Press Release
December 21, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Anong nangyayari sa session hall ngayon?

SPMV: Its a question on the PNCC, and somehow medyo kontrobersiyal nga ang franchise na ito and maraming mga issues. Mabuti na rin yan para napag-uusapan ang lahat ng issues at mamaya siguro liliwanag yan pagkatapos ng debate ngayon between the committee chairman at ng ibang mga senador led by Senator Frank Drilon. Maganda yan para lumabas ang katotohanan sa ganitong mga proyekto at franchises. Mukhang maraming dapat ipaliwanag ang PNCC.

Q: How long a delayed do you think there will be on the 2007 budget, and what do you say to report from Malacanang that the President is prepared to use her veto power to restore the controversial 4-billion school feeding program?

SPMV: Dito sa Senado, binibigyan natin ng malawak na authority ang ating Chairman ng committee on finance, bahala siyang mag-decide sa isyu na yan. But having said that, pipilitin pa rin natin na ma-reconcile ang mga differences na ito. Pero mahalaga rin na at all times na ipinagtatanggol ng senado ang kaniyang paniniwala. Hindi naman puwede na magiging rubber stamp ang senado, at never naman kaming pumayag na maging rubber stamp. Naiintidihan namin at binabalanse namin ang pangangailangan sa bagong budget at yung sa aming palagay ay mapupunta lamang sa anomalya at hindi maganda sa ating bansa. Iyon ay aming tungkulin naman na ibinigay sa amin ng konstitusyon. Kaya idinadaan sa senado yan para magkaroon naman ng check and balance at makuha ang aming mga kuru-kuro sa mga provision ng budget. Kaya sana igalang naman ng ibang mga branch ng ating government anng authority na ibinigay sa amin ng batas, at huwag namang babalewalain. Handa naman kaming pagbigyan din sa abot ng aming makakaya ang kagustuhan ng ibat-ibang branches, kagaya nga ng ipinasa namin ang budget ng Pangulo ng walang bawas. Ang totoo niyan ibinalik lang namin ang budget sa halaga na ipinasa ng Pangfulo.. Yan ay malaking halaga na at sana ay give and take para sa ikabubuti ng ating bansa.

Q: Actually Sir, parang dalawa ang objections ng Malacanang ngayon, first; the school feeding program; second, the restoration of the intelligence funds to Malacanang

SPMV: May pagkakaiba kasi sa paniniwala diyan. Naniniwala ang marami sa ating senador na ang pagkuha ng intelligence ay ginagawa ng Armed Forces of the Philippines, kayat ang gastusin para sa pagkalap ng intelehensiya ay ibinigay natin sa kanila. Hindi naman ang Pangulo ang nagga-gather ng data, kundi ang Pangulo ang nagbabasa ng impormasyon na nakukuha ng AFP. Doon naman sa feeding program, iyon naman ay mapag-uusapan. Nagulat lamang kami sa laki ng halaga na hinihingi at para talagang maliwanag na sa eleksiyon lamang gagamitin. Dito naman ay maaaring mapagkasunduan, talaga namang minamahal din natin yung mga bata, naiintindihan natin na dapat ding maresolba yung kakulangan sa mga classroom. Kawawa naman yung mga bata din na wala silang mga classroom. Nevertheless, we do not want to scrap entirely the feeding program. Naniniwala pa rin kami na dapat mabigyan nang pagkain ang mga kabataan. Nung akoy bata natatandaan ko sa Tondo na nagluluto kami niyan, sa school doon nagluluto ng tinapay, nutritious. Parang nutribun dati na aming kinakain. Siguro mas deretso yan kesa sa bigas na baka mawala.

Q: Kasi parang lumalabas ata ito na reaksiyon ng Malakanyang because of the recent result of SWS survey on hunger, some 3.3million people/families suffered hunger within the past 3 months.

SPMBV: Actually ang budget na iyan ay ginawa last year at ang survey ay lumabas lamang last month so hindi naman masasabi na dahil yan sa SWS survey. At tama naman yan, hindi naman namin sinasabing mali iyan. Siguro ang sistema lamang ang dapat gawin na kung talagang ito ay para sa ating mga mag-aaral dapat siguraduhin na yung pagkain ay makararating sa ating mag-aaral sa pamamagitan ng isang sistema na kagaya ng ginagawa nang panahon naming sa public schools. Akoy nag-aral din sa public schools at pinapakain sa amin ng deretso. At talaga namang tumataba kami kaya ako nung bata ako ay medyo mataba ako.

Q: Tanggap na ba ninyo na reenacted budget nalang?

SPMBV: Hindi naman, hindi naman. . . At naniniwala pa rin ako na sa kabuuan ay maganda pa rin na meron pa rin tayong budget. At akoy umaasa na mareresolba itong isyu na ito. Bagamat ayokong pangunahan ang ating Chairman ay naniniwala ako na kokonting halaga lang ay dapat na mag compromise ng konti at pag-usapan. Siguro napalaki lang ng konti ang hinihiling at biglang-bigla ay out of nowhere ay 5 billion, this is too big. And also pwede natin marequire na bibilhin yan sa lokal, na walang importasyon. Yung mga ganyang posibilidad ay hindi ko pinopropose iyan, as I said binibigyan namin ng authority ang ating Chairman at ayokong pangunahan siya subalit ang ibang mga posibleng alternatives ay bilhin lamang sa mga lokal farmes yung bigas at hindi yung mga iniimport.

Q: Lets say na iislash ng 50%?

SPMBV: Well, I cannot say yes or no because as I have said na we have given the Chairman of Finance the authority on this issue. Bagamat siyempre kinukunsulta naman kami ng ating Chairman of Finance.

Q: Yesterday Secretary Lapus said that its really a difficult choice between choosing one ove the other..

MBV: Pwede rin, and as I said, dapat i-explore lahat. Hindi naman ako naniniwala na dapat na magmatigasan ang dalawang panig sa isyu na ito. Pareho namang sa kapakanan ng bansa ang ating hinahabol. Yung classroom kasi, permanente na iyon. Ang kinakaba lang naman siguro ng ibang tao, ay baka kung saan mapunta iyung bigas. Siguro kung may mga safeguard na malalagay, halimbawa ay yung halaga, talaga bang ganyang karami . Kasi ngayon election year eh. Kaya medyo nakakaduda yung paggagamitan nun, at pangalawa, yung kailangan daw importin yun. Siguro kung me sistema na papakainin talaga yung mga bata, makakasiguro tayo na ang ating mga kabataan ay magiging malusog, at sa isang programa na higit na mas maganda dito. Well, sa bigas, pwede din naman yan, wag lang probably ganun kalaki. At medyo siguraduhin na ang sistema ay hindi maabuso, at hindi magagamit sa politika.

Q: Sir, hindi ba parang nakakafrustrate, halimbawa ituloy na gamitin ni Presidente yung kanyang Veto Power? Anong mangyayari.

SPMBV: Kami sa Senado, talagang, eversince ipinaglalaban namin ang karapatan. In fact, isa sa pinagmamalaki naming accomplishment ay yung mga tangka ng Malacanang na alisan ng karapatan ang Senado, ay binabara naman namin yan. At so far naman, naipanalo ng Senado ang lahat ng kaso sa Supreme Court. At ipagpapatuloy namin yan dahil di maganda. Yan ay ibinigay sa atin ng saligang batas at dapat natng ituloy yan. Yung mga pag-veto na ganun, yun sana ay dapat unawain naman ng malacanang na pwede din naman, di naman kami nakikipag-away sa malacanang, lalung-lalo na sa aking liderato, ay di nakikipag-away ang Senado. Subalit, dapat igalang nila yung mga binigay na tungkulin sa senado ng ating saligang batas. Kaya idinadaan sa Senado iyan, ay para meron din say ang Senado. Kung talagang binalak ng ating Saligang batas na walang say ang Senado sa budget, disin sana ay gagawin na lang ng executive department yan at hindi na dadaan sa Kongreso. Pero yung sistema na pinagkopyahan natin, yung Amerika, ganyan talaga ang sistema na talaga ang Sedano ay sinusuri ang budget, at bihira na mangyari na na ang Pangulo ay sya lang ang masusunod. Hindi po iyan ang sistema ng ating gobyerno. Sa ngayon, unfortunately, unless mabago ang, fortunately or unfortunately, depende kung sino ang titingin, unless mabago ang ating Constitution, yan ang sistema natin, na meron tayong sistemang tinatawag na check and balance.

Q: anti-terrorism?

SPMBV: Well, umaabante naman. Bagamat, aaminin natin na malakas ang takot ng ibang Senador dito na magagamit sa paglabag ng karapatang pantao ng ating mga kababayan. At habang dumadami ang mga bali-balita ng kung anu-ano ay lalung gustong masiguro ng Senado na ito ay hindi magagamit. Kayat kung nakita nyo kagabi, ay talaga namang 90 pages yata yun, o 59 amendments na napakadami. At talaga namang humahanga ako sa ating chairman na si Senator Enrile na talagang game naman na sinalubong at isa-isang tinalakay, at together with Senator Pimentel, ang bawat isang panukala o amendment. Makikita natin na dumadaan sa butas ng karayom ito , bagamat umuusad din naman . sa ngayon, pakonti na lang ng pakonti iyung mga amendments na kinakailangan pa at siguro by next year ay maaaprubahan na ito. (Q: SO, hindi mahahabol sir?). Sa ngayon kasi, mukhang gagahulin sa oras. At gustuhin man natin ay mukhang hindi makakaya. Meron pa rin tayong dalawa na kasamahan na nagsabi na gusto nila na mag-introduce ng kanilang mga amendments.

Q: Related to that, what do you see the Senate tackling next year, because it is an election year, and I think you only have one and half months of session days?

SPMBV: well, magandang balita muna na napakarami nating bill na na naipasa. Eto at ni-rereview ko ngayon. Sa ngayon ay nakakapagpasa na tayo ng 17 na national bills at ito ay isang magandang numero . at meron tayong 27 na lokal. At meron pa tayo na apat na na-aprubahan na sa second reading , at aaprubahan na lang sa 3rd reading sa pag-open ng session na 21 national bills. Sa ngayon masasabi natin na mabilis ang Senado at wala ng makakapagsabi na ang Senado ay mabagal. At mabilis na po ang Senado ngayon at kami ay nahahandang magkumpara ng aming accomplishments maski na sa kanino, at maski na sa nakaraan. O maski na sa Malaking Kapulungan. Ang aking posisyon sa bagay na ito, ito yung pinakamalaking pagkumbinsi sa ating mga critic na Senado ay maganda naman sa sistema yaan, di lamang sa check and balance, kundi sa productivity din. Napatunayan naman natin sa pamamagitan ng pagpapasa ng maraming panukala ngayon. Marami pang nakalinya. Lumalabas pa sa ibat ibang committee ang ibat ibang panukala, at dito ngayon pagtutuuunan na ng pansin ang mga konti lamang na mga local bills, mga piling-pili lamang na local bills, subalit para hindi naman masabi na nakikipag-away kami sa malaking kapulungan. Hindi naman. At sila ay kino-consider namin na kasamahan sa Kongreso at ang mga panukala nila na maganda naman, ay ipinapasa din naming. Kaya marami-rami rinkaming tinatalakay na local bills. At isa pa, yung mga local bills na hindi nabibigyan ng prioridad nung unang panahon , napapaprayoridad ngayon tulad ng brestfeeding, anti-rabbies, hepatitis, at itong sa pag-improve sa ating POEA, yung sa regulation ng ating mga billboards, at yung mga tulong sa ating small fish boat -operator na matagal na nilang hinihingi. Ito po ay ilan lamang sa mga panukala na maaring akala natin na hindi mahalaga at hindi nabibigyan ng pansin nung araw. Subalit may mga sector tayo ng lipunan na umaasa dito, at malaking bagay ito sa kanila. Itong sa mga darating na taon, hinahabol ko at hinahanap pa itong mga ganito pang panukala na gusto kong bigyan ng prayoridad. Kagaya ng pagbabawal ng drunk and driving, yung mga ganyang panukala, yung mga toy labeling. Maaring iisipin natin maliliit, subalit malaki impact nito sa ating mga pangkaraniwang mamamayan at sa bansa natin. I am very happy with my year-end report, I am going to give my report to my colleagues this afternoon. And I am very happy with the performance of everybody. The whole Senate. Napakadami naming napasang panukala at naggagalawan na po ngayon. At least wala na kaming image ngayon na mabagal.

Q: sir, ang daming clamor, ang lakas-lakas ng clamor for electoral reforms, so far I think we have only achieved the automated counting. Pero yung reform talaga with in the Comelec, umuusad ba yun?

SPMBV: Nasa tao na yun eh. Alam mo yung mga kaya lang nating ipasa ay yung mga automation na ganyan dahil nasa sistema yan. Subalit, beyond that, nasa sa tao na yan at nasa sistema ng ating gobyerno. Sa ngayon ay hindi ka naman pwedeng magtanggal ng commissioner kung hindi impeachment. At sabi nga ng CBCP eh character change ang kailangan.

Q: Mali pala yung tanong. Hindi pala electoral, kundi Comelec reforms. SPV: Well, sila naman kasi ang nagpapatakbo at namamahala ng ating election. At wala naman akong sinasabi na masama kanino mang commissioner. Ang sinasabi ko lang, syempre ang reporma ay magsisimula sa mga commissioner natin.

Q: Ano nang mangayayari dun sa kasong nirerekomenda ng Senado versus Jocjoc Bolante ?

SPMBV: Sa ngayon nakita natin na in effect naman nagtagumpay din, bagamat hindi pa naman tuluyan pero, malayo na inabot ng kaso na yun. Nakarating na ng Amerika. At, in fact, nakulong na rin si Mr. Bolante dahil sa kanyang pagtanggi na magtestify dito. Sa palagay ko naman, sa leksyon na yun, ito ay magandang leksyon sa mga hindi mag-aapear sa patawag ng Senado. Yung nangyari ke Mr. Bolante, sa tingin ko ay malaking lesson na yun. Bagamat hindi natin masasabi na total, ang panalo ng Senado dito ay hindi naman talaga nagsalita si Mr. Bolante, pero, masasabi natin na , na-establish rin naman na hindi dapat balewalain ang mga subpoena ng Senado.

Message: Sa atin pong mga kababayan, naging mainit po itong taon na 2006, at marami po ang nangyari. Sa Senado po naman, maipagmamalaki namin na talaga pong ginawa namin ang magagawa para maipagtanggol ang ating saligang batas at ang tungkulin na ibinigay nyo po sa amin. Kami naman po ay gustong bumati sa inyong lahat ng isang maligayang Pasko. Sana po dito sa kapaskuhan ay makasama natin ang ating mga mahal sa buhay. At sana po ay magkaroon ng kapayapaan ang ating bansa. At sana po ang 2007 ay maging isang magandang taon para po sa ating lahat.

News Latest News Feed