Press Release
January 29, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Tell us about NP-LP coalition

SPMV: Nag-uusap kami ang Nacionalista at Liberal at napagkasunduan namin na magsasama kami. Nire-refine na lang namin ang aming agreement at kung sasama pa kami sa ibang mga partido. Naniniwala naman kami na dapat ang finalization ng mga line-up ay iyong malapit na iyong filing (of candidacy) para tapos na ang trabaho sa Senado. Marami pa kasing trabaho sa Senado at naghahabol pa kaya siguro mga weekend pa. At least mga one week before filing, matatapos na iyong mga linyahan na iyan. At least dalawang partido naman ito na malalaki naman at pawang may history at tama naman na magsama sa isang malaking eleksyon kagaya ng 2007.

Hiwalay sa UNO o under?

SPMV: We dont know yet, maaaring may mga partido pa kaming iba na kasama kasi hindi naman necessarily UNO o administration ang pwedeng kasama. Maaaring by parties ang maging linyahan. Sa ngayon kasi, hindi pa naman maliwanag kung papaano ang magiging linyahan, kung by parties, by individuals, UNO, administration o ibang pangalan. Sa ngayon, hindi pa rin talaga natatapos ang linyahan. Nagsimula lang kami ng usapan para at least meron nang unang agreement at nagkasundo naman kami ni Senator Frank Drilon. Kailan kayo nagkasundo?

SPMV: Matagal na naman kaming in principle ay nag-agree dahil malaking say ang binigay ng pangulo ng Liberal Party sa mga kandidato kung saan nila syempre gustong luminya. Pareho namang maganda ang objectives ng Liberal Party at ng Nacionalista Party. Ito ay ipa-finalize pa.

Magkakasama sa isang grupo ng lahat ng reelectionist senators?

SPMV: Maganda rin iyong isang posibilidad na iyan na ang mga senador ay magsama-sama. Isang posibilidad din iyon na talagang pinu-pursue namin ngayon. Halimbawa iyong Partido ng Masang Pilipino ay pwede pa rin kasama, LDP, pwede pa lahat iyan. Sa ngayon, hindi pa kami nagpipinal talaga dito at ngayong Lunes o sa mga darating na araw ay mag-uusap-usap ulit at titingnan natin kung sa weekend ay magkakaroon na tayo ng pinal na linya.

Iyong LP-NP strategic alliance?

SPMV: Halos tapos na iyon. Pinag-uusapan na lang namin kung kaninong grupo kami sasama o magsosolo kami. Pwede rin naman kaming magsolo na lang.

The two old parties will join together

SPMV: We are not closing the possibility of inviting other parties or joining other parties sa 2007.

Out of the question na sasama kayo sa administration?

SPMV: Maaari, kaya lang ayoko muna magsabi ng anumang hindi pwede bagamat iyan na iyong direksyon na tinatakbo ng usapan namin.

Paano ire-reconcile dito iyong Wednesday Club na magra-run daw in one common ticket?

SPMV: Lahat ay possible, ranging from dun lamang sa NP-LP, iyong kasama ibang partido kagaya ng PMP, kasama lahat ng senador na reeleksyonista. Sa ngayon, itong linggong ito ay pag-uusapan namin ito araw-araw at pipilitin namin na magkaroon na kami ng linya.

The LP this morning submitted 6 names for senators. Will the NP do the same?

SPMV: Matagal na kaming merong names.

Ilan aside from the three?

SPMV: Makikipag-alliance kami. Hindi pa kami ganyan ka-advance na ready kami mag-eliminate ng possibility. Kami ay hindi nagmamadali dito, naniniwala ang Nacionalista Party na hindi pa naman kailangan talaga iyan. Baka at least one more week.

Sen. Joker kasama sa usapan?

SPMV: Yes, of course.

Tatakbo siya?

SPMV: Tanungin ninyo siguro siya pero palagay ko bakit naman hindi, reeleksyonista si Joker. Maganda naman iyong kanyang standing, maganda naman ang contribution niya sa Senado. Wala namang kadahilanan para hindi siya kumandidato sa Senado.

Nacionalista guest?

SPMV: Posible rin.

Iyong 6 na reelectionists, automatic na makakapasok sa NP-LP?

SPMV: Ayoko muna maglagay ng mga automatic dahilan sa mag-uusap-usap pa kami at ayoko munang ipreempt ang aking mga kasamahan. Pero ganyan na iyong linyang tinutumbok namin dahil sa mahalaga rin magkaroon ng grupong independent Senate at dito ay mahalaga na ituloy namin iyong aming ipinaglaban na magkaroon ng independent Senate nitong mga nakaraang panahon.

Whats the disadvantage, bakit hindi sa UNO?

SPMV: Lahat ay possible. Hindi muna namin ilalagay sa pinal ang anumang bagay sapagkat wala namang point na magsara kami ng options sa ngayon. Ang mahalaga ngayon ay nag-uusap-usap at nabubuo na sa aming mga isipan kung papaanong linyahan. Ang kailangan na lamang gawin ay i-formalize ang mga nabubuo sa aming isipan na linyahan.

Electioneering daw ang inyong TV ad?

SPMV: Ewan ko. Kung meron nagsabing iboboto ako doon, kung merong vote, bawal iyon. Pero kung walang vote, hindi pa kasi ako kandidato. Malalaman natin sa February 12 kung ako ay kandidato o hindi.

What are you going to approve today? Budget?

SPMV: Sa amin nakahanda kaming iratify ang budget kung ready na. Napag-usapan na namin kung iyan ay handa na isubmit ng committee, iraratify na namin iyan.

You dont expect the President to veto the budget because you realigned the rice subsidy?

SPMV: Ito naman ay pinag-usapan na. Hindi naman namin inaasahan na magkakaroon ng pag-veto ang Pangulo dito. (end)

News Latest News Feed