Press Release
October 12, 2006

Transcript of Senate President Manny Villar's press conference

On the Philcomsat robbery

SPMV: Di ko masyadong pinag-iiintindi ang mga bagay na iyan. Iyan ay ni-refer ko sa aming legal (department), sa aming abogado at bahala na siya rito sa kaso na ito. Nagmamadali yata itong PCGG talaga. Kami ay may usapan ng Supreme Court dito na tahimik muna at iyan ay amin sinusunod.

Pinagkibit-balikat lang ng Senado?

SPMV: Hindi namin pinag-iiintindi iyang PCGG.

Si Mr. Andal, iyong nag-file ng kaso?

SPMV: Nakita mo nani hindi ko alam kung sino sya. Hindi ko nga siya kilala, so hindi ko pinag-iintindi iyang mga ganyan. Natural lamang iyan siguro. Siguro kinuha siyang abugado at kailangang may maipakita siyang ginawa niya.

Ang tapang naman niya. From the Senate President to the Senate Sergeant at Arms?

SPMV: Normal lang iyan, pagkakataon na niyang sumikat.

May legal jurisdiction ba?

SPMV: Oo naman. Maliwanag naman ang ginawa namin. Talaga namang ang pag-iisyu ng subpoena at pag-aaresto ay talaga namang nasa aming authority iyan at aming responsibilidad iyan. Wala naman kaming kakaba-kaba diyan. Maliwanag na maliwanag ang legal position namin sa bagay na ito.

Budget is expected to be approved by the House siguro early tomorrow morning. If transmitted after the three-week recess, you have time before the Christmas recess (to approve it)?

SPMV: Palagay ko ang ating budget ay tapos na iyong preliminary hearings at kung darating dito iyon ay mabilis naman natin matatalakay. Hindi lang natin masasabi of course kung iyong ating amendments na gagawin diyan ay magiging acceptable sa Mababang Kapulungan. Subalit dito sa Senado, palagay koy kaya naman nating ipasa ito bago magtapos ang taon. Naniniwala akong dapat talaga ang budget ay ipinapasa bago matapos ang taon para pagka-January 1, ay mayroon ng budget. Sana for a change ay magkaroon naman tayo ng budget na maa-approve on time.

How do you go about it?

SPMV: Sa ngayon, hindi na tayo magko-committee at i-hold iyan. Bagamat inaasahan natin na maaprubahan ng Mababang Kapulungan ngayon hanggang bukas, magkakaroon pa ng printing iyan. Matatanggap namin iyan talaga mga first week nang pagbubukas ng sesyon, siguro mga November 13. Medyo gahol sa oras, pero palagay ko kakayanin namin dahil tinapos naman ng Senado ang mga preliminary hearings. Halos lahat ng departamento ay na-cover na, mangilan-ngilan na lamang ang hindi pa nako-cover. Palagay ko naman makakaya natin maaprubahan iyan bago matapos ang taon.

Ang set up kasi ngayon solo si Sen. Drilon, he didnt create any sub-committee?

SPMV: Iyan ay prerogative ng ating chairman at kami naman ay ginagalang namin ang desisyon ng ating chairman. Gagawin niya ang inaakala niyang magaling para sa ikabubuti ng budget at sa aking palagay iyon ang kaniyang pasya. Maganda naman ang takbo at nagawa naman namin iyong mga panukala sa Senado, so okay din naman iyan.

Sa floor gagawin?

SPMV: Hindi naman, dadaan pa sa committee iyan. Magkakaroon ng konting hearings pa iyan at gagawa pa ng committee report bago dalhin sa floor for deliberations. Siyempre may konti pang amendments iyan. Dadaan pa rin sa regular na proseso iyanmagkakaroon ng report sa committee, magkakaroon ng mga amendments, bago magkakaroon ng approval. Siyempre aaprubahan ng buong Senado iyan, kung anu-anong mga amendments na aming mapagkakasunduan. Pagkatapos niyan ay aaprubahin namin at hopefully meron pang oras para sa bicameral conference.

The automated election act was finally approved, but the minority, marami sa kanila ang wala kanina, di kaya magkaroon ng tension?

SPMV: Siyempre nalulungkot naman ako diyan at hindi lahat napagbigyan dito sa panukalang ito. Pero talagang maraming oras na rin naman ang inubos ng Senado dito at in the end, talagang napakahirap pagbigyan lahat. In the end, kailangan na rin magdesisyon ang buong Senado at iyon ang napagkasunduan. Alam naman ng lahat na meron ngayong sesyon at meron din namang miyembro ng minorya. Sana ay hindi na lamang pagsimulan ito ng mas malaki pang gulo dahil nga marami pa tayong trabaho at hindi naman siguro masisira ang relasyon ng minorya at mayorya sa isyu na ito. Marami pang dapat talakayin na panukala at hindi pa rin umaalis ang Senado sa kanyang policy na hanggat maaari ay magkakaroon ng consensus ang minorya at ang mayorya. (end)

News Latest News Feed