Press Release
September 7, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Kumpirmado na po na di dadalo ngayong araw sa pagdinig ng Senado si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, natanggap niyo naman po ang pasabi niyang ito?

SPMBV: Ang sabi niya, dadalo siya pero hindi ngayon. Siguro sa next hearing o after that. Hindi kasi namin nai-serve and subpoena pero nagsabi naman siya na siya ay a-appear, di nga lang ngayon.

Marami po kayong nakaline-up na iimbestigahan, ilang araw na lang, pasko na, ang senado po kaya ay may maipasang panukalang batas hanggang matapos ang taon?

SPMBV: Nagrequest ako sa mga kasama kong senador na kung mag-iimbestiga sila ay yung labas sa oras ng sesyon para di maabala ang paggawa namin ng panukala. Kaya nga ngayon ang imbestigasyon sa Garci issue ay ginawa sa araw ng Biyernes dahil wala naman talaga kaming pasok kapag Biyernes. Sinisiguro ko sa taumbayan na maayos na tumatakbo ang pagtalakay ng Senado sa mga panukalang batas. Maraming panukala ang nakasalang ngayon at lahat ng iyan ay tatapusin namin. Kailangan naming mapanatili o malagpasan pa ang magandang performance ng Senado sa nakalipas na taon.

Can you give us at least 5 bills na inyong ipapasa before Christmas.

 SPMBV: Unang-una na diyan ang 2008 National Budget at JPEPA. 26 na panukalang batas ang na-identify namin na ipapasa kaagad, at pipilitin naming maipasa bago mag-pasko ang karamihan na nasa priority list.

Napag-uusapan ang budget Mr. President, dadagdagan po ba ito ng Senado o tatapyasan?

SPMBV: Titingnan muna natin kung mapapatunayan ng mga collection agencies na kaya nilang mag-raise ng revenues para sa budget.Kapag di nila napatunayan iyan, mapipilitan kaming tapyasan ng konti ang budget.

Magsasagawa po ba ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado sa kontrobersiyal na ZTE broadband deal?

SPMBV: Maaari. Mayroon na kasing resolusyon sa Senado ukol dito. Wala pa namang impeachment case na may kaugnayan sa broadband deal kaya walang dahilan para hindi matuloy ang imbestigasyon sa bagay na ito. Pag kasi may impeachment na, magkakaroon ng kwestyon kung dapat pa kaming mag-imbestiga o hindi na. Wala pa naming formal impeachment na naka-file sa kamara kaya mag-iimbestiga ang Senado.

Hindi po ba pwedeng magsama na lang ang kamara at Senado sa pag-iimbestiga ditto para isang gastusan na lang?

SPMBV: Normally, pag nagsamang mag-imbestiga ang kamara at Senado, mas maraming mauubos na oras. Kaya mas maganda na kanya-kanya na lang ng imbestigasyon.

Ano nga pala ang gagawin ng Senado kapag muling isinangkalang ng palasyo ang E0 464?

SPMBV: idineklara na iyan ng Korte Suprema na unconstitutional. Ang Senado ay handang magpunta uli sa korte kapag iginiit ang EO 464. Karapatan ng taumbayan na malaman ang nangyayari sa gobyerno at ipagtatanggol ng Senado ang karapatan na iyan. Hindi kami papayag na basta-basta na lamang gamitin ang EO 464.

News Latest News Feed