Press Release
November 13, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On dynasty?

SPMV: Hindi siguro iyon kasi iyang mga dynasty, wala naman iyang dynasty. Ang tao ang nagdedecide niyan. Pag gusto ng tao kasi, dapat susunod tayo kaya kung gusto nilang iboto iyon mga tao, gusto nilang iboto iyong magkapatid, wala tayong magagawa doon. Gusto nilang iboto iyong mag-ama, wala tayong magagawa doon. Iyan ay para sa akin maliwanag na supremacy ng tao.

So mali iyong sapantaha ni Claudio na dapat buwagin iyong Senado dahil maraming aakyat na mga dynasty dito like Estradas, Cayetanos and Pimentels?

SPMV: Baka wala ng cha-cha kasi iba-iba na iyong kinukomenta niya. Para wala nang masabi.

Timetable ninyo sa budget?

SPMV: Confident naman kami na papasa iyan. Pipilitin naming pumasa bago mag-year end.

Kailangan it should be on the floor by?

SPMV: Tingin ko naman matatapos iyan kasi confident naman ako na mabilis naman ang takbo. Binibigyan natin ng prayoridad ang budget. Budget is a top priority bill.

Sa pagtakbo ni Ping na mayor, wala kayong kawalan sa Senado?

SPMV: Siyempre malulungkot kami kasi kasama namin siya, kaya lang madami na akong kalungkutan, puro malungkot.

Chances ng ibang senatoriables next year?

SPMV: I dont want to say that; pareho rin. Although sure winner si Ping but marami nang marami ang maeexcite so hindi mo alam. (end)

News Latest News Feed