Press Release
February 6, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Ano nangyari sa pagkikita ninyo ni Mayor Binay?

SPMBV: Parati naman kami nagkikita ni Jojo (Binay). Syempre nag-uusap naman kami, pero kagaya ng dati, sinabi ko na ang desisyon ng grupo ay gagawin ko pag adjourn ng Senado. Desidido pa rin ako na tapusin ang trabaho dito. Napapansin naman ng bayan na puspusan at grabe ang trabaho sa Senado ngayon. Minsan inaabot kami ng hatinggabi para matapos ang mga panukala. Talagang desidido kami na magkaroon ng magandang performance ang Senado. Dalawa o tatlong araw na lang ang nalalabi at gusto namin matapos ang lahat ng trabaho. Pagkatapos nyan, saka lang kami magdedesisyon.

Q: Ano naging lagay ng usapan ninyo?

SPMBV: Wala naman kaming kasunduan dahil hindi nga lang ako ang magde-decide.

Q: Magbe-break up na daw ang Wednesday Club?

SPMBV: Actually, wala kaming pinag-uusapan pa. Ang meeting namin kaya tinawag na Wednesday Club yan dahil Wednesday kami nagmi-meet, Tuesday pa lang ngayon.

Q: Makakasama nyo na ba si Angara?

SPMBV: Saan? Wala pa nga kaming grupo at wala pang nawawala sa amin dahil wala pa kaming grupo. Sa akin naman, lahat naman ng senador ay okey sa atin dahil kaibigan natin lahat sila. Ang mga kandidato naman na lumilitaw ay magagaling naman lahat. Palagay ko, mas maganda ang pagpipilian ngayon ng ating mga kababayan.

Q: Hindi na ba kakayanin na ang Wednesday Group ay lalaban sa isang ticket?

SPMBV: Hindi naman namin sigurado na gusto namin gawin yun, kaya pag-uusapan namin mabuti. Maganda rin na input yan. Araw-araw, dumadami ang mga balita, kaya mas nagiging updated kami at mas maraming inputs sa paggawa ng desisyon.

Q: Hindi kayo (Wednesday Group) sigurado na gusto nyo magsama-sama?

SPMBV: Actually, ang sigurado lang ako ay gusto kong tapusin ang trabaho sa Senado. Sa totoo lang, ako ay nakiusap sa mga senador, hindi lamang sa Wednesday Club, na tapusin muna namin ang trabaho. Hindi namin binabale-wala talaga ang trabaho namin. Pinapakita namin at ipapakita namin na talagang okey ang performance ng Senado ngayon.

Q: You are being eyed by the administration?

SPMBV: I think the administration is eyeing everybody and the opposition is also eyeing everybody. We can also decide to run as an independent. All of these options are open.

News Latest News Feed