Press Release
August 22, 2007

Transcript of Interview with Senator Francis Escudero
(Double A sa Double B with Arnold Clavio and Ali Sotto)

...Sa bisa ng batas..at least magagamit na bilang ebidensya sa korte para sa kasong isasampa kaninuman Yang CD o tape na yan, yang diumanong usapan nina Pangulong Arroyo at dating Commissioner Garcillano.

Kung inaamin ni Doble na siya yung nag-wire tap, authentic na yun tape hindi na yung sinasabi na malabo na dinoktor.

Anyway di naman sa authentic pero pwede na ngayong tanggapin at iprisinta bilang ebidensya.

Paano si Doble pwede siyang kasuhan na nag wire tap sya?

Tama yun. Pwede syang kasuhan na sya ay nagwire tap dahil may violation yan ng Republic Act 4200. Nakahanda naman siguro siyang harapin yun sa kanyang pagamin na ito.

Ano po ang ibig sabihin senator kung ito ay sa pagganap ng oversight function ng Senado?

Dahil trabaho ng Senado na alamin kung paano ipinapatupad, pinapatupad nga ba, paano sinusunod at sinusunod nga ba ang mga batas. Napakaraming mga batas ang pwedeng masaklaw nito at isang yugto ito sa ating kasaysayan na kailanman ay hindi nalagyan ng tuldok. Mahalaga para sa akin na sumailalim ito sa proseso ng Senado para mapreserba yung ebidensya o testimonya para sa mga darating na henerasyon hindi man natin kayang matapos ito ngayon at least may basehan ang darating na henerasyon na husgahan ito.

Dun sa sinasabi ng publiko na hayan na naman ang Senado puro na lang in aid of legislation e hindi naman in aid of legislation itong ginagawang imbestigasyon?

To be fair kay Senator Lacson may bill siyang finile tungkol sa anti-wiretapping law na may kinalaman dito sa Garci tapes na hindi laman napasa nuon at tinatalakay sa aking committee, sa committee on justice. Ginagarantiyahan ko na tama't marami kaming ginagawa. Nandun na yung imbestigasyon sa gera sa Mindanao, itong imbestigasyon sa Garci plus mga panukalang batas pa. Kasama sa trabaho namin yan. buti nga maraming trabaho para sulit. Hindi naman ho baling maraming trabaho basta't magampanan namin lahat ng trabaho namin at hindi nakakaantala yun sa ibang gawain.

Sasabihin ng tao na wala namang nagyari sa Kamara noon e. Nagkaroon din ng pagdinig dun nagpunta rin din si Doble, si Mayette Santos, o anong napala?

Wala pang nangyari sa Kamara dahil lumabas sa storya ni Doble ngayon na hinsotage ang kanyang pamilya kung kaya't klaro naman kung hindi sya makapagsabi ng totoo noon. Panagalawa, hindi naman pwedeng masabing walang nangyari dahil sa resulta ng halalang ito, bagaman maraming oposisyon dati ang umalis at sumama sa administrasyon sa takot na maulit yang dayaan ng 2004. Maski na papano hindi naman nasa parehong lebel ang dayaan na naganap sa nakaraang halalan.

Anong nakikita nating direksyon dito lalo na't aabot sa office ng Pangulo yung pag-uusap na ito na naman. Actually biktima nga ang pangulo dito hindi ba?

Maraming pwedeng mangyari. Una na magdedesisyon ang Kamara kung sila nga ba ay magsasampa ng panibagong impeachment complaint at hindi ko papasukan yan dahil pag makarating yan samin, baka umupo pa akong judge dyan. Panagalawa, mapepreserba ang ebidensya, testimonya at iba't ibang piraso ng documentary or taped evidence para sa mga darating pang henerasyon na mapag-aralan, masuri at magamit sa anong paraang kapani-paniwala yan. At pwede nang masampahan ng kaso ang sinumang may nilabag na batas at pwedeng magamit bilang ebidensya lalo na't presidente lang naman ang impechable at ilang opisyal na nabanggit dun.

News Latest News Feed