Press Release
October 17, 2006

Transcript of interview of Senate President Manny Villar

The Supreme Court ruled unanimously, upholding the Senate's position on the Sabio case. Can we get a reaction from you?

SPMV: Siyempre masaya ako sa nangyari na iyan. Naipakita namin na talaga naman na iyong proseso, iyong policy na aming ina-dopt ngayon anytime na macha-challenge ang ooridad ng Senado ay pagtatanggol namin iyan sa tamang venue at ngayon ay Supreme Court, at nagdesisyon naman ang Supreme Court na pabor sa amin. Itutuloy namin iyang programa na iyan. Marami pa kaming mga hinihintay na ire-release na desisyon ng Supreme Court at meron pa tayo, palagay ko, sa mga darating na panahon, kwestyon na dadalhin sa Supreme Court pero hindi papayag ang Senado sa mga nangyayari na mababawasan ang otoridad ng Senado. Masaya ako sa nangyari na iyan.

Does that mean the committees can now continue with the investigation in the PCGG-Philcomsat and order the arrest?

SPMV: Ngayong may desisyon na, bibigyan namin ng pagkakataon ang PCGG. Of course ito ay depende sa chairman ng committee at hindi ko pa nakakausap ang chairman. Naniniwala ako na dapat magkaroon ng hearing at bigyan sila ng pagkakataon na umattend. Ngayon wala na silang dahilan para hindi umattend . At pagka diyan sa hearing na iyan ay hindi sila umattend, wala na kaming magagawa. Isa-cite namin sila ulit for contempt or itutuloy na namin iyong contempt na na-cite na at papaaresto namin sila. Pero mas maganda rin naman na ngayon ay bigyan namin ng pagkakataon na magkaroon ng hearing at doon nila ipaliwanag iyong mga dapat nilang ipaliwanag.

How soon can the Senate resume the hearings?

SPMV: Depende iyan sa iba't ibang committee chairmen. In the case of PCGG, depende iyan sa chairman na nag-iimbestiga ng PCGG. Medyo bakasyon tayo ngayon kaya hindi ko masasabi iyong mga sesyon na iyan pero hindi naman tayo nagmamadali na. Ang mahalaga ay na-establish natin ngayon na may karapatan ang Senado na mag-cite for contempt sa mga taong hindi darating sa aming paanyaya. Ito ay dapat tingnan ng mga ibang opisyales na hindi nila pwedeng balewalain ang Senado ngayon kaya ito ay warning na rin sa mga iba na iimbitahin namin na hindi kami mangingiming gamitin ito sa sinumang magbabalewala sa authority ng Senado na magpatawag.

You can hold hearings during the recess di ba?

SPMV: Magpapatawag kami ng hearing at uulitin ko na warning ito sa aming mga iimbitahin. Sana iyong Supreme Court ruling ay magsilbing warning sa inyo at sinasabi ko naman na hindi mangingimi ang Senado na i-exercise ang aming karapatan. (end)

News Latest News Feed