Press Release
October 5, 2006

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

How do you intend to resolve this?

SPMBV: Siyempre iyan naman ay nasa pag-uusap din ng mga minorya at mayorya. Na merong voting kagabi, hindi naman nangangahulugan iyan na hindi namin igagalang iyong mga tradisyon namin sa Senado at ang pakiramdam ng oposisyon, hindi naman. As much as possible pareho pa din. Siyempre pagbibigyan natin kung anuman ang kahilingan ng minorya sa mga panukala na ihaharap sa Senado.

Whats the status anyway as Senator Enrile wants an end to the interpellation?

SPMBV: Matagal pa naman iyan. Meron pa tayong period of amendments, meron pa tayong period of committee amendments, meron pa tayong period of individual amendments. Iyon pa rin, iaallow natin na tumakbo iyong proseso at pababayaan naman natin ang sinumang senador na magbigay ng kani-kanilang individual amendments.

A number of the members of the minority are resorting to filibustering?

SPMBV: Minsan nangyayari naman iyon at hanggat maaari naman ina-avoid natin iyon at hindi natin maiiwasan. Pagka mga ganyan, hinahayaan na lang natin iyan. Sa Senado kasi napakahalaga din na kahit papaano ay manatili iyong pagkakaisa natin sa Senado at hanggat maari iyan ita-try natin na panatilihin.

Titiisin na lang iyon?

SPMBV: Ang pinal na desisyon niyan ay nasa mga miyembro pa din, kung ano ang magiging desisyon ng mga miyembro. As President of the Senate, tayo naman ay sumusunod lamang sa magiging kagustuhan ng ating mga kasamahan. Pero sa aking palagay ang kagustuhan pa rin ng ating mga kasamahan iyong magbibigayan at iyon pa rin ang magiging palakad sa Senado.

Last week you came up with a report card of ten billsyou are looking maybe at another 8..?

SPMBV: Mahirap magsabi kasi meron pa tayong isang linggo. Mas guigustuhin ko na magbigay na lang ng report pagkatapos ng sesyon. Anyway, one week to go na lamang. Okay naman iyon sapagkat karamihan naman ng mga panukala natin ngayon ay nasa advanced stages na. In fact karamihan nasa period of individual amendments na at kung hindi man pumasa iyan, siguradong mai-papasa na iyan bago matapos ang taon. Ito iyong mga major bills at marami pang mga bills na dumarating ngayon mula sa ibat ibang committee at patuloy ang dating ng mga sponsorships. Next week, maraming mga sponsorships na mangyayari at dadami na naman iyong tatalakayin natin hanggang year end. Hindi naman iyan parang performance lang natin hanggang next week. Siguro, hanggang matapos ang taon na iyan sapagkat lahat ng bills ay umaabante na.

You actually could have completed the bills..dahil dito naaantala iyon?

SPMBV: Totoo naman pero nandiyan na iyan at sa akin ay pabayaan na lang muna natin basta tumatakbo lahat ng mga panukala. Pati mga local bills ay hangarin natin na mapatakbo at maaprubahan para naman mapagbigyan din natin iyong ating mga kasamahan sa Mababang Kapulungan.

Mag-aadjust po ba kayo ng days ng session?

SPMBV: Huiwebes, meron tayong sesyon ngayon sa Huwebes kung may enough na senador na darating at tatalakayin natin iyong mga local bills kung saka-sakali. Next week, suguradong mas matagal ang session natin dahilan sa talagang medyo maghahabol tayo. Pero sa palagay ko okay naman so far ang takbo, maganda naman.

Budget hearings, parallel na with the House?

SPMBV: Naniniwala kasi kami na talagang ang budget ay dapat maaprubahan bago matapos ang taon. Iyan ay aking sinasabi noon pa, na hanggat maaari ang budget dapat maaprubahan bago matapos ang taon. Para tuwing papasok ang taon, meron ng budget. Iyan ay isang patakaran na dapat sa isang bayan na maganda ang pamamalakad. Kaya kami ay ginagawa namin ang aming tungkulin diyan at sinasabayan na namin iyong Mababang Kapulungan para pagdating sa amin nung bill ay mas mabilis na. Sana ay matapos namin iyan bago matapos ang taon. Pero depende iyan sa Mababang Kapulungan. Iyong last year ang kanilang 2006 budget ay inabot ng 8 buwan pero sa loob ng 3 linggo ay pinasa namin dito. Ito naman, sabi nila ay ipapasa nila next week at hindi natin malaman kung papasa next week iyan, then malaki ang pag-asang matapos iyan bago matapos ang taon. (end)

News Latest News Feed