Press Release
November 22, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

SP Villar: Kami sa Senado nagmamadali kami at talagang hangarin namin na maipasa itong budget bago matapos ang taon at everytime naman ay ganyan ang nangyayari. Every year, ang senado pagkatanggap na pagkatanggap namin ng budget pinapaspasan naming yan at ang problema normally nasa pagbibigay sa amin na nade -delay o sa bicameral conference. Pero iyong mismong Senado mabilis. Ang assumption namin ay talagang interesado ang executive na ipasa ang budget kaya nagulat kami ngayong umaga kasi ginawa na namin overtime, dati 3-6pm ang aming session. Ngayon ay 10 oclock at magse- session pa kami hanggang Friday or hanggang Christmas day para lamang ma-accommodate itong budget na ito kaya talagang nalulungkot kami dito sa hindi pagdating ng tatlong cabinet members Hindi magandang signal ito sa ating mga kasamahan at parang sinasabi na hindi sila interesado na pumasa itong budget for 2007.

Question: Sir, sa palagay ninyo kaya hindi sila dumalo, ano bang plano nila?

SP Villar: Hindi ko nga alam kung ano. Normally maski isa dumarating. Iyong tatlo sabay-sabay na hindi dumating. Nakapagtataka iyan.

Question: Intentional ba sir?

SP Villar: Hindi ko alam. Baka posible. Kasi masyado namang coincidence iyong tatlong hindi sabay-sabay na hindi darating. Normally, At least one will make it. Pero ito, tatlo.

Question: Hindi kaya pinagbawalan na naman, sir?

SP Villar: Well, hindi natin masabi yan. Pero budget iyan. Normally, gusto nila iyong budget. Unless, may plano na namang mag re-enact ng budget. Pero sana huwag naman. Kasi mahirap naman iyong re-enacted na budget. Masyadong matagal na.

Question: Sir, bakit naman nila gugustuhing hindi ipapasa dahil kung titingnan naman ay halos in-adopt naman ng senado iyong version ng Malacañang ?

SP Villar: Nagtataka lang ako. Baka naman mayroong lang ayaw maitanong na tanong. Kaya, iniisip ko na kung ano ang isasagot.

Question: So, no one is to be blamed kapag na delay itong budget?

SP Villar: Maliwanag na hindi sa amin ang kasalanan kapag na-delay ang budget. Talagang gusto naming makatulong dahil iyon naman ay ang bagong programa nitong senado ngayon na makapagtulak ng ating ekonomiya. At sa budget naman, talagang ipinakita ng Senado ang bilis niya. Kelangan syempre naming ang kooperasyon ng ibang institusyon kagaya ng executive branch.

Question: Pambabastos ba?

SP Villar: Well, ito maliwanag naman na pagbabalewala. Alam mo iyong budget, talagang normally ay binibigyan ng importansya iyan ng isang cabinet member. At iyan ay mga tipong kapag budget discussion, talagang iniiwan lahat ng ginagawa. Hindi pwedeng gumawa ng appointment mapagbigyan lamang at maka-attend lamang sa hearing. Iyong tatlong cabinet member na hindi darating talagang nagpapakita na walang paggalang ang executive department sa budget o sa senado.

Question: Hindi man lamang ba nagpaalam kung anong mabigat na dahilan kung hindi sila makakadalo?

SP Villar: Wala. Walang pasabi sa akin at hindi din nagpasabi sa Chairman ng Comittee on Finance, kay Senator Drilon. Walang sinabihan sa amin kaya nga kami maaga rito ngayon at 10oclock. Nag cancel kami ng aming nga lakad. Mahalaga din sa amin ang aming lakad. Pero kinansel namin yan para lamang makapagsimula ng maayos ang budget. Kaya medyo hindi kami natutuwa sa nangyari dito ngayong umaga.

Question: Sir, umoo po ba sila kahapon na pupunta sila?

SP Villar: Well, talagang tungkulin ng cabinet member yan na kapag budget discussion. Kasi ito ang pinakamahalang trabaho naman nila ay iyong maipasa iyong budget nila. At kaya dapat binibigyan talaga ng prayoridad yan. In the past talaga namang ganyan iyan. Binibigyan talaga ng mataas na prayoridad. Kasi kami mismong sa Senado, mataas ang priority ng budget. Talagang binibigyan namin ng pinakamataas na prayoridad yan. Iyong ibang panukala ay tumatabi muna pagka ready na ang budget. Kaya ngayon maraming panukala na rush, tabi muna dahil nandiyan na iyong budget. Kami lahat ay nagbibigay ng prayoridad dito.

Question: Sir, iyong sa junking ng SC dun sa Peoples Initiative, sinabi nila na There is enough law to push for a Peoples Initiative? Paano po to makakaapekto in the future sa move ng government to push for amendments?

SP Villar: Well, iyong Peoples Initiative kasi ang ibig sabihin niyan ay iyong tao ang mag-iinitiate. Kaya kung ang government ang mag-iinitiate ay GI iyan, Government Initiative.

Question: Sir, another topic. Naglabas na po kasi ang Pulse Asia ng mga senatoriables. Maliban sa inyong tatlo ni Senator Kiko, kayo, at Senator Recto, puro oposisyon na rin iyong pasok sa magic twelve, ano iyong basa nyo doon?

SP Villar: Well, iyon ang sa survey. Iyon ang sentiment ng mga tao at wala naman tayong magagawa diyan. Iyon ay pagbasa lamang sa isipan ng ating mga kababayan at iyon ang lumabas sa survey. Maliwanag na mas preferred ng mga tao ang oposisyon. Well, of course to be fair with administration candidates kung sino man ang mga administration candidates, syempre naman magkaroon sila ng pagkakataon na sabihin iyong kanilang platforms. At, kumbinsihin ang mga tao na mas magaling sila.

Question: Sir, sa tingin niyo ba naging popular kayo noong medyo kumontra kayo sa administrasyon?

SP Villar: Hindi ko masabi iyan dahil syempre hindi naman kami kumokontra, Kami ay independent lang. At, minsan kumokontra kami, minsan kumakampi kami. Hindi ko naman masasabing na akoy parating kumokontra. May mga bagay naman na sumasang-ayon ako sa ating pangulo. Marami lang pagkakataon naman na hindi rin tayo sumasang-ayon. Independent naman talaga ang Senado.

Question: Sir, naging popular kayo, Sipag at Tiyaga pa rin.

SP Villar: Yun Sipag at Tiyaga, maski sa senado ay dapat nating gawin. Maski sa media.

Question: The survey result, will that encourage you to join the opposition?

SP Villar: Wala naming kinalaman iyan sa magiging desisyon naming. Siyempre, maraming konsiderasyon iyan at ayoko naming ipre-empt ang aking partido sa gagawin naming meeting sa yearend. Sa meeting, lahat ay bibigyan ng pagkakataon na sabihin ang kanilang opinion kung saan kami dapat pumwesto.

Question: Will Alan Peter Cayetano be included in the NP slate:

SP Villar: Definitely.

News Latest News Feed