Press Release
August 7, 2007

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Extra-judicial killings to be investigated by the committee on justice

As soon as the committee is convened we will get the consensus of the group. Hindi lang naman din ako ang magde-decide as soon as ma-convene yung committee, ibig sabihin yung mga members na-elect na rin, we will get the consensus, hindi man number one, isa sa mga priority yung pagtugon sa extra-judicial killings. Pinangunahan na ng Korte Suprema, ni Chief Justice Rey Puno yung paghanap ng solusyon tungkol dito, tama lang na segundahan yung sinimulan niya ng senado.

Kailan mauumpisahan yung investigation?

Hopefully kapag-na-establish na yung committee, wala pang members, by today or tomorrow siguro may mag members na.

Paano kung pigilan uli ng Malacanang yung pag-attend sa mga hearing ng mga opisyal?

Tingnan natin, nag-isyu ng yung Korte Suprema tungkol diyan, hindi sila puwedeng tumanggi, at kung wala naman silang tinatago anong dapat katakutan, magtatanong lang naman kami, sasagot lang naman sila, why they should be afraid to attend any committee hearings.

Sa Tax issue, on GMA plan to withdraw it

Tinutulan at tututulan naming yung common carrier stock (2,600-percent common carriers tax for operators of buses, jeepneys and taxis) na gustong ipataw ng BIR, walang adequate legal basis sila para taasan yan, titingnan at bubusisiin namin, saan ba nila kinuha ang kapangyarihan para gawin yan. Pangalawa bakit at paano nila nagawa yan ni wala man lang konsultasyon, pangatlo kakasabi lang ni GMA na walang bagong buwis noong SONA, eto na naman wala pang isang buwan may ipapataw na naman sila na bagong buwis. Pang-apat yung executive order ne inisyu ni GMA daw na inaatras ito o pansamantalang pinipigilan ito yun yung pinakamagandang ebidensiya na may maling ginawa ang BIR at ang dept. of Finance sa pagpataw ng buwis na ito. At para hindi na maulit titiyakin namin yan.

On Bedol issue, mahina ba yung sanction

Alalahanin natin na yung parusa kay (Lintang) Bedol sa hindi sa pagsipot sa Comelec en banc, walang kinalaman yan sa ginawa o hindi niya ginawa noong eleksyon, hindi pa pinag-uusapan yon. Yan ang dapat gawin ng Comelec, tugunan yung panawagan ng sambayanan kaugnay sa mga ginawa o hindi ginawa ng Comelec officials na nagresulta sa milagro noong nagdaang election at sa 2004 elections pa. Yung parusang ipinataw nila maski na yung akusayon ipinataw nila kay Bedol doon sa hindi sa pagsipot sa kanila, paano naman yung atraso sa sambayanan, doon sa mga botante natin, na tila hindi niya ginampanan yung tungkulin niya sa simpleng pagbibilang ng one plus one equals two.

Bedol being a star witness

Hindi namin desisyon kung magiging star witness siya o hindi, desisyon yan ng testigo mismo kung siya ba ay magsasalita o magkukuento, kakanta o hindi.

Wala pa namang imbestigasyon kaugnay noon, hindi pa naman siya iniimbestigahan tungkol doon, inimibitigahan siy ng Comelec tungkol sa hindi pagsipot sa takdang oras, nasaan ang imbestigasyon tungkol sa kanyang ginawa o hindi ginawa noong eleksyon, wala pa noon, yun yung dapat gawin ng Comelec.

Dapat magpaliwanag si Abalos

Yun ang dapat nilang gawin. Porke't hindi sila sinipot inimbistigahan napakaliit na bagay naman non at paparusahan ng ganyan, eh paano yung mga ginawa daw niya at yung mga hindi daw niya ginawa, bakit walang imbestigasyon doon.

News Latest News Feed