Press Release
November 6, 2006

Transcript of Radio Interview with Senate President Manny Villar

Ano po ang mga pangyayari sa IPU?

SPMV: Marami tayong napag-usapan doon pero ang emphasis doon ay iyong pagtatanggol ng karapatan ng mga tao sa buong mundo at sapagkat medyo maraming gulo ngayon, isyu sa North Korea, kung papaano ang gagawin sa North Korea; iyong isyu sa Iraq, papaano ang gagawin sa Iraq at napuna nila na dumadami ang gulo sa mundo pati iyong mga lugar na kagaya ng Somalia. Paminsan-minsan, maganda pala iyong nagkakaroon din ng comparison ng mga notes sa iyong mga kasamang parlyamentaryo para iyong kanilang mga problema ay nababanggit nila at nang mapag-aralan natin at gumagawa ng posisyon. Halimbawa iyong sa nuclear, papaano ang gagawin nating posisyon doon sa ginawa ng North Korea na nagpasabog ng atomic bomb.

Meron po kayong solusyon na nabuo doon sa naturang kumperensya?

SPMV: Nagkaroon kami ng pagkakaisa na tutulan iyon.

Iyong pong issue ng human rights dito sa Pilipinas, meron po ba kayong naibahagi doon?

SPMV: Nakasama ang Pilipinas sa nabanggit na concern ng mga parliamentarians sa IPU. Doon ay pumasa ang isang resolusyon na banggitin sa gobyerno natin iyong kanilang concern sa mga human rights abuses na nangyayari dito at dapat tingnan. Hindi naman kami gumagawa ng conclusion, iyan ay more of tingnang mabuti at tigilan muna kung may nangyari talaga.

Ano po iyong nakahanay na priority ng Senado?

SPMV: Madami iyan bagamat sa Martes ay mag-iimbita ng LEDAC ang Pangulo at wala namang masamang umattend diyan. Dito sa atin ay marami tayong mga naipasang panukala noon at itutuloy natin iyong mga bicameral conference sa biofuel, iyong sa election automation, iyong sa 70% cap; iyon sa human rights, iyong pagbabayad ng human rights victims ng dating Pangulong Marcos. Ito iyong sa bicameral conference para maging batas na. Ito namang sa pagpasa sa atin, nandiyan pa iyong anti-terrorism at madaming mga pending ngayon sa banking, marami tayo sa larangan ng banking na pending ngayon, sa larangan ng mga taxes; iyong pagbibigay ng insentibo doon sa mga basis natin na maraming nagsilipat na dapat silay merong insentibo subalit binawi ng Supreme Court, iyon ang ibabalik natin. Madaming nakalinya sa larangan ng taxation, sa larangan ng banking at sa larangan ng terrorism at sa larangan din ng edukasyon. Iyon ang nakapila dito sa atin, marami-rami dahil sa alam mo ang nangyari, bukod sa marami tayong naipasa noong nakaraang sesyon, napakarami ding ng mga bills ang tumakbo. Iyong dating nakapara sa kumite, pinalabas namin iyon sa mga kumite at iyan ay nasa floor na ngayon na pwede nang talakayin. Medyo punung-puno ang agenda natin sa pagbubukas.

Iniexpect po nila sa Malacañang na dadalo kayo sa LEDAC meeting?

SPMV: Wala namang masama doon. Sa aking palagay ay maganda na ituloy ang relasyon ng Malacañang at Senado sapagkat kung nag-aaway man sa pulitika ang mga pulitiko, hindi naman dapat madamay ang ating pagtatrabaho at dapat iyong mga batas na nakabinbin ay umandar. Walang masamang marinig natin kung ano naman ang prayoridad nila. Hindi nangangahulugan na ang prayoridad nila ay prayoridad din namin, meron kaming sariling prayoridad pero mas magandang nag-uusap tayo para maipaliwanag sa atin kung bakit prayoridad iyon. Baka naman sila ay may katwiran.

Isa po sa mga kontrobersyal na isyu ay iyong sa JPEPA na dadalhin sa Senado. Ano po ang inaasahan ng Malacañang sa bahagi ng Senado?

SPMV: Ang Malacañang ang magdedesisyon kung ibibigay sa amin iyan. Dapat ibigay nila sapagkat iyan ay nakalagay sa Constitution. Subalit minsan itong ating gobyerno ay medyo pagka ayaw nilang talakayin ng Senado ay hinohold ang pagbigay. Sana huwag naman nilang ihold ito para masuri na natin sa lalong madaling panahon itong agreement na ito. Sana huwag nilang ideklara ito na executive agreement sapagkat tututulan namin ito at talaga namang maliwanag na ito ay isang treaty na kinakailangang aprubahin ng ating pamahalaan. Kung hindi naman mangyari iyan, kami ay mapipilitang mag-imbestiga na lang at pwedeng magcall na lang ng imbestigasyon na walang kinalaman sa pagratify ng treaty.

Pag idineklarang executive agreement ito, may magagawa pa ba ang Senado dito?

SPMV: Maaaring ibring-up namin iyan sa Korte Suprema sapagkat magkakaroon ng stalemate iyan. Ang tingin ng Senado dapat ay ipakita sa amin iyan, treaty iyan; ang posisyon ng executive ay hindi na dapat, executive agreement iyan. Sa isyu na ganito, Supreme Court lang naman ang haharap niyan. Kami naman ay hindi kami nagsasawa na pangalagaan ang ating Konstitusyon at ang ating mga batas. Kung talagang anytime ay inaakaala natin na ang batas ay niyuyurakan o nilalabag, ibi-bring up namin nang ibi-bring up iyan sa Supreme Court para maliwanagan. Sa ngayon, alam naman na kahit papaano, 5-0 ang score natin na sa bawat limang iniharap namin sa Supreme Court, limang beses din tayong idineklarang panalo.

Pursigido ang House leadership sa ConAsss. Ano po ang magiging stand dito ng Senado?

SPMV: Pag-uusapan namin iyan sapagkat ang stand ng Senado ay maliwanag sa bagay na iyan. Hindi ako naniniwalang iyan ay magbabago. Doon pa rin kami sa dati na bicameral at hindi kami papayag na unicameral ang voting o iisa. Hindi iyan makakakuha ng votes sa Senado. Maski ipagpalagay na may mga senador na magbago ng isip, hindi pa rin ako naniniwalang makukuha ang mayorya o vote sa isyu na ito.

Nararapat ba na manghimasok ang isang politiko sa Korte Suprema (sa kaso ni Sen. Santiago)?

SPMV: Unang-una si Sen. Miriam Defensor Santiago ay isang taong may kakayahan bilang Chief Justice ng Supreme Court kaya nga lang siyempre iyan ay nasa kamay ng Pangulo. Siyempre may mga tradisyon tayong kinokonsider pagka mga appointment na ganyan. Kaya iyan ay isang bagay na nasa kamay ng Pangulo at obligasyon ng Pangulo na iwe-weigh niya ang kakayahang alam niyang meron si Sen. Miriam Santiago. Sa kabilang panig naman, iyong tradisyon naman na siyempre dumadaan muna sa pagka-justice ang isang tao normally bago nagiging Chief Justice.

Iyong appointment ni Sec. Gary Teves na matagal nang natengga sa CA dahil sa pagkwestyon ni Rep. Suplico. Ano sa tingin ninyo? Dapat na ba siyang palusutin na dahil ang ating ekonomiya ay naaapektuhan dito?

SPMV: Actually hindi naman. Inassure naman namin ang mga businessmen. Technical lamang ang delay doon kay Sec. Teves, meron lamang nagcomplain, nireresolve din naman namin iyan. Naniniwala ako na mako-confirm si Sec. Teves sa lalong madaling panahon at hindi ako naniniwala na magtatagal iyan. Sa unang sesyon, unang una kong tatrabahuin ang confirmation ni Sec. Teves.

Iyong issue doon sa ghost employees sa pamahalaan. Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin dito?

SPMV: Siguro naalala mo iyan dahil All Saints Day pero hindi naman tama iyan talaga dahil pagnanakaw iyan pagka naglalagay ka ng ghost employees, ninanakaw mo iyan. Iyan ay isang form ng pagnanakaw sapagkat wala namang tao doon na nagbigay ng serbisyo, bakit mo suswelduhan tapos kukunin mo. Kaya masama iyon. (end)

News Latest News Feed