Press Release
February 22, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar on DZMM

R: Mr. Senate President, meron po bang umiiral na patakaran ang Kongreso, meron po bang batas na nagtatakda po kung hanggang saan lang ang dapat kumilos ang mga lobby groups?

SPMBV: alam mo yun ang isang hindi maganda sa ating paggawa ng batas. Dahilan sa talagang maraming mga lobby groups ang umaabuso, at talagang harap-harapan ay nagla-lobby at nag-oofer ng kung anu-ano . at dito, meron na mabibigat na mag-lobby. Halimbawa itong sa mga lobby rin ng foreign interest, mga dayuhan. malakas ang lobby nila. Palagay ko hanggang Malacanang nakakarating ang lobby nila. Dahilan sa tuwing magkakaroon ng prioritization ng panukala, napupuna ko mga panukala nila nalalagay sa unahan. Kaya magaling sila maglobby, dahil sa talagang kinukuha nila lahat ng mga eksperto. At there was a time nga na dumating ang pagkakataon na meron silang mga opisina sa ibat-ibang mga departamento. Kaya iyan ay inaway namin sa Senado at ipinagbawal namin sa budget. Ipinagbawal namin yung sitwasyon na sa mga departamento ng gobyerno ay merong mga opisina yung mga ganitong taga-lobby. Bagamat, syempre kung papaliwanag lamang naman ang panukala nila, wala sana na problema na yun. Pero, meron talaga na pre-pressure, at talagang meron mga systematic, ika nga, ang pag-impluwensya sa mga kababayan natin.

R: me kasama ho bang parang pananakot pa sa mga mambabatas?

SPMBV: alam mo dumadating sa pagkakataon na yan din, lalung-lalo na tong mga, yang mga amerikano, mahilig manakot yan, at syempre, dala pa ng colonial mentality natin na maraming mambabatas ang medyo takot pa, pagka nasabing dayuhan o amerikano ang nagla-lobby, parang sila ay nakakakuha ng instruction. Napakahirap I-regulate nyan, dahilan sa hindi mo naman masasabi kung inimbita ka lang sa lunch, at pinuntahan ka lang sa opisina. Subalit, nasa sa mambabatas yan, at siguro maganda din na ipakiusap natin sa mambabatas at liwanagin natin na wag papayag sa mga ganyan.

R: sa amerika, senator, di bat pinaparegister yung ganyan mga lobby groups.

SPMBV: dapat din magkaroon ng batas dito ng ganyan. Pinapag-aralan namin, actually noon ay gumagawa na ko ng batas. Sinusubok ko. Nahihirapan talaga ako na gumawa ng batas ng ganyan. Paggawa ng mga detalye. Sapagkat napakahirap talagang i-differentiate mo yung pag kakausapin ka lang, sa tatakutin ka o bibigyan ka ng anuman. Yung siguro maliwanag, yung ikaw ay tumanggap ng anumang pabor. Dapat na maliwanag na bawal yan. Pero, meron talagang marami sa batas na hindi at ako ay aaminin ko rin, talagang napupuna mo na merong impluwensya sa labas.

R: yun hong nangyari sa Congress. Kayo ay naging Speaker of the House, me nagbigay ng note sa isang Congressman, at ang sinasabi kung pwedeng questionin yung quorum. Siguro yung nagbigay ng note, nakikita rin nya, kokonti na rin ang Congressman, tapos magpapasa ng bill. Ano hong dating sa inyo nun, kung nagpadala ng ganung note?

SPMBV: alam mo, ako matigas ang ulo ko dyan, pagka lalo akong tinatakot, lalo akong ginagawan ng ganyan, lalo ko namang di binoboto, lalo kong di ginagawa. Kaya sa kin baligtad ang approach sa kin. Mabuti pang ako ay pakiusapan, pero, pagka ako yung parang babastusin ka. Yung iba kasi, di nababastusan dun. Ako nababastusan ako sa ganun.

R: .ang nakalagay sa note stand up and question the quorum, sabi daw po eto yung number tawagan mo si Wassler yata ang pangalan, at parang ganun..me cell number pang nakasulat. Para namang, buti sana di si teddy boy locsin yun napadalhan nya. Kung si Cong.**, baka sakali. Well, senator, and susunod na tanong po ng ating mga kababayan dyan, ano ho ba ang kapalit. Halimbawa, wag na po yung Agile, wag na po yun.. kumpanya, halimbawa po kumpanya na papatawan nyo ng buwis. O kaya, kumpanya na gustong ma-exempt sila sa ginagawang buwis ng Kongreso, ano po ba sa inyo pong pagkakaalam ang ginagawa ng mga lobby groups para po mabenepisyuhan ang mga kumpanya pong tatamaan ng mga tax. Tax bill na ginagawa ng Kongreso.

SPMBV: napakahirap nyang tanong mo, dahilan sa syempre yan eh mga usapan na lihim yan. di natin alam talaga kung ano ng nangyayari dyan. Kaya lang syempre pag masyadong aktibo ang isang mababatas sa pagtulak sa isang interest, nahahalata mo naman na merong nangyari.

R: siguro sumentro tayo, pumili tayo ng specific sa inyo mismo Mr. Senate President. Merong kayong ipinush na panukalang batas tungkol sa mga sasakyan. Sirang sasakyan, yung lemon law. Nung bang isinusulong nyo, merong bang lumapit senyo na, senator, bigyan ko kayo ng isang sasakyan.

SPMBV: sinabi lang naman na marami ring epekto yun at baka maapektuhan yung industriya. To be fair with them, wala namang..kundi binanggit lamang ang disadvantages nun. Meron din namang mga ganun, na talagang lobbyists o baka naman, kilala ka ding kasi minsan, pagka ikaw ay mambabatas at kilala na matigas ang ulo mo , hindi ka na nilalapitan masyado. Ang ginagawa kasi ng iba, naghahanap sila ng vulnerable. Yung bang medyo madali kausap. Pag ka ikaw ay mahirap kausap, hindi ka napayag sa ganyan, normally, hindi ka na rin nilalapitan, nasasayang lang ang oras nila.

R: eh kung halimbawa po ang lapitan ay yun ponghalimbawa kung si senator villar mismo ang target nila, kausapin halimbawa yung anak ni senator villar, tapos, sabihin mo naman sa daddy mo hinay-hinay dito..yung mga ganun. Dumadaan po ba sa mga ibang channel?

SPMBV: so far sa anak ko ay wala naman, subalit ay nangyayari yanna talaga syempre pagka hindi ka madiretso ma-approach, ay lalapitan yung mga akala nila na di mo matatanggihan. Yan ang mga technique dyan. Dahil magagaling din yan, magstrategize, kaya hindi natin kaya si senator ganyan, eh mabuti maghanap tayo ng hindi nya matatanggithan.

R: sino ba hindi matatanggihan

SPMBV: well, sa akin naman kasi, wala naman tayong, kaya hindi rin ako mahilig na nanghihingi ng mga pabor. kaya para dahilan sa balang-araw ibabalik mo rin yang mga pabor na yan, kaya mas maganda na yun na independent ka mag-isip.

R: napag-usapan ho natin yung lemon law. Ano ho yung lemon law? Ano yung kainaman nito sa mga mamimili, mga consumers.

SPMBV: well,. Ito kasi nagtatakda ng 18 buwan na mula sa pagbili mo ng brand new at kasi ngayon hindi malaman kung ano talaga ang covered ng garantiya, at dito ay nagpe-prescribe ng penalty. Maliwanag ang penalty dito. At hindi kagaya ngayon na malabo ang penalty. Dito nililiwanag na pwede makulong o kaya magmulta ng 100, 000 or both. Kaya medyo mas defined ngayonang kasalanan ng mga nagtitinda ng mga kotseng bago. Yung sa luma naman, medyo mas mahirap ang regulasyon dyan, kasi sa malaking bagay kung ano yun agreement ninyo nung magpirmahan kayo. Kasi kung binili mo yung kotse na as is where is, syempre talaga, kasama na yun sa presyo ng kotse mo na binili mong murang-mura. Kaya..sa brand new lang, pero meron din namna regulasyon sa luma. Kaya lamang ito ay magkakaron ng mediation sa department of trade. (end)

News Latest News Feed