Press Release
November 6, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On Nonong Cruz

SPMV: Magaling na Cabinet member itong si Nonong Cruz at siyempre lahat ng nakakakilala sa kanya ay nalulungkot sa nangyari na siya ay nagresign pero talagang ang gabinete ay prerogative ng Pangulo at wala tayong magagawa diyan. Sa akin ay nakakasiguro naman ako na pinag-usapan nila ng Pangulo iyan at ni Sec. Nonong Cruz at ang pagtanggap ng Pangulo sa kanyang resignation.

How about the cha-cha?

SPMV: Sa ngayon, wala pa sa prayoridad iyan ng Senado. Anumang resolusyon dito ay merong proseso at iyan ay pag-uusapan ng mga senador. Kung ano ang magiging aksyon dito ay pag-uusapan ng mga senador iyan maaaring sa isang caucus o mga informal na discussions. Kung magkakaroon ng consensus na bigyan ng prayoridad ito, bibigyan natin ng prayoridad. Pero kung hindi naman at wala namang consensus para ituloy ito, susundin pa rin namin iyong aming regular na schedule. SPMV: Sa ngayon ay wala pa sa agenda natin iyang chacha at laganap na iyong mga balita na magpafile ng resolution si Sen. Revilla. Ito ay isang bagay na tatalakayin natin pag nandun na.

Chief Justice si Sen. Miriam?

SPMV: Siyempre mahal natin si Sen. Miriam Santiago at ayaw nating iwanan niya subalit ginagalang ko ang kanyang kakayahan at hindi natin malaman kung ano ang magiging pasya ng Pangulo at kung ano ang kanyang magiging pasya niyakung gusto niyang maging Chief Justice. Ang alam ko lamang ay very qualified si Sen. Santiago.

Natanggap ninyo na ba iyong JPEPA?

SPMV: Hindi pa, hindi pa namin natatanggap ang agreement na iyan sa Japan at hindi kami basta-basta papayag na gawing executive agreement iyan. Naniniwala kami na kinakailangang scrutinize ng Senado mabuti iyan at kailangang malaman talaga natin kung ano talaga ang nakapaloob diyan at hindi kami basta basta papayag diyan.

(inaudible)

SPMV: Sa akin ito ay isang bagay na napakahalaga at mahirap sa isang senador lamang na magbigay ng statement dito. Ito ay talagang isang bagay na pag-uusapan ng lahat ng mga senador at kailangang kami ay mag-usap-usap dito.

Nasa listahan kayo ni Erap?

SPMV: Marami ang nag-iimbita sa atin subalit akoy nagagalak naman at napasama ako sa listahan ni dating Pangulong Erap Estrada. Iyon ay isang karangalan din natin na malagay sa isang grupo na ganyan. Iyan ay pag-uusapan ng Nacionalista Party kung papaano ang gagawin nating posisyon diyan. Sa ngayon, ako ay nagpapasalamat at ako ay napasama diyan.

In the meantime wala pang posisyon ang NP ?

SPMV: Kasi hindi pa natin alam kung ano ang mangyayrai. Sa ngayon siyempre naghahanda kami sa parang lumalabas ngayon na magkakaroon ng eleksyon. Subalit sa ngayon sa darating na linggo, napakaraming trabaho sa Senado dahil gahol kami sa oras at sa aking palagay, iyong mga prayoridad ang dapat muna haharapin at pagkatapos niyan ay mag-uusap-usap na iyong miyembro ng Nacionalista Party. (end)

News Latest News Feed