Press Release
October 11, 2006

Transcript of Interview Senate President Manny Villar

On the pending bills that have yet to be passed...

SPMV: Ngayong araw na ito, napasa natin iyong biofuel at tinitingnan pa natin iyong posibildad na maipasa pa iyong mga ibang panukala. Napakahalaga nitong biofuel bill dahilan sa tumataas ang presyo ng gasolina ngayon. Malaki ang epekto sa ating ekonomiya at panahon na para maghanap tayo ng mga ibang sources ng energy at isa nga sa na-identify natin itong biofuel. Gusto nating i-encourage ang ating mga kababayan na magtanim na para maconvert naman sa gasoline din in the long run iyong mga produkto nila. Matagal pa ito at siyempre marami pang proseso iyan, may mag-iinvest pa sa mga planta, may mga magtatanim pa. Subalit magandang simula at naniniwala akong hindi lamang makakatulong ito sa pagbaba ng presyo kundi sa pagpapalaganap ng agrikultura dito sa ating bansa.

Do you see a difference in the Senate version with the House version?

SPMV: Wala naman. Wala naman akong nakikitang malaking diperensya sa bersyon ng House at ng Senado at wala akong nakikitang hindi marereconcile sa bicameral conference. Ito ay panlabing tatlong bill na naipasa na natin so hopefully mas mabilis na ang takbo ng iba pang mga panukala. Dito sa biofuel, wla naman, sa tingin ko lahat ay gusto talaga na maaprubahan ito at ang mga senador naman ay nagkakaisa. Nagkakaroon lang sila ng diperensya sa mga provisions pero wala naman maski isa na tutol dito sa magandang panukalang ito.

How do you expect the bicam to finish?

SPMV: Palagay ko mabilis ang magiging bicameral conference dito. Hindi ko maipangako iyan dahilan sa siyempre ang ating chairman ang bahala diyan, ang magle-lead ng panel. Subalit ang alam ko na ang Mababang Kapulungan ay naiinip na din dito sa panukalang ito at palagay koy magmamadali sila na matapos itong bill na ito.

Si Miriam daw ang magchair ng panel?

SPMV: Oo naman, si Miriam unless magdedelegate siya ng iba na magpepresent sa kanya sa bicameral conference. Bibigyan namin siya ng karapatang magdecide kung siya mismo ang uupo doon o magdedesignate siya ng iba.

On a general level, sa tingin ninyo mabilis na iyong phase ng legislation kahit na nauuwi minsan sa maiinit na exchanges?

SPMV: Alam mo itong pag-iinit ng ulo minsan ng mga senador ay magandang signal din iyan. Huwag nating titingnan na negatibo iyan dahilan sa ang negatibo ay iyong wala ng interes sa mga senador at walang balak na magpasa. Iyong paminsan-minsang nag-aaway siyempre talagang ang ibig sabihin niyan, gustong-gusto talaga nilang pumasa iyong kani-kanilang mga panukala at talagang passionate sila sa mga issues na nakasama doon sa bill. Hindi naman negatibo iyan dahil sa at least lahat ngayon ay nagpa-participate at lahat ng mga senador na may kani-kaniyang panukala ay talagang gumagalaw para maitulak iyong kani-kanilang mga bills. Hindi lamang naman iyang pumapasa ngayon ang dapat nating tingnan. Halos lahat ng komite ay may mga lumalabas na mga reports. Marami tayong mga reports na lumabas ngayon; maraming mga bagong panukala na lumabas ng committee at inisponsor na at marami pa rin tayong iisponsorin. Ito namang sa mga local bills kasi naniniwala tayo na dapat din namang bigyan natin ng pagpapahalaga iyang mga local bills na iyan dahilan sa kahit papaano mahalaga iyan sa Mababang Kapulungan. Mahalaga iyan sa buhay ng mga congressmen, ang tingin nila diyan ay napakahalaga at ang Senado naman ay bibigyan ng halaga din iyan at magpapasa rin tayo ng mga local bills sa abot ng ating makakaya. Kaya ngayon ay binuhay nating muli iyong Huwebes nang sa gayon magkaroon ng talagang oras para sa mga local bills.

Maipapasa po ba ninyo iyong automation bill tonight?

SPMV: Kung pipilitin natin kanina maganda naman ang nangyari of course hindi natin masasbi iyan 100% pero kanina ay nareconcile naman iyong mga differences at mamaya ay magtatangka tayo na maaprubahan iyang panukala na iyan kasama na iyong pagpapalakas ng Pamantasan ng Pilipinas tonight. Hopefully tonight.

Nag-agree na automatic transmission?

SPMV: Basta nag-agree na sila, nagmeeting na iyong dalawang committee at iyong mga nag-ooppose at nagsponsor iyong kanilang mga staff ay nagmeet na at nireconcile nila iyong mga differences. Kaya confident ako na maaaprubahan iyan.

Iyong anti-terror bill?

SPMV: Iyong anti-terror bill gusto lang nating i-move ng konti. Kung naaalala ninyo ay isinara na natin iyong period of interpellation. Mamaya ay baka isara natin iyong period of committee amendments. Hindi ko masasabi kung maaaprubahan iyan today dahilan sa meron na lamang mga iba pang tine-thresh out na issues subalit at least naniniwala akong maimo-move natin forward iyan sa pagtatapos ng committee amendments.

Do you think there is an urgent need to pass it?

SPMV: Meron din namang urgent need iyan kaya nga minamadali rin natin pero talagang mabigat din naman iyong mga pangangailangan na mga safeguards dito para hindi magamit ito sa pag-aabuso. Kaya talagang napakahirap ng panukalang ito considering na malaki ang posibilidad na magamit talaga ito at maabuso itong paggamit ng panukalang ito.

Kasi may bagong (mga pangyayari na related sa terrorism)

SPMV: Iyong mga present namang batas ngayon ay meron tayong sapat ng batas para mapigil din iyang mga bombing iyan. Hindi naman talaga natin pwedeng sabihin na just because walang anti-terrorism ay pwede na iyang mangyari. Hindi naman, bawal pa rin ang bombing, bawal pa rin ang pumatay ng tao maski walang anti-terrorism.

Sa arrest ng asawa ni Dulmatin, immigration laws lang ang magagamit kasi wala tayong anti-terrorism?

SPMV: Hindi naman, marami naman tayong mga magagamit na paraan diyan. Unang-una ay asawa iyon hindi pa naman natin sinasabi na guilty iyon kaya huwag na muna nating husgahan. Iyong asawa niya ang terrorist pero siya pwedeng terrorist, pwede ring hindi. Hindi tayo pwedeng gumawa ng conclusion doon.

May chairman na iyong ethics committee?

SPMV: Marami kami talagang inaasikaso ngayon at isa iyan sa mga aasikasuhin naming pagresume ng session.

Timetable ng Biofuel Act?

SPMV: I cannot speak for the chairman

Will they work during the recess?

SPMV: Pwede. Actually ang allowed naman ng Senado magtrabaho sa recess.

When you resume on the 4th week, iraratify na lang?

SPMV: Pwede naman din, pwede matapos. Madali naman iyan pag nag-agree naman iyan, pwede pag resume namin pwede nang aprubahan iyan. But I cannot speak for the respective chairmen of the committees. (end)

News Latest News Feed