Press Release
November 29, 2006

Kiko on the Constituent Assembly

Masyado ng puwersahan kapag ipinilit pa ang Con-Ass na gahol na sa panahon at gahol pa sa legalidad.Hindi lamang kulang na kulang sa oras, kundi kulang na kulang sa legalidad ang nasabing hakbang. Maawa naman sila sa taong bayan at sa bansa na masyado ng bugbug sarado sa mga kwestyonableng maneobra na isinasagawa ng iilang pulitiko upang manatili lamang sa hawak nilang poder at kapangyarihan. Ituloy na ang halalan. Minsan lang sa tatlong taon na nagiging hari ang mamamayan sa pamamagitan ng kanyang boto, habang sa loob ng 3 taon eh pulitiko ang naghahari sa gobyerno at pamamahala. Huwag naman lahat ng mga araw para sa pulitiko at yung iisang araw para sa mamamayan ng halalan ay hahablutin pa sa pamamagitan ng iligal at puwersadong Cha-Cha. Tama na, sobra na,ipagpaliban na!

News Latest News Feed