Press Release
December 11, 2006

Transcript of Radio interview with Senate President Manny Villar (DZXL)

Aaksiyonan ba ng Senado sakaling maipasa iyong resolusyon para sa con-con?

SPMV: Pag-uusapan naman namin iyan, wala lang iyong deadline kasi hindi naman nabibigyan ng deadline ang Senado at marami sa amin ang naniniwala kasi na hindi naman talaga kinakailangang baguhin ang Konstitusyon. Ang Malaking Kapulungan lang naman ang naniniwala na talagang may matter of life and death iyan. Marami sa amin ang naniniwala na okay naman ang takbo ng ating Konstitusyon sa ngayon at kung magkakaroon ng pagbabago ay kinakailangan lamang iyong mga amendment. Meron sa aming naniniwala na ang dapat lamang baguhin ay iyon mga economic provisions, hindi iyong ating gobyerno. Kaya ito ay tatalakayin namin, ayaw namin ng deadlines. Alam mo ang mahalaga sa amin kasi iyong sentimyento ng ating mga mamamayan. Kasi nakita natin noong mga nakaraang araw, nagalit ang tao. Maliwanag na ayaw nila nang pinipilit sila. Iyan ang tingin kong maliwanag na mensahe na hindi natin pwedeng laktawan. Nitong mga ilang araw na nakakaraan, nakita natin iyong mga religious sector ay biglang nagalit, ang ating business sector ay nagpahayag ng kanilang galit. Iyong mga ibat ibang mga NGOs, pati iyong mga pangkaraniwang mamamayan na tinatanong namin ay nagagalit. Maski sa media, maski na check mo sa labas. Kaya ito ay hindi mo pwedeng i-disregard na parang kami lamang ang nag-uusap dahil merong dapat madaliin. Ang sa akin, pag-uusapan namin ito nang dahan-dahan dahil hindi kami nakikipag-away sa Malaking Kapulungan. Ito ay nililiwanag natin na hindi kami nakikipag-away. Tatalakayin namin ng maayos ito, may hearing kami ngayong araw. Iiimbitahin namin iyong mga ibat ibang personalidad para magbigay ng kanilang mga kuro-kuro sa pagbabago ng Konstitusyon. Naniniwala ako na ang Senado, siyempre magtatanong pa iyan, mag-iikot pa iyan. Maraming lumalapit sa amin. Mahalaga sa amin ang sentimyento ng ating mga kababayan. Hindi totoo na ang bansa ay nahahati lamang sa dalawa; na iyong isa ay gusto con-ass at iyong isa ay gusto con-con. Meron ding isang grupo, malaki din, na ayaw baguhin ang Konstitusyon. Hindi lang dalawa iyan, tatlo iyan o apat pa nga siguro. Meron pang isang grupo naman na okay baguhin natin ang Konstitusyon pero tsaka na natin pag-usapan iyan pagkatapos ng eleksyon na mas marami tayong oras. Itoy apat na grupo na aming tatalakayin ngayon, apat na posibilidad na aming tatalakayin. Lahat naman iyan ay maraming mga naniniwala diyan para tayo magkaroon ng isang popular na susuportahan ng karamihan ng ating mga mamamayan dahil mahalaga sa akin iyong hindi nag-aaway. Ang ating ekonomiya ay tumatakbo na, nagte-take off na. Nakakapanghinayang naman kung ngayon tayo mag-aaway-away, baka hindi naman kailangang mag-away.

Nasa kamay na raw ninyo ang bola ngayon, dapat daw maihabol ang concon bago mag-eleksyon?

SPMV: Iyong statement na iyon ay nililiwanag ko namanwala pang posisyon ang Senado. Marami sa amin din na ayaw palitan ang Konstitusyon.

May nagsasabi na ang gusto con-con pero pagkatapos ng eleksyon?

SPMV: Meron din. Pero marami din sa amin na ayaw baguhin ang Konstitusyon. Kaya nililiwanag ko na hindi naman kami nagtake talaga ng posisyon dito. Kami ay nahahati doon sa ayaw baguhin ang Konstitusyon at gustong baguhin. Dito naman dahil nga pinipilit ito, hindi na namin pinag-usapan iyan. Subalit nililiwanag ko na wala pang posisyon ang Senado at hindi naman tama iyong statement na dati iyon ang sinisigaw namin. Ang maliwanag dito ay kung ano ang sentimyento ng mamamayan, sinasabi lang naming. Kung ano man iyon, sa tamang proseso. May proposal ngayon sa con-con. Kung susundin nito ang tamang proseso, walang problema doon. Kaya susundin namin iyong proseso, napag-uusapan naman iyan pero wala iyong deadline-deadline dahil ang pagbabago ng Konstitusyon ay hindi naman life and death iyan.

Ang sinasabi ngayon ng mga taga-House ay magmimistulang taksil sa bayan ang mga senador pag hindi inaksiyunan iyong nakabinbing bill sa con-con?

SPMV: Alam mo, baka naman iyong liderato lang ang nagsasabi niyan kasi marami rin akong nakakausap na mga congressmen at ang tooto niyan, nakikita mo iyong galit ng tao. Palagay ko naman, masyado tayong magiging callous kung hindi mo mararamdaman ang galit ng tao ngayon. Para sabihin na hindi galit ang tao dito sa proposal ng con-ass ay talaga namang siguro hindi ka nakikinig sa radio at di ka nagbabasa ng dyaryo.

Pagpapaliban ng 12th Asean summit, ano po ang masasabi ninyo?

SPMV: Hindi maganda dahil sa ito ay nagpapakita ng kahinaan natin Hindi naman ganon kalakas ang bagyo. Ako ay medyo naguguluhan kung ano talaga ang nagiging kadahilanan dito. Talagang bagyo ang nagiging kadahilananan nito? Sapagkat napahiya naman tayo dito, wala naman talagang ganong kalakas na bagyong dumating. Unang-unang nagpapakita na hindi tayo marunong bumasa kung may bagyo o wala dahil wala naman palang ganong kalakas. Pangalawa, hindi mo bastabasta kina-cancel ang ganyang kalaking event lalo nat dumating na si Prime Minister Abe. Medyo nahihiya rin ako at parang nahahabag din ako sa mga taga-Cebu na talagang nandoon na iyong kanilang pagkakataon na malagay sa buong mundo, kumbaga parang debut nila bilang isang world site kung ang pag-uusapan ay ganito kahalagang kumperensya; biglang na-cancel. Itoy masakit na tanggaping sa ating mga kababayan sa Cebu at medyo napahiya ang mga Pinoy dito. Sa akin, ano ba talaga ang naging basehan. Ako mas tatanggapin ko pa kung nagkaroon ng terrorism problem.

Sabihin ang tooto?

SPMV: Iyon lamang ang totoo, talagang medyo baka tayo ay mayroong problema talaga at mapahiya tayo na may mangyayari, maiintindihan natin iyon. (end)

News Latest News Feed