Press Release
November 7, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar
with Anthony Taberna and Jerry Baja (Dos for Dos)

A: Mr. Senate President, kumusta po kayo at kumusta ang senado ngayon, buo pa pala at di pa nabubuwag?

SPMV: Well, buhay pa at di pa mawawala pero anyway alam mo maraming mga gagawin tayo ngayon at sa mga darating na panahon e, medyo kulang lang sa oras e pitong linggo na lang ang nalalabi dito sa Disyembre at kasama na rin yung budget, kasama na rin yung napakarami pang panukalang umaandar na ngayon. Marami kaming ipinasa nung unang sesyon pero ngayon lalong dumarami pa dahil medyo pinapalabas naming yung bills ng mga komite kaya inaapura ko kasi para at least maganda ang performance ng senado bago magtapos. Wala nang oras e kasi nga next year ay tatlong linggo na lamang at eleksyon na.

G: Ang performance ho ng Senado sa ilalim ng inyong leadership ang tinitingnan ngayon dahil etong mga nakaraan ay lagi ngang napupuntirya ang Senado na walang silbi, dapat nang buwagin. Sa inyo po bang unang 70 days as a Senate President ano po ba ang mga nangyari sa Senado, ano pong bills ang mga naipasa ninyo?

SPMV:Actually maganda dahil sa yung numerong naipasa naming ay halos equivalent na rin sa ating unang nakaraang taon. Yung bio-fuel pinasa namin at kailangan natin yan, yung ating automation ng election, yung ating human rights compensation bill, yung budget nating supplementary, yung 500 million na pondo para sa mga Lebanon na OFW, ilan lamang yan- yung ating 70% na improvement sa VAT kasi itoy hinihingi ng lahat ng businessman na tanggalin yung provision na yun at yan ay inaprubahan natin. Kasama na rin dito yung mga panukalang lokal napakarami rin nating naipasang lokal at for the first time ay binibigyan talaga ng pansin ng Senado yung mga local bills dahil sa tingin naman namin ay hindi kami dapat makipag-away sa mababang kapulungan. Kasamahan natin yan, kasama natin sa kongreso yan at bibigyan namin din ng pansin yang kanilang mga panukala. Pero ngayon tumatakbo naman yung 2007 budget ay tatalakayin naming ngayong dumating na sa Senado.

A: Mga hanggang kelan po kaya matatapos yan?

SPMV: Well, ako talaga isa ako sa naniniwalang dapat ang budget pumasa bago matapos ang taon pero kung hindi man ito pumasa bago matapos ang taon, halos siguradong naman akong papasa ito sa Enero o Pebrero bago kami mag-adjourn sine die.

G: Mukhang marami-rami kayong natrabaho nitong nakakaraan Mr. Senate President, anong factor ho bakit biglang dumami ang trabaho ng Senado hindi kaya dahil ililibing na ang Senado?

SPMV: Well alam mo kanya-kanyang style yan, sana ako naman ay nakikita ko na ang prayoridad natin sa Senado ngayon ay yung tatakbuhin ng panukala at naipangako ko sa aking sarili na yan ang aking aatupagin dahilan sa unang- una nakikita ko talagang nagbu-boom sa paligid ng Pilipinas ngayon sa Asya ay ayoko naman maiwan ang Pilipinas habang tayo ay nag-aaway-away muna sa larangan ng pulitika; kaya dapat ang Senado gawin yung kanyang tungkulin sa panukala. Yung mga imbestigasyon tuloy pa rin yan di naman naming pwedeng pigilan yan ang akin lamang naiisip pwede naman pagsabayin yan na tuloy ang imbestigasyon pero at the same time tumatakbo yung mga panukala natin.

G: Mamaya ho may LEDAC Meeting imbitado pa ho ba ang Senate President

SPMV:Well imbitado naman at akoy pupunta run. Pupunta ko run dahil talagang sa tingin ko kasi bagamat marami tayong problema sa pulitika ay dapat ipakita din natin na normal ang takbo ng gobyerno para naman sa ang ekonomiya natin ay di masyadong maapekto at ang sa akin ay gusto ko ring marinig kung ano ba ang posisyon ng Executive Department sa mga ibat ibang bill, hindi naman nangangahulugan na yung prayoridad nila ay prayoridad din naming, siyempre meron din kaming sariling prayoridad. Maganda naming marinig naming yung kanilang katwiran kung bakit may mga bills sila na gusto nilang itulak at kung maganda naman ay itutulak namin.

A: Halimbawa po ay yung anti-terrorism bill Mr. Senate President, ano na po ang balita jan? Makakapasa po ba bago mag adjourn sine die?

SPMV: Well yan ay hindi natin masabi bagamat yan ay nasa advancing stage na, nasa huling stage na yan na tinatawag na individual amendments at siyempre talagang maraming kababayan tayong umaasa dahil kasama sila dun at natatakot dahilan sa baka itoy magamit laban sa karapatang pantao ng mga Pinoy, pero siyempre nakikita rin namn natin sa buong mundo na kailangan talaga dito ng anti-terrorism bill. Pinipilit naming pagandahin yung bill na kung kami ay komportable na ito ay magagampanan yung kanyang objective na anti-terrorism at sugpuin yung terorismo, at the same time hindi magagamit ninuman laban sa karapatang pantao ng mga Pinoy ay ipapasa na yan.

A: Mr. Senate President, eto po ay tanong ng isang anonymous texter natin, how do you solve a problem like Enrile and Madrigal? Lalo po jan sa Anti-terrorism bill matindi po ang awayan jan?

SPMV: Hindi naman, yan naman ay awayan ng prinsipyo hindi naman siguro personal (siguro may halong konti) . Gnyan talaga sa Senado e, may kanya-kanyang opinion ang mga tao at pare-pareho nating iginagalang yan. Ang maganda lang sa Senado ang mga miyembro niyan ay masasabi mong matured na at may sariling paninindigan at hindi mo na kailangang bantayan, hahayaan mo lang sila., actually independent sila.

A: Ang Senado po ngayon ay dadalawamput tatlo na lamang ang miyembro, mukhang mababawasan pa ho kayo ng isa, mukhang magiging 22 na lang dahil yung isa po ninyong kasamahan ay mamaya po magbabasa raw ng body language ng pangulong Arroyo, ang sabi po ni Sec. Raul Gonzales ay anim daw po ang isu-submit ng JBC at pang-anim ang pangalan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Pang. Arroyo, sa inyonyo po ba personally, sa tingin ninyo ay tamang na ma-appoint na Chief Justice si Sen. Santiago?

SPMV: Ang pag-upo o pag-apoint sa Chief Justice ay karapatan ng Pangulo yan at ang masasabi ko lang ay bagamat ito ay labag sa ating konstitusyon, hindi pangkaraniwan, bihirang mangyari ito pero si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay very qualified at kung qualifications ang pag-uusapan ay isa siyang iginagalang na abogado.

Ang Nacionalista Party po ba na inyong pinamumunuan ay oposisyon o administrayon?

SPMV: Kami sa Nacionalista Party ay may sariling partido. Ito ay pinapangatawanan namin. Kami ay nakikipag-alliance sa sinumang partido na gusto namin. May mga issues na sumasama kami sa administrayon at mas marami kaming kasama na administrasyon sa ngayon. Subalit hindi naman nangangahulugan iyan na sarado kami sa ibang partido sa darating na eleksyon. Unang-una sa kaguluhan ng politika ngayon, hindi mo na alam ang magkakasama at makakalaban. Sa aming pananaw, isa lamang ang dapat hindi nagbabago--kami na Nacionalista.

May balita na ang Nacionalista sa darating na 2007 senatorial elections ay makikipag-alyansa sa grupo ng dating Pangulong Estrada, iyong PMP, at sa ilang taga Nationalist Peoples coalition at saka sa ilang taga Liberal Party. Totoo po ba na kayo ay panhik-panaog diyan sa Tanay Rizal?

SPMV: Ang sa akin kasi ang pagpunta sa Tanay ay pakikipagkaibigan sa Pangulong Estrada at walang kinalaman iyan sa mga senatorial slates. In fact, bihira naming pag-usapan iyan. Bagamat kung magpo-form ng slate ang Pangulong Estrada, siyempre iyon ay isang bagay na bibigyan natin ng malaking konsiderasyon dahil kami naman ay magkaibigan at marami rin kaming mga prinsipyo na pareho kaya hindi ako nagugulat na magkaroon ng ganyang alliance.

Ilang beses na po kayong nakadalaw kay Erap sa Tanay?

SPMV: Marami na din kasi masarap din namang magpasyal doon at makipagkwentuhan. Alam mo iyong makikipagkwentuhan ka sa isang dating pangulo ay isang malaking karangalan din at marami ka ring natututunan at masarap din naman at nakakapagpahinga ka pa.

Masarap iyong pinaupong native na manok

SPMV: Iyon ang pinakamasarap. Talaga namang si Pres. Estrada, napakawarm niyang magtanggap ng bisita at talaga namang mabubusog ka.

Sa Nacionalista po ilan ang siguradong tatakbo para sa 2007 senatorial elections?

SPMV: Ako tatakbo ako. Si Senator Ralph Recto at Congressman Allan Cayetano. Nag-iisip pa si Cong. Gilbert Remulla at si Cong. Guingona. Iyong lima na iyon ang medyo nag-iisip. Tatlo sigurado na, iyong dalawa nag-iisip pa. Kulang pa rin kami. Hindi kami makabuo ng labindalawa although may mga sumasama sa amin na gustong magmiyembro o gustong makipag-alliance sa Nacionalista subalit napagkaisahan namin na kami ay magmi-meeting sa Disyembre at doon na lamang kami gagawa ng pinal na conclusion o pinal na posisyon para hindi na nagkakaroon kami ng pabagu-bago ng posisyon habang tumatagal ang mga araw. Gagawa na lang kami one time, magmi-meeting kami sa Disyembre, gagawa kami ng final position.

Bakit po maraming sumasali sa inyo? Dahil po ba kayo ay magandang lalaki o marami kayong pera?

SPMV: Hindi natin malaman. Palagay koy naniniwala sa prinsipyo ng Nacionalista Party.

Marami po ang gustong maging senadorMeron na tayong mag-ina sa Senado, mukhang marami pang magkakamag-anak ang nagkakaoon ng intensyon na tumakbo sa Senado. Si Allan Peter nandoon na iyong kanyang kapatid, ang mga Estrada mukhang merong pang patatakbuhinIyong pamilya ng mga Aquino. Ano ang nakikita ninyo sa ganun?

SPMV: Ang pinal niyan na usapan ay siyempre tao pa rin ang magdedesisyon niyan sapagkat siyempre sa ating sistema ng gobyerno, merong mga parang hindi magandang tingnan sa unang tingin subalit kung iyan naman ay matatanggap ng tao at maiboboto nila iyong mga kandidato na iyon, wala naman akong nakikitang masama doon.

Lalo nat hindi pa naipapasa iyong anti-political dynasty bill

SPMV: Tama iyon at hindi naman bawal kasi iyan so wala namang masama. Bahala na ang tao kung gusto nilang ihalal ang sinuman maski magkapatid o mag-ina o mag-ama, ang tao na ang magpapasya.

Kung meron pong nabubuong senatorial ticket ang Pangulong Estrada, palagay po ba ninyo makakabuti ito sa oposisyon o iyan ang gustung-gustong mangyari na administrasyon na magkabiyak-biyak ang opposition?

SPMV: Normally naman, ganyan pag nag-uusap marami siyempreng grupo pero sa katapusan niyan, dalawang grupo lang iyan.

Iyong opposition at administrasyon?

SPMV: Oo, palagay ko.

May eleksyon po ba?

SPMV: Palagay ko may election bagamat siyempre may mga attempts pa para huwag magkaroon ng election at ipilit iyong chacha. Pero lahat ng senyales ngayon parang kampanya na. Nakikita ko iyong mga kandidato ngayon halos lahat ay busy na at nagpeprepara na para sa eleksyon nila, maging national o lokal na kandidato.

Paano iyong conass? Sa House at sa Senate meron na?

SPMV: Tuloy pa rin lahat iyan kaya nga hindi ko masasabing sigurado. Tuloy pa rin lahat iyan. Pero ang pinag-uusapan lang naman dito ay iyong deadline. Hindi nangangahulugan na pagka nagkaeleksyon, wala na iyang chacha. Maaaring tuloy pa rin iyang chacha, after elections at iyan at malamang na mangyayari. Ang nagmamadali lang ngayon ay iyong naghahabol ng 2007 deadline pero after that, tuloy pa rin iyan.

Kung kayo po ba ang tatanungin dapat po bang kalimutan muna ng Malacañang hanggang bago mag-election sa 2007 ang charter change?

SPMV: Sa akin, wala na namang oras kaya pwede namang kalimutan na o kaya gumawa sila ng preparasyon na pangmatagalan. Hindi naman kailangang may deadline--na kailangang pag May tapos na. Pwedeng lay na nila iyong ground work, wika nga, doon sa pangmatagalang diskusyon ng Konstitusyon na maaari talagang abutin ng kung ilang taon.

Iyong long term?

SPMV: Iyong parang talagang pagdedebatehan, pag-uusapan talaga, lahat ng tao nagpaparticipate, iyong dahan-dahang proseso para talaga kung magkakaroon man ng pagbabago ng Konstitusyon, ito ay magiging katanggap-tanggap sa mga tao.

Meron pong banta ang ULAP na ang mga politiko daw po lalo na iyong tatakbo sa national position ay kanilang ikakampanya dahil sa pagtutol nila sa chacha lalo na sa peoples initiative? Hindi po ba kayo natatakot sa pagganti ng mga local officials sa inyo?

SPMV: Wala, kaibigan naman natin karamihan ang mga local officials at kakwentuhan natin iyan. Marami diyan nakikisama lang at maaaring iyong iba naman diyan ay nag-eexpress lang ng kanilang opinyon. Naiintindihan naman nila na sa larangan ng politika ang mga opinyon ay nagkakaiba-iba. Iyon namang nagte-threaten-threaten na ganun, iyon ay mga press releases lamang at hindi naman totoo iyon.

Totoo po ba na mas mahirap disiplinahin ang matanda kaysa bata? Oldest daw si Enrile sa Senado. Sa Pangulo naman ay si Gonzales.

SPMV: Wala namang kinalaman iyong matanda o bata. Kami sa Senado ay talagang maprinsipyo lang, lahat ng tao dun. Kami ay gumagalang sa opinion ng bawat isa at kung anuman ang ginagawa nila. Karamihan naman ng mga ganyang sagutan ay doon lamang sa floor. Pero pag labas ay hindi naman. Pero alam nila na iyon siyempre kapag ikaw ay nagsasalita at nag-eexpress ka ng opinyon mo, siyempre paminsan-minsan ay napapalakas iyong sigaw mo, ganun. Pero pag sa labas, wala naman. Kami sa Senado naman ay naiintindihan din namin na mahal namin iyong aming institusyon at kailangan din namin na idefend iyon at pangkaraniwan na iyang pag-eexpress ng opinyon. Iyan ay pinaglalaban precisely namin sa Senado, iyong hindi mawala iyong independence ng Senado at iyong aming pagkakataon na makapagsabi ng gusto naming sabihin.

Kung sakali pong hingan kayo ng payo ni GMA tungkol sa kanyang mga nagbababag/nag-aaway niyang mga anak na ang pangalan ay Mike at Raul, ano po ang diskarteng gagawin ninyo?

SPMV: Unless, magsesenador, kasi pag magsesenador, hindi mapipigil iyon. Ang ibig ko lang sabihin, siyempre maipapayo natin sa Pangulo na pakiusapan na huwag na lang mag-away away sapagkat hindi rin maganda sa image ninuman, hindi lamang ng administrayon o ng gobyerno niya, kung hindi maging sa anumang organisasyon, siyempre pag may nag-aaway na miyembro, hindi maganda iyon.

Kung humingi rin ng payo kung dapat bang ilagay si Miriam bilang Chief Justice?

SPMV: Iyon ay isang bagay na sa aking palagay ay hindi masyado ang aking kaalaman. Akoy hindi naman abugado. Bagamat iginagalang ko talaga iyang si Sen. Miriam at in fact ako ay isa sa tutulong na malapit na kaibigan, bilib ako diyan. Nang ma-nominate nga siya sa pagka-Chief Justice, sa palagay ko kung Chief Justice iyan, iyong mga opinyon niya ay aking igagalang din.

Nabanggit natin iyong mga isyu sa gabinete, ano ang alam ninyong dahilan bukod sa ikinuwento ni Rumor Mongerer na si Mike Defensor ayon kay Sec. Gonzales na intriga sa gabinete ang dahilan ng pagreresign ni Sec. Cruz. Ano ang impormasyong direktang nakarating sa inyo?

SPMV: Di ko pa nakakausap si Nonong simula nang siya ay magresign at nabalitaan ko lang iyan noong ako ay nasa labas ng bansa. Siguro sa mga darating na araw ako ay makikipagkwentuhan para malaman ko ang punot dulo. Alam ko na hindi simple iyan, alam kong hindi ganong kasimple ang pagreresign na iyan at hindi rin ako nakakasiguro one hundred percent na iyan ay dahilan lamang sa initiative. Siyempre iyong mga ganyang malalim ang samahan at bigla na lang naghiwalay, hindi ka pwedeng gumawa ng mabilis na konklusyon sa tunay na kadahilanan niyan. Kaya hanggang ngayon, open minded ako diyan hanggang hindi ko nakakausap si Nonong at ang Pangulo, hindi ako handang gumawa ng conclusion kung ano ang naging kadahilanan ng kanilang paghihiwalay.

Kung kayo po ang tatanungin kung sino ang magandang ipalit ditoisang dating AFP Chief of Staff, isang cabinet secretary o kukuha ng mula sa labas na silbilyan para maipalit

SPMV: Mas maganda ang sibilyan kasi parang in-establish mo ang civilian authority. Anyway meron namang Chief of Staff na siyang pinaka-lider ng lahat ng sundalo. Iyon namang secretary, mas maganda siguro na image din natin, na ang Secretary of National Defense ay isang civilian.

Kailangan bang makapili agad ang Pangulo o siya na muna ang magpatakbo ng Defense Department?

SPMV: Siyempre sa management, mas maganda iyong meron ka nang maipapalit para magaang ang trabaho mo at tuloy tuloy ang pagtakbo ng departamento. Maski sabihin natin na ang Pangulo ang concurrent, iyan ay siyempre uubos din ng oras niya iyan, marami rin siyang pinagkakaabalahan na iba kaya mas maganda na mag-appoint siya sa lalong madaling panahon. Maganda rin iyon sa kanyang administrayon para talagang pag may umaalis, masasabi niyang madaling palitan. Pag hindi napalitan kaagad iyan, magkakaroon ng impresyon na konti lang ang sumasali sa gobyerno.

Meron pong survey iyong Transparency International na nagpapakita na mas matindi daw iyong katiwalian ngayon sa pamahalaan kumpara doon sa nakalipas na taon. Naniniwala po ba kayo sa survey na ito?

SPMV: Na may corruption dito sa Pilipinas ay hindi naman natin maitatanggi iyan at na malala ang corruption dito sa Pilipinas ay hindi natin maitatanggi. Iyan ay talagang alam ng lahat. Siyempre ang hindi lang natin masasabi talaga ay iyong ranking dahil wala naman tayong basis kung papaano sasabihin iyan. Pero talagang ang corruption ay nananatiling isang malaking problema ng bansa at ito ay talagang napakataas ang prayoridad sa numero ng problema natin. Sa ngayon, hindi ako naniniwalang nag-improve na ang kalagayan natin sa corruption. Pareho pa rin.

Hindi naman mas malala?

SPMV: Malala na kasi kaya pareho pa rin. (end)

News Latest News Feed