Press Release
March 30, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar (DZMM)

Kumusta po ang kampanya? Sobrang init ho?

SPMBV: Oo nga, pero di pa naman mainit ang ulo natin.

Saan ho ba ang punta ninyo ngayon?

SPMBV: Ako ay pupunta ngayon sa Cagayan de Oro ay mamaya sa Iloilo.

Mr. Senate President, ang sinasabi ng kasamahan nyo dyan sa senado si Sen. Miriam Defensor Santiago. Sa mga kandidato sa pagka-senador walang intellectual giants na maituturing, at ang inahanap po niya ay yung mayroong mataas na pinag-aralan. Tama lang ho ba yon Mr. Senate President?

SPMBV: Unang-una, ginagalang ko ang batayan na gagamitin ng ating kaibigan na si Sen. Miriam at syempre lahat naman tayo kasi ay meron batayan na gagamitin sa pagpili ng mga kandidato at yun ang kanyang batayan. Ako naman ay may iba naman batayan. At ang karaniwang mamamayan ay may ibang batayan din, ito naman ay sama-samang batayan ng buong Pilipinas. Ngayon ang magde-decide kung sino ang mga lalabas. Syempre iba-iba talaga ang mga katagiang hinahanap natin meron naghahanap ng mabait, may naghahanap ng makabayan, meron sikat o meron namang kung anu-ano lang.

Pero yung educational attainment Mr. Senate President lalo na sa ganitong position sa pagiging senador, di ho ba tama rin lang naman na at least college graduate ang magiging senador?

SPMBV: Lalagyan siguro natin ng puntos yan, na malaki puntos ay ang pagtatapos at pagkakaroon ng isang magandang edukasyon. Subalit yun ang nasa ating constitution hindi naman nire-require yan sapagkat hindi na amyenda yan, yun ang ating batayan. Pero bagamat meron maitutulong yan yung nakatapos ka ng kolehiyo o masters degree, isa lamang puntos yan. Sa aking palagay titignan din dapat yung kung anon a nagawa mo sapagkat kung ikaw naman ay napakataas ng pinag-aralan mo pero matanda ka na wala ka pang nagagawa, siguro wala ka ring karapatan namang tumakbo. O kung ikaw naman ay di nakapag-aral subalit marami ka namang nagawa na ikararangal natin ay may karapatan ka naman.

Sabagay kayo ho pala ay may masters in business administration in UP?

SPMBV: Sa UP dun ako nag-aral ng kolehiyo at nag masters tayo dun. Bagamat yun naman sa akin ay hindi naman kailangan yan sa pagtatagumpay sa larangan na pinasok ko. Ang sa akin kasi kinakabahan ako na baka mawalan ng gana yung mga napakarami nating mga kababataan ngayon na hirap makatapos. Ako naman baliktad ayokong mawalan sila ng pag-asa sa buhay at ang gusto kong sabihin sa kanila maski hindi sila nakapag-aral malaki ang pag-asa nila umasenso. At yun nga ang aking kinakalat ngayon na maski sila ay mahirap at pinapakita ko na tayo ay umahon sa hirap na nakarating din naman ng malayo maski na walang-wala noong bata.

Kumusta ho ba Mr. Senate President ang senado sa ngayon? Meron pa ho bang trabaho ang senado na ginagampanan sa ngayon sa kabila ng election period? Kayo bilang Senate President meron pa ho ba kayong tina-trabaho sa senado?

SPMBV: Maraming mga piniprimahan kaya balik ng balik sa senado pa rin, may karagdagang trabaho pa. Napakadami kasi naming ipinasang panukala noong bago kami nag-adjourn. Kaya yung mga paper work ay tinatapos natin. Yung ating 164 bills na ipinasa ay tinatapos natin yan. Pero maganda naman dahil ang senado naman ang nabigyan ng pinakamataas na ratings ng ating mga kababayan.

52% pala among the Top 5 Government Agencies at Government Officials, kayo pala ay nangunguna sa satisfaction rating ng SWS Survey nitong nakaraan?

SPMBV: Kahit papano, kahit tayo ay nahirapan noong mga panahon na yun ay naipakita natin na ang senado ay pwedeng maging Malaya o independent at the same time ay hindi naman balakid sa pag-unlad ng bansa.

SWS survey ho ito, ang Pulse Asia meron na ho ba kayong report sa satisfaction rating nila?

SPMBV: Maganda rin tayo dun sa satisfaction rating. Kaya lang ang Pulse Asia naman ay trust rating naman . Maganda naman among the senators ay napakataas natin.

May nag-timbre ho sa akin na senado din daw at yung Senate President ang nangunguna pa rin sa trust rating ng Pulse Asia?

SPMBV: Yun din naman ang resulta at nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan na pareho sa Pulse at SWS ay nagkaroon tayo ng pinakamataas na rating among the senators at yung senado mahalaga din dahil syempre gusto ko rin na maging karangalan ng aking mga kasamahan yan na tumulong na magkaroon ng magandang performance ang senado.

Senate President Villar, maiba ho ako, napag-uusapan po naman talaga ang survey. Sa SWS 1 percentage lang ang lamang sa inyo ni re-electionist senator Loren Legarda, kung tutuusin parang tie na yan. Yun ngang 2% kinokonsider na ni Sen. Loren na tie. Nung nauna si Kiko Pangilinan sa kanya, sabi ni Loren ah hindi tie yan, ngayon nung nakauna sya ng konti 1 point hindi number 1 ako. Kasi ang kanyang slogan Loren Legarda, number 1 sa senado. Sabi po ni Sen. Legarda, its number 1 or dust. She will not settle for anything less than number 1. Senate President, gaano po ba ka-importante ang maging number 1? Bakit parang obsession na ni Sen. Legarda yung numero uno?

SPMBV: Hindi naman.Ang sa akin kasi maski na ano ang gawin ko, gusto kong magawa yun ng maganda. Nung ako ang maging Pangulo ng senado gusto kong maging pinakamagandang performance ng senado. At sa hanap-buhay gusto rin nating mag-number. pero hindi naman napakahalaga yan at ang totoo ay nagulat din tayo na tuloy-tuloy ang pagtaas natin. Akoy mas natutuwa na ngayon pa lamang for the first time na nalaman ng ating mga kababayan na tayo palay umahon rin sa hirap. Yung nga kaibigan ko alam na ho yan pero ngayon pa lamang sinasabi sa akin ng mga mahihirap na kababayan natin na ngayon lamang nila nalaman na ang Senate President pala ay nanggaling din sa hirap. At yan siguro ang malaking kadahilanan kung bakit po maganda tayo sa rating.

Tamang-tama dapat ho pala ay marinig kayo ng mga taga Parola Compound. Yun hong pamilya ng na-hostage na mga bata doon, na ang hinahangad lang ay yung magkaroon sila ng magandang buhay. Dati hindi raw sila napapansin ng gobyerno ngayon na ginawa na ni Jun Ducat ang pangho-hostage ay napansin na ang Parola Compound.

SPMBV: Yun din naman ang napuna ko ngayon sa pag-iikot ko na halos lahat ay nagsasabi na talaga namang maski na paano ay di pa nila natitikman ang yung ano mang benepisyo ng masiglang ekonomiya. Kaya yan ang ating dapat na pagtuunan, na pagkabalik naming lahat sa senado sa paglilingkod at lahat ng opisyales ay dapat talagang pagtuunan kung papaano mapapadali ang pagpaparating sa mga mahihirap ang ano mang benepisyo ng ating ekonomiya.

Senate President, babalikan ko lang ho yung statement ni Sen. Legarda I just want to finish this fight fair and square and hopefully sustain my being number 1 not for the sake of being number 1 but it means hindi nagkadayaan, dahil pag bumagsak ako maniniwala ba ang tao? Mr. Senator, sa kwento po ninyo na nalaman ng tao na kayoy galing sa hirap at pano kung mag-number 1 kayo ibig sabihin nagkadayaan? Yun po ang premise ni Sen Legarda papano ho yun?

SPMBV: Ah di naman po. Sa aking palagay ay ang 90% kasi pa rin n gating mga kababayan ay mahirap, 92% nga ang medyo mahirap dito sa ating bansa at ngayon lamang nalaman ng ating mga kababayan na tayo pala ay galing sa hirap at dumaan tayo sa mga pangkaraniwang dinaranas na paghihirap ng pagiging squatter, pagtitinda sa palengke, pagtitinda ng buhangin ay dinaanan ko yan. At ngayon kung na-realize nila palagay ko naman gusto nila ihalal ay yung kamukha mo din nila.

Mr. Senate President, tatanggapin nyo po ba na maging number 2 lang kayo?

SPMBV: Kung yun ang gusto ng tao, tayo naman ay maski na saan at kung ano ang gawin ng ating kababayan ay buong puso nating tatanggapin at papasalamatan natin maski na ano ang ibinigay sa atin.

Itong mga nagulang ng mga hostage victims sa Parola compound, ang isinisigaw ngayon ay palayain si Jun Ducat. Para sa inyo ano ho bang marapat na gawin lalo pat sinasabi ninyo na galing sa hirap at baka may connect kayo dun sa mga taong nandyan sa Parola Compound?

SPMBV: Nauunawaan ko yan at ang dapat gawin ng gobyerno mabigyan ng tulong hindi lamang sa Parola Compound kundi lahat ng ganyan ang kalagayan sa buhay.

News Latest News Feed