Press Release
December 20, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Based po ito sa additional security ng PNP sa 7 senador na nag request dahil meron daw Death Threats, na . . . yung office nyo?

SPMBV: Hindi pa, pero kasi individual na senador ang humingi ng assistance, pero wala akong nalalaman na ganyan at parati naman siyempreng endangered ang buhay ng isang public official at kinakailangan ding mag-ingat. Kung merong ganyang klaseng request, wala naman sigurong masama diyan.

Q: Sir personal . . .

SPMBV: Pero kung sabay-sabay sigurong nangyari yan ay hindi siguro maganda yan.. Magkakaroon ng ganyang mga pakiusap lalung-lalo na ngayon na maraming nangyayaring mga death threats at patayan. Mukhang nagkakaroon tayo ng breakdown ng peace and order ngayon at nakakabahala yan.

Q: Normal ba yung threats to a life of a senator?

SPMBV: Hindi naman din. Hindi naman din normal yan, maaring ibang senador pero sa ordinaryong senador ay hindi normal yung may mga death threats at kung meron ngang sabay-sabay na nakatanggap niyan ay hindi maganda iyan at nakakabahala lalung-lalo na sa mga nangyayari ngayon na maraming napapatay o nakakatanggap ng death threats sa ating mga opisyal, parang nakakapagtaka naman na sabay-sabay nangyayari ito.

Q: Personally sir, kailangan nyo pa ba ng additional?

SPMBV: Hindi pa naman ako nagrerequest ng additional security

Q: May plano kayo Sir?

SPMBV: Wala pa naman, wala pa naman akong alam na death threat

Q: Another matter Sir, gma continues to push for Charter Change. .

SPMBV: Well sa tingin ko alam din ng pangulo ang galit ng bayan dito sa ChaCha at hindi ako naniniwala na babalewalain ng pangulo iyan. Maliwanag naman ang signal ng ating mga mamamayan na ayaw nila ng ChaCha at talagang kailangang ituloy na lamang ang election. Maaring yan ay sinasabi na lamang para mabuhayan ng loob yung mga natitira pang suporta ng ChaCha.

Q: Sir on the budget, sabi nyo kanina kung maidedetalye lang nila ng maayos baka magkaroon ng . . .

SPMBV: Hindi naman sa ganoong halaga. Ang sinasabi ko lang yun ay maaring isang paraan, subalit napakalaki ng halaga at napakahirap ipaliwanag at yun naman ay maiiwan natin sa Chairman of Finance subalit masyadong malaki yung halaga na hiningi para doon at nakakataka, nataon pa sa election iyan, nakakaduda kung saan gagamitin.

Q: Is there a rush to approve this Anti-Terror Bill before the year end?

SPMBV: Matagal na kasi at sa aking palagay panahon na ding desisyunan kung ayaw natin o hindi para at least matapos na. Marami pa kasing mga tatalakayin na iba pang mga panukala na mahalaga para sa kapakanan ng bayan.

Q: Sir yung wrongful arrest, parang si Sen. Pimentel naghingi ng 1million fines sa authorities kung mali yung aresto o mali yung . . .

SPMBV: Wala naman kasing opisyal ng opisina na merong ganyang pera kaya baka maraming magpakulong.

Q: Hindi kayo favor doon?

SPMBV: Hindi naman, pag-aaralan natin, baka maraming maka pag-bail. (End)

News Latest News Feed