Press Release
February 26, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Sa pagde-deny ng asylum kay JocJoc (Bolante), can the Senate now enforce the standing arrest warrant

SPMBV: Check ko muna status nun. To be honest, di ko alam ang status nun ng arrest warrant na yun. Pero sa aking pagkakaalam, kung anuman oras na siya ay nasa Pilipinas, yun ay maiimplementa.

Q: Di ba ang next move dapat ay ipa-deport?

SPMBV: Palagay ko ay tatakbo pa sa Kongreso, kasi tatakbo na si Garci at Palparan.

Q: Ipu-pursue ba ang asylum case?

SPMBV: Ipu-pursue naman yun, kaya lamang ang mga bagay na yan ay ginagawa ng Executive Department. Gustuhin man ng Senado, hindi likely na yan ay gagawin ng Executive Department. Alam na natin kung ano ang kadahilanan. Pero hindi ako naniniwalang yan ay iimplementahan ng Executive Department. Tingin ko walang kaplano-plano ang Executive Department na i-pursue ang kaso na yan. Kung babalik si Mr. Bolante dito para kumandidato dito, siguro baka ma-implementa natin ang warrant.

Q: As a whole yung mga kumakandidato na mga controversial figures like Jocjoc, Palparan at Garci, posible palang kumandidato?

SPMBV: Siguro nag-eenjoy sila sa Kongreso, at home sila. Diyan naman, wala tayong magagawa. Sa sistema ng ating pamahalaan ay sinuman ay hindi guilty unless proven otherwise. Isa sa ating paninindigan ay ang pagpapatupad ng ating Saligang Batas at iba pang batas, kaya wala tayong magagawa. Hindi pa naman ipinagbabawal sa kanila ang gawin ang gusto nila kung gusto nila kumandidato. Nasa sa tao na ang desisyon na yan. Syempre kung naniniwala sila na sinuman ay walang karapatan maging miyembro ng Kongreso, syempre hindi nila iboboto yan.

Q: Saklaw ba dun sa pagsasabi kung sino ang gusto nilang kumandidato yung pag-iendorso ng AFP Chief of Staff Esperon kay Palparan?

SPMBV: To be fair, hindi ko pa naririnig na ini-endorso ni Chief of Staff si General Palparan for any position. So napakahirap mag-komento sa bagay na yan.

Q: Anong balita na kay Senator Kiko sa Genuine Opposition, mayron lumabas na balitang mukhang papalitan na siya?

SPMBV: Ako ay hindi naman nakikialam sa pamamalakad ng Genuine Opposition at yan ang sinabi ko noon na bilang isang independent candidate na bagamat nagpapasalamat ako sa pagiging guest candidate, minarapat ko na hindi ako makikialam sa mga desisyon ng ating Genuine Opposition. So maiintindihan ko kung ano ang kanilang gagawin, kung ire-retain nila sa grupo si Senator Kiko o hindi. Nauunawaan ko rin na ang ginawa ni Sen. Kiko, may kadahilanan din siguro yun. Alam ko na tinimbang nya ang mga factors na yan at napagdesisyunan nya na hindi sya aatend (ng proclamation rally). Ginagalang ko naman yung desisyon nya na yan.

Q: Ano kaya ang dahilan ni Senator Kiko?

SPMBV: Malaki na naman si Kiko, malaki nang mama yan at naiintindihan na nya ang kanyang ginagawa.

Q: Yung proclamation rally or before that, ang alam namin, the day before the rally, the morning that he released the press release, dun lang rin nalaman na hindi na rin sya kasali

SPMBV: Hindi naman sa ipinagtatanggol si Kiko, subalit kami na magkakagrupo, iginagalang namin ang pananaw ng isat isa at ang desisyon ng bawat isa. May mga pagkakataon na hindi ako sumasang-ayon sa gusto nila. May mga pagkakataon rin naman na hindi sila sumasang-ayon sa gusto ko. Pero ang mahalaga ay iginagalang namin yun. Sa ngayon, yan lang ang ating magagawa dyan, igalang ang desisyon ni Kiko. Subalit hindi ko masisi ang Genuine Opposition kung ano ang kanilang magiging desisyon tungkol sa bagay na ito. Syempre may repercussions yan, kung anuman yun ay iniiwan ko na sa Genuine Opposition yun.

Q: Ang LP-NP nagkaron ng coalition, madadala pa rin ba si Sen. Kiko sa inyong bilangan? Yung mga resources ba ay magkasama sa election?

SPMBV: Anong resources naman ang magkasama? Dahil wala naman kaming masyadong resources.

Q: So kanya-kanya pa rin?

SPMBV: Hindi naman. Meron pa rin kooperasyon ang Nacionalista at Liberal. Tuloy pa rin yan. Unless mababago yan. Sa ngayon naman ay walang kadahilanan para mabago yan. Meron pa rin pagsasama ang Nacionalista at Liberal.

Q: Paano ba yun sa mga watchers, LP o NP o LP-NP?

SPMBV: Pag-uusapan namin yan at ang Nacionalista Party ay magkakaroon ng watchers sa buong Pilipinas. Syempre ang Nacionalista candidate ay si Congressman Allan Cayetano. Pag-uusapan namin ng Liberal Party, siguro mas magiging convenient dun sa mga lugar na sila ang nakaupo ay sila na ang mag-handle.

Q: Nakausap nyo ba siya before or after the proclamation?

SPMBV: Hindi naman kami ganon. Kami naman ay hindi nagtatawagan normally. Basta iginagalang na lang namin ang desisyon ng bawat isa. Wala naman kaming masyadong tawagan. Bihira kami magtawagan. Hindi kami phone pals. Syempre gusto ko magkasama-sama kami, pero ayoko naman magsabi tungkol sa bagay na yan. Only time will tell kung sino ang tama sa ginawang desisyon sa bagay na itokung tama si Kiko, ako o ang Genuine Opposition. Hindi natin masasabi lahat yan hanggat hindi nagkakaroon ng bilangan sa eleksyon. Maaaring hindi naman tungkol sa eleksyon yan, maaaring tungkol sa mga prinsipyo yan. May kanya-kanyang pinaglalaban.

Q: Ano ang usapan nyo sa GO pagdating sa bilangan ng mga boto, paano ang mga watchers nyo? May GO, may NP?

SPMBV: Mag-uusap kami. Bahala na. Basta kami, meron kami. Kung magkadoble, okey lang, mabuti yung dalawa ang magbabantay.

Q: Paano yan, di ba sa COMELEC, kung sino dominant opposition, yun lang ang binibigyan ng copy ng tally sheet?

SPMBV: Hindi nga natin alam, mamaya ang dominant minority pa ay ang Kampi. Hindi naman siguro gagawa ng ganun ang Comelec. Hindi naman nila siguro maiisip gawin yun. Dalawa lang actually ang grupo dito, ang pro-administration at anti. Palagay ko, kung ite-technical nila, ang pinakamalaking partido na lang sa GO ang pwede nilang bigyan kung technically ang GO ay hindi isang partido.

Q: Hows your campaign so far?

SPMBV: So far, dito ko sa Senado nagpo-focus.

Q: Ang sabi, dun daw sa proclamation rally ng GO, puro banat lang daw

SPMBV: Wala ka naman gagawin iba, kundi babanat, alangan pagtanggol mo? Boring naman kung puro plataporma, walang makikinig. Yun plataporma, ipini-print na lang yun, dini-distribute. Tapos hindi nyo rin naman nilalabas.

Q: How was it campaigning as an independent candidate?

SPMBV: Mas nag-eenjoy ako. Syempre gusto ko rin may kasama, pero mas efficient ang nag-iisa at masasabi mo talaga ang gusto mo sabihin. Saka, isa pa, naitatanim din natin ang mga binhi ng Nacionalista Party at natutuwa ako. Nationwide, organized na ang partido.

Q: Yun sa pag-withdraw ng security kay Erap

SPMBV: Ako winidrawan din, may natanggap akong sulat na binabawi ang aking aide. Kaya yun nangyari kay Erap, hindi lamang sa kanya, kundi sa akin rin. Yun aking military aide ay ni-recall nila. Hindi nila alam na hindi pa nagre-report yun, ni-recall na nila. Matagal na yun, mga two weeks ago. Hindi ko sana pinansin, kaya lang nabalita yun kay Pangulong Erap. Akala ko nga sa akin lang ginawa hanggang mabasa ko na pati pala siya. Sunod-sunod na harassment na at ngayon talaga ang panahon ng oposisyon. Nasasanay na ko.

News Latest News Feed