Press Release
March 2, 2007

VILLAR ON CAMPAIGN FUNDS AND DEBATE

On campaign funds or spending

May limit ang COMELEC, so kailangan sundin natin ang limit ng COMELEC. So yun ang limit. Hindi ko na nasusundan. Ang totoo nyan, (ang mga kandidator) ay meron nagagastos na hindi na nalalaman, kasi may mga kontribusyon din. Minsan yun mga kontribusyon, hindi na dumadaan sa iyo. Hindi mo na rin alam ang total na magagastos mo.

Saka ang mga lumalabas na figures sa campaign spending ay para sa isa o dalawang linggo pa lang ng campaign period. Hindi mo maikukumpara ang gastos ng mga kandidato pa, kasi depende sa kandidato yan. May mga kandidato na todo na agad sa umpisa ang gastos, meron naman sa huli ang majority ng gastos. So malalaman talaga yan pag tapos na ang campaign period.

On participating in campaign debate between Genuine Opposition and Team Unity

Wala naman akong problema dyan, kaya lang may sinusunod akong schedule sa kampanya. Pero bilang Senate President at dating Speaker of the House, yan debate, inaalmusal, tinatanghalian at hinahapunan ko na noon pa. Maraming beses ko na rin naman ipinaliwanag ang aking plataporma at handa akong i-discuss ulit ito sa mga forum at pagtitipon ng business sector, religious sector at grupo ng mga mag-aaral. Handa akong talakayin ito, pero gusto kong bigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa masyadong kilala at hindi pa naipapakita ang kanilang talento at kakayahan sa pakikipag-debate. Mas bibigyan ko ng prayoridad ang mga baguhang kandidato at yung hindi pa masyadong nakikita kung paano magsalita at paano magpaliwanag ng kanilang plataporma. Pero walang problema sa akin ya, anytime pwede tayo.

News Latest News Feed