ganoong rekomendasyon, ako ay nahahandang pirmahan iyon dahil iyon ay aking tungkulin.

Provided that it goes with the process?

SPMBV: Kami basta sa proseso lang, at sa Senado, ay sinusunod lang namin ang tamang proseso at wala naman kaming ginagawang bago. Itong karapatang ito ay talagang panahon pa ni Manuel L. Quezon ay meron ng karapatan ang Senado na ganyan. Wala namang nababago pa sa ating mga batas. Gusto lang namin maging dahan-dahan dahil ayaw rin naman namin na ang Senado ay masabi na padalos-dalos at hindi iniiisip ang kapakanan ng mga kababayan natin.

How long will you hold Sabio?

SPMBV: Ang prinsipyo sa ganitong mga bagay ay para sila ay mapilitang mag-testify. Anumang oras na magte-testify ang sinuman na may warrant of arrest, pwede na siyang umalis. Pwede na siyang lumabas pagkatapos ng hearing. Kung sasabihin nila sa amin na willing na silang mag-testify at magkakaroon na kami ng hearing, after that ay pwede na siyang, lumabas o sinuman sa kanila.

News Latest News Feed