Press Release
September 6, 2007

ON FRAT VIOLENCE

"Matuto dapat ang UP administrasyon at mga fratmen ng UP sa mga teen gangs sa Tondo na kung saan ay naisantabi ng mga ito ang frat violence sa pamamagitan ng mga art workshop at pagaarte sa pelikulang 'TRIBU'.

Nakakalungkot isipin na kailangan pang mga teenager sa Tondo ang magturo sa mga iskolar ng UP kung paano ayusin ang kanikanilang mga buhay sa usapin ng frat violence. Ang hazing at mga rumble ay sanhi ng kultura ng karahasan na pumapalibot sa mga frat kahit saan mapadpad. Kailangan iwaksi ito. At maguumpisa ito sa mga 'conflict resolution programs' tulad ng isinagawa ng direktor na si Jim Libiran sa pelikulang 'TRIBU'.

Mga tunay na teen gangs ang kanyang kinuha upang isapelikula ang kanikanilang buhay. Nag-acting workshop ang mga rival gangs at nagharapan sa mapayapa at produktibog gawain. Dahil dito, ngayon maayos at mapayapa na ang kanilang komunidad at nagkakasundo ang iba't ibang mga gang at frat. Dapat tularan ng mga iskolar ng bayan ang mga teen gang ng Tondo!"

News Latest News Feed