Press Release
August 15, 2007

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

On additional powers for the CHR

Isyu ngayon ang extra-judicial killings, hindi lang yun yung kawalan ng respeto sa karapatang pantao ng ating mga kababayan. Isang rason dito ang iniimbestigahan mismo ng DOJ ay mg opisyal din ng gobyerno mula sa military at sa pulis, isang rason din siguro yan kung bakit hindi natututukan ang aspetong ito.

Independent constitutional commission ang Commission on Human Rights, layunin ng batas o panukalang batas na sinampa namin na bigyan sila ng prosecutorial powers para magkaroon ng specialization pagdating sa pag-prosecute sa human rights violations.

(Bigyan ng ngipin) if at all, yan yung matagal ng ngipin na hinahanap ng Commission on Human Rights at matagal na rin nilang sinasabing dapat sana meron sila. Maliban dito problemang malaki ito dito at dapat kilalanin nating problema yan at isang solusyon ito para matugunan yang problemang yan. Hindi lamang ang mga kababayan natin, sumisira din nyan sa imahe ng ating bansa sa mga foreigner at sa labas.

Lahat bang commissioner lawyers?

Required lawyers ang dalawa I think, minimum ng dalawang commissioners, I think the chairman required na maging lawyer. Pero ito ay isang special prosecutorial arm of the Commission on Human Rights and this division if at all will be headed and must be headed of course by a lawyer; similar to a special council or special prosecutor found in other offices to handle specifically human rights cases. By its very nature human rights violations are committed by agents of the state, agents of the government and they should be the one to prosecute because they are an independent commission.

On Trillanes' resolution seeking investigation into the alleged involvement of Malacanang officials in the Basilan ambushed of 14 Marines

Seryoso ang alegasyon ni Senator Trillanes at dapat seryoso ding tingnan yan, hindi dapat balewalain at ibaon na lamang sa limot. Sa ordinaryong mamamayan na nakikita ang mga kaganapan partikular yung ambush na ginawa sa mga Marines, nakita sa Fr. Bossi at na-release si Fr. Bossi sa Zamboanga Sibugay. Yung mga Marines natin nasa Basilan hinahanap daw si Bossi doon. Nakakapagtaka kung bakit ang layo layo nila sa talagang kinaroroonan ni Bossi at nawalan pa ng buhay at nalagasan pa ang ating Armed Forces. Marapat at dapat talagang tingnan ang bagay na yan, senseless ang pagkawala ng buhay kung tila tinatapon lamang at hindi siniseryoso at pinapahalagahan ng mga opisyal natin ang buhay ng ating mga sundalo na kung saan saan lang tinatapon at binabato.

Dagdag din siguro si inquiry na nais gawin ni Senator Trillanes isasabay na rin naming yung inquiry kaugnay sa mga gamit na binibigay natin sa ating mga kasundaluhan bago natin ipadala sa field, maliban sa baril na pumuputok at balang pumuputok dapat pag-aralan natin nang husto ang pagbibigay ng karampatang gamit kabilang na ang body armor sa ating mga sundalo. Sa ibang bansa isyu ang pagkakaroon ng body armor ng ating mga sundalo bago ipadala sa giyera, dito ni walang helmet ang mga sundalo natin, dito ni walang kumpletong gamit na combat boots o uniporme ang ating mga sundalo, hindi pa pumuputok minsan ang bala at bomba, hindi naman siguro makatarungan na ipadala nang ipadala ang ating mga sundalo sa ilalim ng ganyang uri ng sitwasyon .

Sen. Biazon said dapat magprovide muna ng evidence si Trillanes bago mag-schedule ng hearing

I defer to the wisdom of the chair of the committee on national defense, kagaya nga ng nasabi ko seryoso ang alegasyon, hindi puwede na ganyang na lamang, dapat seryosong tingnan din ito at dapat punuan ng sunstansiya ito na naniniwala naman ako si senator Trillanes dahil yan ang mundong ginagalawan niya sa ngayon. Marapat tingnan ito ng komite at tama lamang na bago gumalaw ang komite kunin ang sustansiya ng alegasyon mula kay senator Trillanes at yung mga nagbibigay din ng information sa kanya kaugnay nito. Hindi ito dapat palampasin ng komite dahil kung totoo ito napakalaking atraso ito ng mga opisyal na yan sa ating mga kababayan, partikular sa ating mga sundalo.

On Committee on ways and means agenda

Yesterday the committee on ways and means was already completely organized by the election of members from the majority and the minority. Ang balak naming tingnan sa komiteng ito hindi lamang yung revenue shortfall or gap, nag-e-schedule na kami ng briefing in the next two weeks mula sa iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan na nasasakupan ng ways and means committee at pinagkukunan ng pondo ng gobyerno, hindi lamang Customs at BIR, kabilang dito ang mga opisina ng gobyerno na nagsisingil ng fees sa ating mga kababayan na pumapasok sa kaban ng bayan, kabilang din dito ang loans na pinapasukan ng pamahalaan kung ito nga ba ay may bentahe sa ating bansa o disadvantageous sa gobyerno at sa ating mga kababayan. Ang unang didinggin ng ways and means ay ang resolusyong isinampa kaugnay ng common carriers tax, partikular ang Revenue Regulation No. 9-0007. naniniwala kami na walang kapangyarihan ang BIR at Dept. of Finance na mag-isyu ng ganyang uri ng regulation na unilaterally iniiaangat ang minimum gross receipt na pinapataw sa common carriers. Kung gusto nila dumaan sila sa proseso ng pagpasa ng batas, hindi nila puwedeng gawin yan sa pamamagitan lamang ng revenue regulation.

News Latest News Feed