Press Release
December 4, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On the Supreme Courts decision on the Subic rape case; does it show that the VFA works?

SPMV: Maganda naman iyong pagkaka-convict ni Smith. At least nakita natin na may hustisya pa rin. Ako natatakot personally na baka ma-acquit iyon, talagang agrabyado ang tingin ko sa atin. Pero na-convict iyon, at least nakita natin na nagwo-work na. Tingnan natin ngayon kung papaano iyong pagkukulong kay Smith. Siyempre alam natin na hindi naman bibitawan kaagad ng Amerika iyan at sila ang maghahandle niyan. Siguraduhin lang natin na iyong hustisya naman ay maiimplement talaga at baka naman hindi igalang iyon. Siguraduhin natin na igagalang iyong term na ibinigay sa kanya ng ating Korte.

What do you mean? Philippine jurisdiction?

SPMV: Hindi naman siya makukulong sa kulungan pa natin palagay ko. Palagay ko, kukunin pa rin ng American authorities habang may appeal at sila ang mag-iimplement ng parusa kay Smith.

Hindi bat dapat ia-assert natin na dito ...?

SPMV: Tingnan muna natin kung ano ang gagawin ng Amerika dito subalit dapat masiguro natin na hindi naman nagiging biruan ito at seryoso tayo na talaga namang nagkasala siya at dapat naman siyang magdusa.

Itinutulak pa rin iyong con-ass?

SPMV: Ito naman ay inaasahan natin na itutulak nila iyan sa Disyembre dahilan sa pag hindi nila naitulak nang Disyembre ito, wala nang pag-asang mapostpone ang election. Kaya inaasahan natin noon pa na talagang magtatangka ang Malaking Kapulungan na itulak ito at lahat ng proponents ng cha-cha ay magtatangka ngayong buwan na ito. Iyong proseso ay tumatakbo; naniniwala pa rin kami sa Senado na hindi iyan salig sa ating Konstitusyon. Iyan ay mali at in violation of our Constitution at iyan ay idudulog namin sa Korte Suprema. In fact, baka gumawa kami ng resolusyon ngayon na inire-reiterate iyong aming posisyon na bicameral ang ating gobyerno at dapat ang pagbuo ng constituent assembly ay mayrong approval ng both House of Representatives at saka iyong Senado.

You are drafting another resolution?

SPMV: Iyon ang aming pinag-uusapan ngayon baka gagawa kami ng resolusyon para diyan just to reiterate ang aming posisyon na iyan ay bicameral, iyang trabaho na ganyan.

If the House convenes, will you be prepared to file a petition?

SPMV: Yes, we will. We will file a petition.

Have you drafted the petition?

SPMV: Ready na iyong mga lawyers natin. Standard naman iyong mga objection natin. Ready na tayo. Kasi naman napakapangit naman sasabihin mong nakahanda na, hindi pa pala napapasa iyong 195. Pero naghahanda na rin tayo. (end)

News Latest News Feed