Press Release
March 19, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH
SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR (DZRH)

Ano po ang reaction ninyo sa sinapit ni Cong Satur Ocampo lalo na itong maltreatment na kanyang tinanggap mula sa mga otoridad?

SPMBV: Nakakagulat ang lakas ng loob ng mga otoridad, Nakakalungkot. Actually nakakatakot dahil baka sa pagdating ng panahon ay sa mga pangkaraniwang mamamayan naman ito gawin. Dapat manindigan tayo dito sa mga isyung ganito. Naiintindihan nating kung may kasalanan ay dapat maparusahan subalit meron tayong batas. May karapatan ang sinuman sa atin at dapat natin itong bantayan at pangalagaan sa lahat ng pagkakataon, kay Ka Satur man o kahit kanino.

Ano po ba talaga ang paninindigan o posisyon nyo tungkol sa Chacha?

SPMBV: Basta legal na proseso, wala tayong magagawa diyan dahil may Saligang Batas. Basta tama ang proseso at aprubado ng taumbayan. Yung peoples initiative di sa tao galing iyon kundi sa gobyerno. Di natin tututulan basta sang-ayon sa Saligang Batas at gusto ng taumbayan.

Pero naniniwala din po kayo na may probisyon sa Konstitusyon na dapat baguhin?

SPMBV: Dapat kumpleto ang proseso dahil napakahalaga ng Saligang Batas.

Kaya din po kayo sigurong tumakbong independent para di makompromiso ang inyong prinsipyo?

SPMBV: Kaya ako tumakbong independent dahil yun ang ating ipinaglalaban noong ipagtanggol ko ang Senado. Mabuti na ung independent dahil wala kang utang na loob. Ayokong makompromiso ang aking prinsipyo. Pag may nag-utos sa akin na e-short cut ang Saligang Batas, kayang-kaya kong sabihin na ayoko.

Sa madaling salita, sang-ayon kayo na gawin ang pagbabago pero sa tamang panahon at tamang pagbabago ang gagawin?

SPMBV: Tamang sistema sa tamang panahon. Yung aprubado ng karaniwang mamamayan.

Mula sa kabisayaan at Kabikulan, nandito naman kayo sa Metro Manila para sa inyong campaign sorties?

SPMBV: Tama iyan. Sinusunod ko lang ang aking slogan na Sipag at Tiyaga.

Marami kaming natatanggap na text messages mula sa mga kababaihan tungkol doon sa advocacy para sa karapatan ng mga babae. Saan po ba sila dapat lumapit?

SPMBV: Madali lang hanapin ang aking opisina. Sabihin nyo lang ang tungkol dun at meron na akong na-assign na mag-aasikaso niyan at magre-refer sa proper agency.

News Latest News Feed