Press Release
February 19, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar on DZRH

R: Paano po ang partisipasyon ng Senado sa special session, Mr. Senate President?

SPMBV: well, kami ay kailangang obligado magbukas din kasama ng malaking kapulungan, dahilan sa yan ang batas. Subalit kami, tapos na sa min ang trabaho, at lahat ng dapat aprubahan ay naaprubahan na namin. At in fact, 153 na ang naaprubahan namin na panukala, na apat na beses o apat na doble ng pangkaraniwang ipinapasa ng Senado nitong nakaraang sampung taon. Kaya medyo kumpleto na kami.

R: kahit papano, marami sa kagawad ng senado maaaring di na dumalo sa naturang session?

SPMBV: marami sa min hindi nag-aabsent, kaya palagay ko aatend miski na maaga uuwi, pero magpapakita yun dahilan sa normally ang senado naman meron quorum. Hindi naman kami nawawalan ng quorum. Malakas ang hinala ko na dun sa 23 na senador, reeleksyunista lang naman dun eh anim. Kaya yung mga iba, nanduun, at kami namang mga kumakandidato, halimbawa ako, ay pupunta din, kaya palagay ko normal ang attendance mamaya.

R: at syempre, kahit papano hindi naman kayo nawawalan ng ginagawa dyan sa senado.

SPMBV: ay hindi pa rin. Actually naman, hindi pa rin. meron pa ring mga (R: meron pa ring mga priority bills na maaaring talakayin), meron pa rin, saka yung mga medyo naiwan noon, ay tatalakayin na namin ngayon. Yung naaprubahan ng 2nd reading ay aaprubahan namin sa 3rd reading, at . naming siguro ngayong dalawang araw.

R: pero, ipaunawa natin sa ating mga nakikinig, na komo ito ay special session, eh ang senado kailangang-kailangan at obligadong magkaroon din ng pulong.

SPMBV: oo iyun lamang. Obligado kami eh. Otherwise, kami ay hindi na dahil tapos na kami ng aming trabaho. Pero, nanghihinayang din naman kami na hindi suportahan ang mababang kapulungan, dahil pag hindi nila inaprubahan yung inaprubahan naming, eh hindi rin magiging batas yun

R: mr. senate president, samantalahin po naming ang pagkakataon. Marami po ang mga nagtatanong dito aming himpilan kung bakit kayo ay absent dun po sa pakikipagkita kay dating pangulong erap Estrada.

SPMBV: ay hindi naman. Kasi ako ay galing sa Baguio, at hindi tayo umabot.

R: ah, galing kayo ng Baguio. Guest speaker kayo sa PMA alumni..

SPMBV: oo, kaya medyo di tayo naka..umabot dun. At anyway, makikipagkita naman ako ng separate na lamang.

R1: ano naman po ang reaction ninyo sa mga bali-balitang, parang nangampanya daw po kayo dun sa PMA dun sa Baguio, nung kayo ay inimbitahan.

SPMBV: nagtataka nga ako, nagugulat ako. Kasi, wala naman akong sinabing vote for Manny Villar eh. Ang sinasabi ko lang naman eh, diniscuss ko lang dun ang papel ng senado at ng armed forces of the Philippines ayon sa ating konstitusyon. At kaya nagulat siguro yung iba na namumulitika, sapagkat siguro nagulat sila na ganun pala ang papel ng AFP at ang senado.

R1: o baka naman may mga tinamaan nung kayo ay nagsalita at nagpaliwanag.

SPMBV: Palagay ko joe ay mas tama ka.

R1: kasi, kayo mismo, nagsabi dapat po ang kawal natin apolitical sila. Wala pong kinakampihan at ngayon bigla po me bali-balita na medyo nangampanya daw kayong maaga-aga dito po sa loob ng PMA.

SPMBV: nagtataka nga ako doon. Ingat na ingat nga kami dun. Sinabihan ko ang mga tao ko na wag kayong maglalagay ng poster, wag kayong magkakampanya. Hindi maganda yan. At ang speech ko nga ay diniscuss ko lamang yung ayun sa ating Konstitusyon na dinisisyunan naman ng ating Supreme Court. Sinabi ko lamang yung sinabi ng Supreme Court. Kaya tama ka joe, siguro merong mga tinamaan dun na ang tingin nila tuloy ay pamumulitika yun.

R: Mr. Senate President, sa Kamara representantes, para magkaroon ng quorum, mukhang ginagamit daw iyung release ng pork barrel para magkaroon ng quorum dyan po sa kamara. Dito po ba sa senado meron ding ganyang incentive para dumalo ang mga senador?

SPMBV: wala, wala. Yan ang problema joe, Karen. Wala pong ganyan. To be fair dito sa senado, sa larangan ng attendance, marami hong senador talaga na nag-aambisyon ng perfect attendance. At talagang , halos mataas ang aming regular na quorum every day, ang aming session, halos hindi bumaba ng 18 yan out of 23. kaya yung quorum, napakadali yan sa min.

R: so, ibig sabihin, wala sa question yung pork barrel.

SPMBV: wala. Wala...nakakaingit nga pag naririnig mo ang ganyanwala kami, wala..

R: kayo po ay dir in nakasama ng genuine opposition ditto po sa lalawigan ng rizal?

SPMBV: sa simula pa naman, sinabi ko na na meron akong sariling strategy bilang independent, at tinatanggap naman ng genuine opposition na humihiwalay po kami ng kampanya..miski na ni senator pangilinan. Kasi naman ho kami independent, bagamat kami ay guest candidate ng genuine opposition. Hindi naman ho sa ayaw namin sumama. Ako naman anytime na makakasabay ng aking schedule, akoy sasama sa GO na team. At wala naman akong problema dyan. Dangan nga lamang at para mas makarami ay mas mabilis ang kampanya pag mag-isa, at yung paniniwala naming kasi, yung paniniwala ko, mas efficient pagka ikaw ang pipili ng pupuntahan mo dahil sa iba-iba naman ang, kung saan ang malakas o mahina ang mga kandidato. Kung saan ako mahina, ay malakas naman yung iba, so hindi nagiging efficient yung kampanya kung sama-sama as a group.

R: at saka hindi man magkakasama ang pangangampanya, ang importante eh kinakampanya din nyo ang inyong mga kasama.

SPMBV: oo naman, at pare-pareho naman kami halos ng prinsipyo, bagamat meron ding pagkakaibang konti. Pero, halos pare-pareho din naman ang opposition sa mga issues, at yun din naman ay ipinapaalam naming ng husto sa aming mga kababayan.

R: mensahe po ninyo para sa ating mga nakikinig, mr. senate president.

SPMBV: sa atin pong mga kababayan, eh medyo one week na po ang lumilipas, at maganda naman po ang takbo at matahimik naman ho ang kampanya, sana ho ito ay magtuluy-tuloy para naman ho right after the elections, tayo ay makabalik na sa normal, at magtuloy na po itong ating mga pagiging normal at pagtaas po ng ating ekonomiya. Sana magnormalize ho agad tayo, right after the elections.(end)

News Latest News Feed