Press Release
November 7, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

The President said during the LEDAC she will refer the JPEPA for ratification?

SPMV: Magandang balita naman iyan na dadalhin dito sa Senado iyong JPEPA dahil sa talagang dapat ma-scrutinize mabuti iyong provisions niyan. Marami tayong naririnig na hindi maganda na provisions niyang agreement na iyan pero mabuti na rin iyong objectively nating tingnan kaya dapat dumaan sa proseso sa Senado at magandang patakaran din ito ng executive department na itong mga agreement, mga treaty, dapat ay paparatify sa Senado sa lalong madaling panahon.

In the legislative agenda, is there room for the JPEPA? Is there a timetable that you want to see insofar as its passage is concerned?

SPMV: Wala tayong timetable diyan. Unang-una di pa natin nakikita talaga ang features nitong JPEPA na ito at hindi natin malaman kung maganda o hindi hanggat hindi natin nakikita. Ito naman ay pwede naming isabay sa schedule natin. Meron tayong budget deliberations ngayon, meron tayong mga deliberations sa ibat ibang mga panukala natin. Pero pipilitin nating matapos iyan. Alam natin na halos anim na linggo na lamang ang nalalabi bago mag-adjourn tayo para sa Pasko at pagkatapos niyan, tatlong linggo na lamang ang nalalabi next year. Kaya medyo kulang na kulang talaga pero pipilitin natin at hahabulin natin. Pilipilitin nating maipasa lahat iyang mga panukala na iyan. Iyong budget, itong treaty na ito at karamihan ng mga nakasalang ngayon sa plenary, pipilitin natin na maaprubahan sila.

Kaya na po ba ni Sen. Santiago maghearing? Naka leave pa rin po ba siya?

SPMV: Hindi ko alam, iyon ay nasa pagpapasya ni Senator Santiago kung kaya niya magconduct ng hearings at kung gusto niya. Im sure kaya naman niya, di ko lang alam kung may plano siyang iba kaya iyan ay hihintayin natin ang opinion ni Sen. Miriam Santiago sa bagay na iyan, kung ano ang gusto niyang gawin, kung siya ang maghahandle ng hearing o ipagkakatiwala niya sa iba.

Based doon sa discussions sa LEDAC, may chance po ba iyong chacha?

SPMV: Mahirap masabi iyan pero siyempre mas mahirap na ngayon dahil sa talagang gahol na sa oras at lahat ng tao ngayon ay nagkakampanya na. Bagamat hindi natin maiiwasan na magtatangka ulit iyong grupo na nagpu-push ng charter change ng one last attempt siguro para magkaroon ng constituent assembly. Di ko lang alam kung sila ay magtatagumpay. Pero inaasahan natin na magkakaroon sila ng huling pagtatangka diyan. Meanwhile, halos lahat ay pumoporma na para sa kampanya so palagay ko ang nasa isipan ng lahat ng mga kakandidato ngayon ay merong eleksiyon.

Priority ba ni Presidente iyon .

SPMV: Ang sinabi sa akin ng Pangulo, nananatili ang kanyang hangarin na ipagpatuloy ang chacha at siyempre maaaring timing ang pag-uusapan diyan at hindi ko naman alam kung hanggang saan ang gagawing efforts para itulak iyang chacha. Iyan ay makikita natin sa mga darating na linggo. Pero hindi nagbabago ang pananaw ng Pangulo sa bagay na ito, gusto pa rin niya iyong chacha.

Sinabi niya mismo sa inyo?

SPMV: Hindi, sinabi sa aming lahat. Wala namang kadahilanan para pagduduahan namin iyon.

Iyong reso ni Enrile?

SPMV: Ito ay tatakbo sa normal na proseso. Pag sinabi mo kasing normal na proseso sa Senado, kung marami ang nagkakagusto na pag-usapan talaga iyan, bibilis. Pero kung normal na takbo ngayon, kagaya nitong mga nakaraang linggo, mahihirapang tumakbo ng mabilis iyan.

Will we expect a stronger renewable energy bill with targets by this year?

SPMV: Alam mo talagang ang energy talagang kailangang pagbutihin natin iyan at napakalaking problema iyan. Dapat isipin natin kung ano ang ating programa sa renewable energy. Pinasa natin iyong biofuel bill siyempre marami pang magiging problema iyan. Tiingnan muna natin at tayo ay patuloy na maghihintay ng mga proposal para sa ating strategy sa renewable energy. Open naman tayo diyan. Alam nating marami pang proposals na magaganda na darating sa mga darating pang panahon. Mananatiling bukas ang Senado sa pakikinig sa mga proposals para sa ating renewable energy.

Since magiging busy na kayo sa campaign next year, malabo na iyong JPE resolution?

SPMV: Hindi natin masasabi na malabo iyan and in fairness to Senator Enrile, mahirap mo namang sabihin na sa simula pa lang ay malabo na ang isang panukala. Lahat ng panukala dito sa Senado ngayon ay dumadaan sa proseso iyan. Depende sa sentimyento ng mga kasamahan natin, diyan natin malalaman lang kung bibilis o hindi ang takbo.

So dadaan muna sa committee?

SPMV: Dadaan muna sa committee. Nairefer na sa committee iyan, iyong resolution ni Sen. Enrile. Of course, meron tayong mga limitasyon at kung gusto ng karamihan ng mga miyembro na paspasan iyan, pwedeng paspasan iyan.

Pero may mga priority measures?

SPMV: Marami tayong priority measures. Lahat ng mga nakapending ngayon sa interpellation at sa amendments ay pipilitin nating maitulak at mairesolba ng Senado bago mag-adjourn sa Pasko. Wala sa prayoridad namin noong una iyan pero in fairness to Sen. Enrile, paglumabas iyan sa committee ay tatalakayin namin iyan.

How will the Senate tackle the JPEPA?

SPMV: Una, nagagalak kami at pinasa na sa amin. At least magkakaroon ng pagkakataon ang Senado na tingnan itong treaty na ito. Susuriin natin iyan. Masyadong maaga naman para husgahan natin itong treaty na ito. Susuriin natin iyan. Of course, alam ninyo naman sa Senado na ang takbo niyan, ang pacing niyan ay depende sa chairperson ng committee na iyan. Dito sa treaty na ito na JPEPA, ang chairperson ay si Sen. Santiago.

You will work on the exclusion of the hazardous

SPMV: Sa akin, unless merong napakagandang katwiran iyan, unang tunog pa lang, mali na iyan. At bakit naman tayo mag-aallow na tambakan tayo ng mga hazardous materials. Sa palagay ko ay napakahirap ipaliwanag ang mga bagay na iyan.

Kailan daw isa-submit dito sa Senate?

SPMV: Sinabi lang naman sa amin sa LEDAC kanina na isa-submit. Siguro sa mga darating na ilang araw isa-submit na sa atin. Walang sinabing specific date kung kelan isa-submit sa Senado ang treaty na iyan.

Tuloy pa rin ang conass?

SPMV: Tuloy ang constituent assembly pero wala na akong naririnig na binabanggit sa initiative.

First reading na ba iyong Enrile resolution? Narefer na ba?

SPMV: Narefer na kahapon.

Depende na iyon kay Sen. Gordon?

SPMV: Kaso wala pa siya.

Si Gordon sabi niya hindi ito iyong tamang time

SPMV: Alam mo namang meron tayong mga rules sa committee na hindi naman absolute iyon. Siyempre, malaki talaga ang say ng committee chairman sa anumang bagay dito sa Senado.

Once you start the budget deliberations on the floor, can you still hold committee hearings on that?

SPMV: Depende kung magkakaroon na sa floor, depende kung kelan iyan. As I said, mahahalata mo iyan kung gusto. Kung wala namang nagrerekalmo, halimbawa nagtagal sa committee at wala namang nagrereklamo, doon na lang iyon.

How do you see the Senate acting on it?

SPMV: Dito sa Senado talaga, hinihintay mo talaga ang committee. Wala ka talagang magagawa. Pwede mo ring hilahin sa committee pero hindi naman usually ginagawa iyon na kinukuha natin sa committee.

If there is public clamor for the passage of the renewable energy bill this year, do you think it will be a priority of the Senate?

SPMV: Pwede naman. Iyong renewable energy, are you talking about the biofuels? Iba pa iyon di ba? Nasa committee pa yata iyon. Nasa Committee on Environment. Kakausapin ko iyong chairperson ng committee na si Pia at papakiusapan ko na ilabas na niya sa lalong madaling panahon para maihabol namin bago mag-adjourn ng sine die.

Is the fiscal incentives a priority?

SPMV: Actually that is the area where the President really clearly was not sure. She couldnt give a categorical answer whether the fiscal incentives will be a priority or not. I think she wants to give priority to the BCDA, where the Supreme Court made a ruling declaring the incentives given to the ___as illegal. That one we have to correct. The whole rationalization of the fiscal incentives bill, she did not categorically push for it.

Are you going to push for it before the elections?

SPMV: It depends on whether it will be very controversial. If it will be very controversial, I would rather not touch it.

On con-ass

SPMV: We still maintain that it should be separate voting if ever there will be a constituent assembly. If ever there will be one, it will have to be separate voting. (end)

News Latest News Feed