Press Release
October 12, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Information leaked out that two senators participated in the February coup? Pinepressure kayo?

SPMV: Kung meron mang pressure na binibigay sa amin, hindi naman kami naprepressure. Sanay naman kami diyan at talagang ang Senado ay inaaasahan na iyong mga ganyang balita from time to time. Itong pattern naman na ito ay consistent. Ito ay isang pattern, nakikita natin noong pang mga nakaraang panahon at hindi naman ako nagugulat. Meron kasing mga tao sa administrayon ng Pangulo na medyo nagpapalabas talaga ng mga ganyang mga balita. Sa palagay ko, hindi naman tooto iyan. But of course, hindi natin masiguro pero hindi naman totoo iyan palagay ko.

You build the case and then you file the charges?

SPMV: Kung merong charges, i-file. Wala naman kaming question diyan. Meron tayong proseso. Kung merong kaso, i-file. Kami naman ay hindi naman kami matatakot dahil merong mga threat na magpa-file ng kaso or may gagawin sila. Hindi na kami natatakot diyan.

Is there a particular reason why these two senators?

SPMV: Wala akong idea kung bakit na-mention iyong dalawang senador na kasama natin at talagang wala akong kaide-idea. Sa akin lamang, hindi kami natitinag diyan. Basta gagawin namin ang trabaho namin dito at kagaya ng sinabi ko kanina, kung lahat naman kami dito ay may kaso, di kasuhan.

Will you allow them to be arrested?

SPMV: Ang sa akin, basta susundin ko ang batas dito. Iyang batas na iyan ay iiimplement na natin. Kung talagang hindi pwedeng arestuhin ay talagang hindi kami papayag. Depende kasi iyan sa kaso.

Ano ang sinasabi ng batas sa pag-aresto ng senador?

SPMV: Kailangan pagka-six years and below ang crime committed, hindi pwedeng arestuhin pag merong session. Ang interpretasyon namin niyan ay hanggat hindi kami nag-aadjourn na sine die, pagkatapos ng 13th Congress. Iyon ang interpretasyon namin, hindi iyong break ngayon. Ngayon ay recess lamang. Maski na recess kami ngayon, hindi iyan pwedeng arestuhin.

?

SPMV: Ibang klase iyan, ibang kaso iyan. Pero iyan ay haharapin natin pag dumating na. Iyan naman ay napapabalita lamang at iyong rebellion naman ay hindi simpleng kaso. Siyempre kailangan naman sila ay may maipakitang ebidensya at may basis iyong pag-akusa nila ng ganyan.

Pero life iyong rebellion?

SPMV: Kaya nga, hindi namin mapipigil kung ganyan talaga ang kaso pero iyan naman kailangang i-prove iyan at kailangang may basis. Hindi naman pwede na sasabihin lamang na merong kasama sa rebellion na wala man lang pinagbabasehan.

?

SPMV: Talagang ganyan. Hindi mo naman talaga mapapaligaya ang lahat ng tao. Meron namang masaya, merong malungkot. Talagang ganyan ang buhay.

Ano ang nangyari kagabi?

SPMV: Napasa natin ang biofuels kagabi.

Pero alas dose na nagkatapos

SPMV: Normal naman iyon dahil sa talagang last day kasi so kailangan talagang sagarin. Satisfied naman kami. Nai-move namin iyong anti-terrorism sa final stage na individual amendments, napasa natin iyong biofuel, marami tayong natalakay dito sa automation, at dito sa UP ay bagamt nagkaroon ng problema dito sa dalawa, okay lang naman iyan.

Iniwan daw siya at nawalan ng quorum? Pinagkaisahan daw siya?

SPMV: Hindi naman ako umalis. Ako ay nandito.

Incidentally, Jinggoy has a standing warrant of arrest. You cant issue that while Congress is in session and you are going on break ?

SPMV: Hindi kasali iyan. Iyong recess ay hindi kasali sa kaso ni Senator Jinggoy. Iyong recess na ganyan maliwanag iyan na hindi kasali iyan. Hindi pa rin pwede. Ang sinasabi na adjournment ay iyong adjournment na sine die, iyong final adjournment namin sa 13th Congress.

So they cannot issue?

SPMV: Iyong kay Senator Jinggoy hindi pwede iyon. Iyong rebellion hindi ko pa alam iyong kaso na iyan, kailangang matingnan natin iyan kung ano ang ebidensya nila kung meron man. Sa ngayon naman wala akong nababalitaan pa.

Sa automation?

SPMV: Hindi ko naman masasabi iyan. Marami naman ding majority na naiwan dito dangan nga lamang at kulang ang numero at wala naman tayong mgagawa kung may kani-kaniyang lakad iyong mga tao. Talaga namang alas dose na ng gabi at hindi naman natin masisi iyong mga tao na umuwi na rin. Hindi naman mga bata lahat ng ating mga miyembro ng Senado para magpuyat hanggang alas dose ng gabi. Siyempre iisipin din nila iyong kanilang kalusugan. (end)

News Latest News Feed