Press Release
December 14, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

The Speaker said the con-ass resolution is already archived?

SPMV: Maganda iyan para tayo ay makaabante na at maganda na balik na tayo sa trabaho. Meron na lamang konting panahon na nalalabi bago tayo mag-adjourn. Maganda rin itong mensahe sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na nawala na iyang uncertainty na iyan. Dapat ngayon ay harapin na natin ang pagtatrabaho so we can move forward. Itulak na natin ang ating ekonomiya. Sayang at baka maiwan tayo ng ating mga mga katabing mga bansa. Maganda sigurong tiyempo na sabay-sabay tayong bumalik sa normal at pag-igihin ang trabaho.

Is there need for the Sunday rally?

SPMV: Ang sa akin ay nasa organizer iyan. Wala namang masama sa pagpapakita ng nararamdaman ang mga mamamayan, Kung merong gustong magdasal at magpakita ng kanilang nararamdaman sa Linggo, wala namang masama doon. Itoy isang magandang aspeto ng ating demokrasya at dapat diyan ay huwag nating pipigilan. Maganda rin naman na magpakita ng kanilang nararamdaman ang ating mga kababayan.

Pero kayo pupunta pa ba kayo?

SPMV: Wala namang kinalaman iyon sa kung patay na ang cha-cha o hindi. Iyon naman as I have said kanina, ay pag-express lamang o pagpapahayag ng damdamin nila. Hindi naman por que hindi na tuloy iyon ay huwag na rin iyong dasal. Siguro ang gusto lang nilang ipakita ay iyong bayan ay gising din at parang ito iyong warning sa aming lahat na mga public officials na ang bayan ay hindi naman natutulog.

Some of your colleagues are joining. What about you?

SPMV: Wala akong problema sa pagsali. Noon ko pa sinabi na bagamat wala na iyong problema, nasa indibidwal na senador na iyan. Ako ay pwedeng pumunta, pwedeng hindi.

Are they going to arrest those politicians simply because they want to go up stage?

SPMV: Mahirap iyon. Hindi ko malaman kung ano naman ang basis doon na magdadasal ka, ikaw ay huhulihin. Saan naman naimbento iyong ganoong paniniwala? Baka naman na-misquote lang ang ating pulisya sapagkat nakakagulat iyon. Parang hindi naman sa sistema ng gobyerno natin iyong mga ganong pananalita.

They can bar anybody from going up on stage?

SPMV: Magdadasal lang, prayer rally. Anong masama sa pagdarasal at pagpapakita ng kanilang sentimyento. Kung walang mangyari sa Linggo, sa tingin ko pawala na iyan. Subalit pagka-pinigil iyan, palagay ko, lalong lalaki iyan. Kaya ang mga advice ko sa mga pipigil niyan ay mag-isip-isip din kayo sapagkat maaaring wala na nga iyong con-ass pero pagka-pinigil ninyo iyon ay lalong lalala iyan at lalong iinit iyan. Baka iyong gusto ninyong pigilan ay lalo pang lumaki.

Would the archiving of the con-ass in the House put to risk any animosity between the Senate and House?

SPMV: Nais kong ulitin na ang Senado naman ay hindi nakikipag-away kaninumansa House of Representatives, sa Malacañang , sa ating courtshindi po kami nakikipag-away. Ginagawa lang namin ang aming tungkulin; kami ay naninindigan lamang at sinabi namin talaga na hindi kami naniniwala na sang-ayon sa Saligang Batas iyang con-ass. Ginawa namin ang tungkulin namin pero hindi kami nakikipag-away kaninuman.

Can you give us your priority list?

SPMV: Sa budget, iyong anti-terrorism, iyong ating mga panukala kasi na pantulong sa ating mga kababayan na hindi napapansin kagaya nitong anti-rabbies, sa hepatitis, at sa breast feedingitoy mahahalagang panukala na hindi nabibigyan ng atensyon subalit marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan nito. Pati mga local bills, inaaksiyunan namin ang mga local bills. Precisely ayaw nga namin masabi ng Malaking Kapulungan na hindi naman namin pinapansin iyong kanilang mga personal na pangangailangn, iyong mga pangangailangan ng kanilang distritoiyan ay inaatendan naming ngayon at meron din tayong prayoridad, iyong sa BCDA na mga incentives sa mga locators finally ay tatapusin namin iyon. Iyong mga pino-propose na pagpapaganda pa ng ating pananalapi ay aming bibigyan din ng prayoridad. Iyon lamang siguro bago tayo mag-adjourn pero marami-rami na rin iyon at kung iyan ay maipapasa natin, siguro ay record number of bills iyan.

Fiscal incentives at saka?

SPMV; Iyong sa lending investors bill. Ito iyong panukala na magre-regulate ng mga lending investors. Also, iyong panukala ni Sen. Lacson, iyong cheating sa mga examinations. Iyan ay nadesisyunan namin na bibigyan din namin ng prayoridad. Gusto naming ipakita na ang Senado ay mabilis umaksyon sa mga kasalukuyang problema kagaya nitong problema sa cheating. Gusto naming kaagad may sagot diyan kagaya ng sagot naming pagka may mga bagyo ay kaagad kaming tumutugon.

Pag-aksyon ninyo sa local bills dahil in-archive na iyong con-ass?

SPMV: Hindi naman. Talaga namang iyon ang aking policy na hindi naman kami nakikipag-away sa Malaking Kapulungan. Sa aming palagay, mahalaga rin naman iyong iba diyan at hindi naman automatic na pagka-galing sa Malaking Kapulungan ay ayaw namin. Iyon ay isang programa na inaprubahan naman ng ating mga kasamahan. Magmula ngayon ay gagalaw ang ating mga local bills.

Ano po iyong ibang bills na kaya nating ipasa before we adjourn next week?

SPMV: Baka iyon na lang kasi mga walo na iyon, of course iyong budget. Talagang malaking bagay iyan. Walo pa iyong naka-pending at hahabulin pa rin natin. Sana maaprubahan lahat iyon. Hinahabol naming, magtatrabaho kami ng araw at gabi. Pero iyong aking sinabi, mga walo na iyon, marami-rami na iyon. By our standards, iyan ay napakarami na.

?

SPMV: I cannot comment sa individual na opinion at gagawin ng mga congressmen. Iyon naman ay kanya-kanya. Pero maganda iyon..

The 72-hr deadline expires today?

SPMV: Unang narinig ko palang iyan ay hindi ko na pinansin kaya hindi ko na nalaman kung nag-expire.

They do not have the numbers thats why they called the entire show off?

SPMV: Iyong pagpapakita ng galit ng tao kasi siyempre nagdiscourage sa ibang mga congressmen iyan. Medyo kinabahan na iyong ibang congressmen dahil election ngayon. Maaaring totoo din iyan. Lahat ay medyo natakot dahil nakita nilang may nabubuong bagyo na galing sa ating mga mamamayan . There was really an outrage. (end)

News Latest News Feed