Press Release
December 6, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

On the passage of the House resolution

SPMV: Iyong nangyari more or less expected naman natin iyan na talagang isasalaksak sobra ang con-ass. Tatlo lang naman ang hadlangin diyan. Number one, iyong 195 kung makukuha iyon. Iyong kahapon nangyari sa rules, iyon naman ay internal problem sa House at madali naman gawin iyon. Ang babaguhin lang na rule sa House, mababago naman nila iyon, kailangan lang naman nila majority. Kami naman sa Senado, pwede rin naman kaming magbago ng ating rule. Wala namang nakakagulat doon. Kaya lang siguro iyong signal na talagang itinuloy nila pero kulang pa rin ang numero. Ang unang hurdle diyan ay iyong 195. Pangalawang hurdle diyan ay iyong Supreme Court, makakaya ba iyan. At siyempre in the end ang pangatlong hurdle ay iyong referendum sapagkat meron pa rin namang say ang ating bayan diyan anuman ang mapagkaisahan diyan kung saka-sakaling aabot at hindi mapipigil ang 195. Iyong Supreme Court ay mayroong pang final stumbling block, iyong referendum na sa aking palagay ay mahirap ipanalo itong con-ass na ito. Iyong kahapon narealize lamang iyong matagal nang sinasabi ng House at wala namang nakakagulat doon. Hindi naman namin kino-consider at hindi ko kino-consider na isang malaking balakid iyong pag-change ng rules. Hindi naman iyan kasama sa tatlong balakid na aking nabanggit. Iyon ang talagang mas mabigat na dapat magworry tayo.

The House will try to approve the resolution to convene as con-ass, what will the Senate do?

SPMV: I do not want to preempt ang pag-iisip ng ating ibang kasamahan sapagkat mamaya magtatawag ako ng caucus pagkatapos ng opening. Pag-open ng session mamayang hapon, magrerequest ako ng isang caucus ng lahat ng mga senador para mapag-usapan namin iyong aksyon namin kasi meron kaming kanya-kanyang opinyon pero mabuti na rin iyong maliwanag na may suporta sa lahat ng senador ang gagawin naming aksyon at kasama na riyan iyong resolusyon na magre-reiterate ng aming posisyon na ang ating gobyerno ay bicameral. Hindi nagbabago iyan dahilan lamang sa binagong rules ng House of Representatives. Iyong pagbabago ng rules, wala namang pagbabago sa ating pamahalaan. We remain a bicameral form of government and a mere changing of rule in the House will not change that.

Other options?

SPMV: Pag-uusapan namin mamaya iyan. Siyempre ang appeal natin diyan sa 195ang appeal mo sa mga congressmen, sa Supreme Court, siyempre appeal mo sa mga justices. At finally kung makalusot pa diyan, sa referendum, ang appeal mo naman sa tao. Ang Senado naman ay nahahandang gumalaw sa tatlong stumbling block na iyan at siyempre gagawin namin ang aming magagawa para mapigil iyan.

How would you describe what happened last night?

SPMV: Desidido. Talagang ipipilit iyan at iyon lamang ang paraan para maipilit iyan, garapal.

(Inaudible)

SPMV: Ang problema kasi sa chacha ngayon, ang ginagawang strategy ng nagpu-push ng chacha ngayon ay hindi kasali ang Senado. Ang involved lamang ay iyong Malaking Kapulungan, iyong Comelec, at iyong Supreme Court, kasama na ang Malacañang . These are the players and the Senate is not one of them. Kaya lang, tao pa rin ang may say diyan dahil magkakaroon ng referendum iyan.

Kung may mga umatend na senators kapag nagconvene na iyong con-ass?

SPMV: May nababasa rin naman ako na may ibang senador na aatend diyan. Alam mo naman tayo sa Senado, I cannot speak for the other senators. Ito ay isang malaking bagay sa respective careers ng bawat isang senador at ito ay malaki ang kinalaman sa Senate as an institution and individually kaya igagalang ko ang opinion ng bawat isang senador. Pero sa usap-usapan naman namin, at least overwhelming majority ng mga senador ay walang balak na umatend diyan at tumanggap ng imbitasyon kaninuman.

Kung may dalawa or tatlo or anim na pumunta, can they represent the Senate?

SPMV: Ang makakarepresent lang sa Senate ay majority subalit they can go there on their own at hindi naman namin sila mapipigil.

(Inaudible)

SPMV: To me, na may senador, pero hindi mo masasabi na nandoon ang Senado. May senador. Parang sinabi mong na may congressman, hindi nangangahulugan na nandoon iyong House of Representatives.

Pero walang sanctions? SPMV: Wala naman tayong isasanction sa pumunta doon otherwise kung official iyan, we have to do it via a resolution.

Iyong sa Supreme Court at sa referendum, the Senate is prepared to go to the Supreme Court?

SPMV: Yes. Iyong Supreme Court matagal na naming pinaghahandaan iyon. Ang malaking trabaho ay iyong sa referendum. Talagang medyo mabigat iyan. Sa 195, dahil sa Malaking Kapulungan iyan, wala naman tayong masyadong magagawa diyan sa lugar na iyan dahil sa siyempre may sariling business ang House of Representatives. Subalit doon sa pagkapanya sa referendum, iyon ay pwede.

May ika-campaign ang Senado?

SPMV: Ayoko muna ipreempt dahil sa mamaya may caucus pa kami. Ayoko namang pangunahan ang ating mga kasamahan. Pagkatapos ng caucus magliliwanag ang gagawin ng isat isa sa nangyayari na ito sa con-ass. Bagamat uulitin ko na hindi naman nakakagulat ito.

Hindi po ba kayo kinakabahan kung sino iyong susunod na SC Chief Justice?

SPMV: Hindi naman din kasi merong proseso naman ng pagpili ng Chief Justice at iyan ay wala tayong magagawa, iyan ang sistema at napakahirap naman na pangunahan nating kung sinuman iyong maa-appoint na iyon. Ako, kahit papaano, malaki naman ang paggalang ko sa mga na-nominate maski naman iyong hindi na-nominate malaki rin ang paggalang natin. Hindi lang naman iyong na-nominate pati rin iyong hindi na-nominate ay qualified naman.

Dapat po bang mag-appoint ng acting chief justice o dapat permanent?

SPMV: Ayokong makialam sa affairs din ng Supreme Court at mahirap iyan. Kagaya ng aking sinabi na mahirap din makialam sa affairs ng Malaking Kapulungan.

(Inaudible)

SPMV: Im sure lilitaw lahat ng katanungan na iyan sa isang caucus na talagang kami-kami lang, lilitaw iyan. Lahat ng mga katanungan diyan ay siguradong lilitaw.

Anong oras?

SPMV: Pagka-open ng session, siguro konting housekeeping.

Malamang hindi solid iyong Senate?

SPMV: I dont know, di ko sinasabi iyon. Pwede ring maging solid ang Senate. I dont want to preempt.

Pipirmahan na mamaya iyong resolution?

SPMV: Oo. The resolution is ready but that has to be approved by everybody or the majority.

Ikaw iyong principal

SPMV: Kami, pinaprepare namin sa Majority. I still have to see the draft reiterating our position na ang ating gobyerno ay bicameral. (end)

News Latest News Feed