Press Release
December 12, 2006

Transcript of interview with Sen. Richard J. Gordon
on the creation of special budget for Bicol

SEN GORDON: I would like to ask right away all public officials especially the Congress to think about creating a special budget--a reconstruction budget for Bicol and the Visayas particularly those that has been hit from Boracay to the very poor of Northern Samar, Northern Leyte and Masbate which already very poor. Sorsogon, Mindoro, Albay, Camarines Sur na talagang gibang-giba.

Dapat seguro ngayon pa lang pag-isipan na natin kung paano na natin maibabangon ang mga yan sapagkat napakalaki ng mga nasira dyan. Bukod sa maraming namatay, kailangan nating maibangon kaagad iyan at dapat magkaroon agad ng plano ang gobyerno nasyunal at ipakita kung saan dadalhin yung pera na pwede nating idagdag sa budget para sa ganoon ay maibangon natin itong mga taong nahihirapan ngayon dyan.

Hahaba ang kahirapan dyan. Ang koryente bagsak, ang hospital walang mga operating room, ang mga eskuwela walang mga bubong, yung mga evacuatiuon center ay hindi nila magamit sapagkat kapag umuulan ay nababasa sila sa evacuation centers. Kaya kailangang madaliin natin kaagad ang pagbangon ng mga taong nasasaktan sa mga lugar na yan.

Hindi natin pwedeng i-asa sa relief ang pag-abot o pang-patid uhaw o gutom ng mga taong naririyan, Ang kailangan nila ay maibangon ang kabuhayan nila dahil marami dyan ay nasira na ang kabuhayan. Ang pinaka-kailangan dito ngayon ay magkaroon tayo ng supplemented support sa gobyerno. Magpautang tayo sa mga tao, sa mga pangangailangan nila sa livelihood upang maitayo nila ang kanilang mga bahay.

Para tinamaan ng atomic bomb ang mga lugar na iyan kaya kailangan maisa-ayos kaagad ang mga pangangailangan ng mga taong yan.

Sir: what you are saying is that hindi lang pwede yun P10 billion for example as supplemental budge? Yun disaster budget that they are now asking is to be a comprehensive parang Philippine assistance plan?

RJG: That is correct. Parang marshal plan yan para magamit talaga natin yan. Kaya nga maski kami sa Red Cross nakikita namin na ang talagang pangangailan ay bahay. Kailangan maibangon ang didnidag lalo na yung pinakamahirap sa mga lugar na iyan. Sa dami ng ginagawa ng gobyerno, tinatayo ayaw nating maging pala-asa Problema yung mga nahulog na kawad ng koryente, yun mga hospital na walang mga operating room katulad sa Catanduanes , yun mga paaralan na nagiba sa Albay.

Mayroon pang dalawang bagyong parating ngayon, papasukin pa sila uli nyan kaya kailangan talagang may reconstruction plan at isama sa budget na yan ang pagtututro sa mga tao on how we can learn from these disasters para maibawi natin sila at hindi na sila masasktan muli. Mai-locate sila sa mga lupang dapat puntahan para safe sila palagi para hindi na lalaki ang gastos. Even the design of school building na dapat kung malapit ka sa bulkan na may ash fall dapat matibay at may category yung itinatayong eskwela para hindi sira ng sira tuwing dadaanan tayo ng bagyo.

Q: Saan mga lugar sir?

RJG: Bicol and the Visayas. Yun mga area na affected all the time by typhoons, Bicol, Eastern Visayas, Quezon, hanggang Isabela, Cagayan. Yun pacific side of the Philippines is always badly hit so kailangan all the designs, architecture of our roads, hospital must be gear toward the so-called plan and should incorporate study and the implementation of this program so that we stuck the cycle of poverty and disaster.

News Latest News Feed