Press Release
November 14, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On Biofuel Status

SP Villar: Bagamat hindi pa natatawag formally yan pero marami namang backroom discussions. Inaasahan na mabilis na yan na maaprub. Para kasing importanteng nare resolve nila yong mga differences nila at mati-thresh out na para kapag kung dumating na yung bicameral medyo formality na lang. Well of course, depende yan sa mga chairman pero yung pagkakaalam ko ay yung mga malalaking diperensya nila na naresolba na. So, inaasahan natin mabilis na lang ang approval niyan.

Pagpapawalang bisa sa libel law?

SP Villar: Sa akin pwedeng ide-criminalize na lang yan tutal sa atin naman ay malaya ang ating press at yon ay isang ginagarantyahan natin. Gusto nating malaya talaga ang ating press at gusto nating makapagsasalita sinuman at kung anuman ang kanyang gustong sabihin. Siguro civil naman, merong konting liability. Then, hindi naman pwedeng talagang absolute na wala. Pero meron ding konting responsibilidad naman syempre ang magsasabi nyan.

Ipapa-prioritize nyo ba ang bill ni Sen. Pimentel na Anti Dynasty?

SP Villar: Pwedeng iprioritize depende sa ating mga kasamahan. Akoy walang objection dyan. Alam naman nating na medyo gahol tayo sa oras dahil halos walong linggo na lang ang nalalabi. Tatlong linggo ang nalalabi bago magpasko at next year tatlong linggo na lamang. So talagang medyo tight. Ang bibibigyan nating priority ngayon ay yung mga panukala na lumabas na sa mga committee. Yung mga hindi pa lumalabas sa committee may pag-asa pa din yan. Pero syempre hindi na sila top priority dahilan sa normal naman na unahin natin, logical naman na unahin natin yung mga nasa floor na.

Libel is being used as a tool for political harassment?

SP Villar: Palagay ko. Yung pag-criticize kasi matagal na namang nangyayari yan. At halos naman ng opisyal nang pamahalaan ay na sa-subject dyan. Ang sa akin kasi talagang ganyan pag pumasok ka sa larangan ng pulitika ay talagang dapat handa ka sa mga ganyang bagay. Hindi ka pwedeng balat-sibuyas sa pulitika, parang nasa showbiz.

News Latest News Feed