Press Release
February 15, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Q: Do you agree with the Presidents statement that the economy is getting better?

SPMBV: Ang ekonomiya ay tumataas, pero lahat naman ng ekonomiya sa buong Asya ay tumataas din. Kagaya ng peso, bagamat nag-aappreciate yan, lahat naman ng currencies sa buong Asya. Kaya ito ay part ng movement sa Asya, hindi lamang dito sa ating bansa. Kaya hindi naman masasabi na tayo lang yan, sabay-sabay yan na tumataas. Maski na ano ang ginagawa rito o ano ang nangyayari dito, tumataas talaga lahat ng currencies sa Asya.

Q: Dapat po ba sya (President GMA) na bigyan ng credit for that?

SPMBV: Pwera lang kung sinisisi natin sya pag pangit ang performance ng economy. Hindi naman natin talaga pwede alisin na may parte sya dyan sa pagganda ng ekonomiya. Kaya lamang, unang-una, hindi naman ganyan talaga kaganda. At pangalawa, yung pagtaas naman ay masasabi natin na sabay-sabay sa Asya at hindi naman totally gawa ng gobyerno lamang natin.

Q: Tungkol naman sa piling okasyon na makakasama ka sa grupo ng UNO?

SPMBV: Even sa motorcade, pwede naman tayo sumama. Kaya lang, naniniwala ako na itong kampanyang ito ay media na ang gagamiting approach. Kung gagamit ka ng modern techniques ngayon ay talagang media na. Ito ay napatunayan ng ilang senador na tumakbo noong nakaraang eleksyon na instead na sumasama sa mga ganito ay nagpo-focus na lang doon sa mas maraming makakarinig o makakakitang tao. Ito naman ay syempre sa kagustuhan mo rin na marami kang magawa sa loob ng 90 days at maraming makarinig sa iyong mga kasagutan sa issues at makakilala sa iyo. Kung talagang iikot, talagang konti lang ang makakamayan mo at makakakita sa iyo. So kanya-kanyang opinyo kung papaano ma ma-maximimize ang kampanya.

Q: Ano po ang pinakasentro ng inyong mga advocacies na pinapakita nyo?

SPMBV: Bagamat ang linya ko kasi ay ekonomiya at sa tingin ko dyan ako makakatulong ng malaki, nakita naman natin ang performance ng Senado. Pero gusto kong idiin din ang pagtatanggol sa mga institusyon. Kaya yun ang naging stance ko. Kaya naging independent ako, bagamat guest candidate ako dito sapagkat gusto ko talagang idiin na ang Senado ay dapat manatili. At ang institusyon, hindi lamang sa Senado, kundi ang paggalang sa mga institusyon na nasa Saligang Batas natin. Napakahirap talaga ipaliwanag na tatakbo kang senador, tapos ang plataporma mo ay alisin ang Senadoparang inconsistent.

Q: Sa mga ads mo, nakita namin na sumayaw ka pa dun sa isa. Bakit po ganon, ano po ang gusto ninyo i-convey?

SPMBV: Bukod sa mahilig talaga ako sumayaw. Sa tingin ko, marami ang hindi nakakaalam sa background ni Manny Villar, gusto ko sa ad na yun na 30 seconds, makita naman nila na sa Tondo ako ipinanganak at squatter kami. Nagtitinda ako ng hipon sa palengke, bihira ang nakakaalam nyan. Yan lamang ang gusto natin ipaalam at talaga naman diyan tayo nanggaling at umasenso tayo dahil sa sariling sikap at sipag at tiyaga.

Q: Sabi nila, parang image build-up na kailang soft ka, yan din daw ang approach ni Chavit (Singson) na medyo soft. Kayo din po ba may ganon na pangangailangan?

SPMBV: Sa akin lang, gusto ko lang na malaman din nila na rin na dahil umasenso na tayo, Senate President na tayo at naging Speaker of the House na nanggaling din ako sa wala at umahon sa hirap. Sa palagay ko, yan ang mensahe na gusto kong iparating at hindi naman ako kailangan maging soft at hindi naman ako talaga mahilig sa gulo.

Q: Sa pinakita nyo na pagsama sa motorcade, would that quell speculations na watak-watak ang group?

SPMBV: Hindi naman totoo na watak-watak ang group. Sa kampanya, wag natin hanapin na lahat ay mabubuo. Although inuulit ko na ako ay independent candidate talaga. Pero everytime na ako ay may libreng oras, ako ay sasama sa kampanya. Pero wag na natin asahan yun gaya ng dati, kasi ngayon media na ang importante para mas marami kang marating na mga tao. Kailangan mag-focus sa media.

Q: Naniniwala ho ba kayo na lahat ng nasa slate ng UNO ay talagang genuine opposition?

SPMBV: Wala naman ako dahilan para pagdudahan sila. Kapag tiningnan mo naman yung experience at yun nagawa nila sa mga nakaraan na panahon ay talagang nasa oposisyon sila. Isang masiglang pagpa-practice sa ating demokrasya yan. Maganda rin naman na meron oposisyon talaga. Bagamat iba-iba ang degree ng ng kanilang pagka-oposisyonmeron syempre radical, meron nagdi-disagree lang sa Pangulo at hindi sa lahat ng issues. At least mas maraming covered ngayon ang oposisyon, hindi gaya ng dati na mas maliit.

Q: Ano ang degree ng pagka-oposisyon nyo?

SPMBV: Hindi naman ako kasama sa mga radical na oposisyon dahil ako ay may mga issues na sumasang-ayon ako sa administrasyon at meron lang ako talaga hindi masakyan na isyu. Halimbawa ay ang sa Senado, napakahirap naman yata na kumampanya na ang plataporma mo ay alisin ang Senado. Papaano naman ang mga senador na tumatakbo na ang plataporma ay alisin ang Senado? Sasabihin ng mga tao, bakit ka pa tatakbo, aalisin rin ang institusyon mo? Yun pangangalaga ng institusyon ay mahalaga. Mahalaga ang pagiging independent ng mga institusyon, para ang demokrasya ay maipagtanggol. Bagamat ang linya ko ay ekonomiya at doon ang aking karanasan, dyan malaki ang aking maitutulong, pero pwede naman pagsabayin yan. Tumutulong ako bilang Pangulo ng Senado sa pagtulak ng ekonomiya at pinapanindigan ko rin ang pagiging malaya ng ating institusyon.

Q: Yun sa pagkumpara ni Pangulong Arroyo sa performance nya na positive, samantalang ang mga predecessors nya ay negative daw

SPMBV: Totoo rin naman din yun. Hindi naman talaga natin masasabi na totally hindi maganda ang performance ng Pangulo sa larangan ng ekonomiya. Meron din naman syang maipagmamalaki sa larangan na yan. Subalit, wag natin kalimutan na buong Asya ay umuunlad din at hindi lamang ang Pilipinas. So yan ay dapat din natin i-consider sa pag-assess natin sa ating performance.

Q: How can we address poverty eradication?

SPMBV: Ang ekonomiya natin ay kailangan gumanda pa ang performance kesa sa 5% na growth. Kailangan talaga mga siyete o otso ang increase natin. Kinakailangan na ang programa natin sa ekonomiya ay makarating sa ating mamamayan at makapagbigay ng mas maraming trabaho. Kasi ngayon, yung sinasabi na maganda ang ating economic growth, pero walang increase sa trabaho, hindi nakakarating pa sa higit na nakakakarami. Unang-una ang bibigyan mo ng emphasis ang mga sektor ng ekonomiya na labor-intensive, yung mga nag-gegenerate ng employment. Maging focus din ng mga organisasyon ng gobyerno ang pagte-train sa ating mga kababayan na naghahanap ng trabaho. Katulad ng business outsourcing o call centers, kung mate-train natin ang ating mga kababayan, mas maraming trabaho ang maibibigay. Kailangan lang ang focus ay ang pagbibigay ng mas maraming trabaho para matikman ng ating mga kababayan ang progreso ng ating ekonomiya

News Latest News Feed