Press Release
September 19, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Gawa-gawa lang daw yung akusasyon against ZTE deal...

Seryoso ang mga akussayon naq binitiwan ni Joey de Venecia kahapon, marapat at dapat sagutin ito ng mga taong inakusahan niya. Bibigyan natin ng pagkakataon sa pamamagitan ng pag-iimbita ang mga taong pinangalanan ni Ginoong De Venecia kahapon sa senate hearing. We will afford them due process and the opportunity and the right to be heard through the senate inquiry, the same venue where Mr. De Vencia spoke up and made the accusations against them.

Si Abalos ready na dumalo next week...

Pagdedesisyunan ng komite yan at we welcome the willingness of the chairman to attend and shed light on the issue, again obligasyon naming na bigyan siya ng pagkakataon na mag-attend at sagutin ang mga paratang laban sa kanya at mapakinggan sa parehong forum at venue na binigay din naming kay Ginoong De Venecia kahapon.

GMA has ordered Secretary Mendoza to explain to the supreme court...

Magandang tanungin kay secretary Mendoza na siya nga ba ang magpapaliwanag sa korte o hindi dahil ang puwede lamang magsalita doon at yung mga abogado at hindi siya mismo. Pangalawa sabi niya payagan lamang siya ng korte], hiniling nab a nila sa kanilang petisyon sa korte suprema na payagan silang magsalita, pero hiniling man o hindi, sang-ayon sa rules ng senado hindi hadlang ang pagkakaroon ng kaso o paggamit ng sub judice para magpatuloy ang pagdinig kaugnay ng isang panukalang batas na aming pinag-aaralan. Pangalawa ayon sa korte suprema hindi rin hadlang ang sub judice o pagkakaroon ng kaso para magpaliwanag ang mga opisyal sa senado o sa Kongreso kaugnay pa rin sa isang legislative inquiry in aid of legislation. Hindi katanggap-tanggap ang mga binigay na dahilan kahapon ng mga inimbita namin.

Anong gagawin ninyo kasi hindi talaga sila sumisipot...

Napag-usapan yan sa caucus kahapon, we will exercise prudence and we will follow the law in so far as the processes are concerned, in the invitation of the guests, in the issuance of subpoena, and if ever in citing any person in contempt. Dapat solid legal ground ang tinatayuan nito para umakyat man sa korte suprema armado kami sa lahat ng legal na provision para i-argue an gaming punto at ng kami at tiyak na mananalo sa korte suprema may magdala man nito roon.

-more-

After several invitations wala pa ring na-iisyuhan ng subpoena...

Meron naman nasubpoena at napag-usapan naming yan kahapon sa caucus, in fairness sa usapan naming kahapon walang oposisyon at administrasyon, walang majority o minority. Tinangka naming hanapan ng solusyon at sagot ito bilang senado, bilang isang institusyon para pangalagaan at protektahan ang pakpangyarihan at karapatan ng institusyong ito.

Bakit kaya ayaw nila magpaliwanag sa senate?

Naniniwala ako sa kasabihang kung wala kang tinatago wala kang dapat katakutan, at kung hindi tama ang mga akusasyon laban sa iyo dapat bawat forum at pagkakataon na bibigyan ka para magpaliwanag tanggapin mo, yayakapin mo at hahabulin mo pa nga siguro para sagutin ang mga maling paratang laban sa iyo. Nakakalungkot lang na tila kaliwa't kanang atake na lamang ang binibitawan nila laban kay Ginoong De Venecia imbes na sagutin na lamang ang mga katanungan sa isip n gating mga kababayan. Ikanga ayon kay Ginoong Joey de Leon explain before you complain.

May maitututlong ba ang mga Chinese to shed light...

If they can shed light on this, we would be more than willing to accept whatever information they may have, mayroon kaming inimbitahan na ialng Chinese nationals na opisyal ng ZTE sana matukungan din nila kami na makumbinsi sila na dumalo ng hearing upang sa gayon ay hindi na umabot sa puntong may maiisyuhan pa ng legal na proseso upang mabigyang linaw ang bagay na ito. We are only asking for is transparency, all we are asking for the full accord as the right to information of the people regarding this particular transaction. Obligasyon ng bawat isa, pribado man o pampublikong sector, na sundin at pakinggan yan.

Na-establish ba yesterday (ZTE hearing) na aware si Speaker Jose de Venecia sa ZTE deal?

Inter-Chamber courtesy dictates na hindi naming masyadong panghimasukan ang bagay nay an, partikular na may kinalaman kay Speaker Jose de Venecia, pero nanawagan siya na maging transparent ang Unang Ginoo, maging transparent ang kanyang anak, si Joey de Venecia. Kahapon sa hearing may nabanggit siya na ilang kaganapan na may kinalaman si Speaker de Venecia, halimbawa, una yung golf game na pinag-usapan daw yung ZTE sa pagitan ni Pangulong Arroyo at chairman Abalos. Totoo nga ba iyon dahil kung hindi mae-establish ang bagay ba nakialam at alam ni chairman Abalos yung transaction. Pangalawa tinawagan nga ba siya ni chairman Abalos tulad ng sinasabi ng kanyang anak at may threat na patayin siya at si Ginoong Darius Bondoc. Pangatlo siguro totoo nga bang nagkita at nagkausap sina secretary Mendoza at si Joey de Venencia sa kanyang tahanan kung saan na set yung reconciliatory meeting. Theses points can be corroborated by his father at magandang malaman kung iko-corroborate nga ba o hindi at hindi siguro magdistansiya nang ganoong kalayo si Speaker De Venecia sa kanyang anak dahil binanggit na rin naman ng kanayng anak si Speaker De Venecia sa ialng mga kaganapan daw na may kinalaman dito.

-more-

So you won't be summoning him (Speaker)?

Hindi nararapat at hindi tamang gawin iyon. Utang niya (Speaker De Venecia) sa publiko sang-ayon sa kanyang kahilingan na transparency na sagutin din ang ilang mga katanungang ito na hindi mula sa akin kundi sa kaisipan n gating mga kababayan sa ngayon.

Si Joey (De Venecia) talaga ay driven by his patriotism o mayroon pa rin siyang tinatago dahil yung kanyang 'president' daw ay nililinis na kaagadmay tinatago pa ri kaya siyang impormasyon?

Ayokong husgahan si Ginoong De Venecia pero ano man personal na atake laban sa kanya, kung anong motibo niya, yung nasa likod niya, kugn ano ang nakaraan niya, walang kinalaman yan sa dalawang katanungan nating lahat. Una nagsasabi nga ba siya ng katotohanan at buong katotohanan o hindi, pangalawa may ginawa nga bang mali, illegal, bawal at immoral ang mag opisyal ng pamhalaan kaugnay sa ZTE broadband deal. Ang pangunahing tanong ay nagsasabi nga ba siya ng totoo at pangalawa may illegal nga bang ginawa ang mga opisyal ng gobyerno. We should keep our eyes focus on these two issues and not in any other issue.

But he (Jose de Venecia) is also liable in some way...

Possible yun pero na-brief na siguro ng abogado niya si Ginoong De Venecia at maski na may ganoong posibilidad hinarap pa rin niya ang senado at nagpaliwanag pa rin siya. Hindi siguro dapat siya pintasan dahil doon at kung saka-sakali naman may depensa siyang magamit at yan ay nandoon na siya sa larangan, linya at negosyong iyon bago pa man naging Speaker ang kanyang ama. At isang paraan din iyon siguro para hindi mag-apply sa kanya ang batas na ito, ang provision ng batas na ito

Paano kung i-reason out nila iyon health condition ni First Gentleman...

We will cross the bridge when we get there, hindi naman makitid ang utak at hindi naman walang puso ang sinomang senador na naglalayong malaman ang buong katotohanan tungkol dito pero huwag din nila kaming sisihin kung saka-sakali na mag-isip kami o magkaroon kami ng duda dahil na rin naman sa kawalan ng pagkakataon na mabigyan sila ng chance na magsalita at magpaliwanag para linisin ang pangalan nila.

May hamon ba kayo, kung si Erap hinarap yung mga kaso, pero sila alegasyon pa lang tumatakbo na...

Hindi siguro hamon kundi imbitasyon at anyaya. Sino man ang inakusahan ng masama at illegal na bagay natural lamang at dapat lamang na ipagtanggol ang kanyang sarili. Panawagan siguro an gaming bibitiwan sa lahat ng mga pangalang binanggit ni Ginoong De Venecia, bukas ang pintuan ng Senado upan gkayo ay magpaliwanag at ibigay ang inyong panig, huwag sana ninyong sayangin ang pagkakataon iyan.

-more-

Sa ambush interview kay Luli (Arroyo) sabi niya na yung Joey's allegations daw are thin as her hairline, maybe drug has gotten into his head...

Gaya nga nang nasabi ko explainbefore you complain at pangalawa ang mga personal na atake sa kanya walang kinalaman sa dalawang katanungan, siya ba ay nagsasabi ng buong katotohanan, pangalawa may ginawa nga bang maanomalyang bagay ang mag opisyal ng gobyerno. Hangga't hindi nila maituro na may kinalaman ang mga personal na atakeng yan sa kanya, doon sa dalawang bagay na yon, hindi naming dapat pagtuunan nang pansin yan.

Napapansin niyo ban a yung allies ng administrasyon ay nagiging personal na yung pag-atake...

Iyon ang tila reaction nila na nagpapakita na nagpapakita lamang nang kawalan ng interes nilang magpaliwanag talaga tungkol dito kung malinis at kung dapat ipagmalaki natin na ating ikokonekta ang lahat ng tanggapan o opisina sa pamamagitan ng deal na ito at nakakamura tayo sa deal na ito, hindi ba dapat lang pinagsisigawan antin yan noong isang linggo pa o kahapon pa subalit hindi nila ginagawa yan, marahil ay hindi pa nila kayang ipagtanggol maging sa sarili nila yung pinasukan nating deal na yan.

Mayroon na bang direct link kay GMA?

As of yesterday sa testimonya ni Ginoong De Venecia wala.

Paano kaya maii-link? Sino yung mga taong kailangang magsalita pa?

Ang objective hg senado ay hindi i-link ang sinoman, ang objective ng senado ay ang alamin ang katotohanan sa transaksiyon na ito at magpanukala ng mga pagbabago sa batas para maiwasan na ang anumang anomalya o maling nagawa kaugnay na ito. Pinag-uusapan na halimbawa ang amendment sa BOT law, pinag-uusapan na halimbawa ang mga karagdagang batas para ipagbawal ang pakiki-lobby, pakikialam, pangingialam o anumang uri ng pang-iimpluwensiya ng sinuamng opisyal ng gobyerno sa anuamng transaksiyon o kontrata na wala naman kinalaman ang kanyang opisina o posisyon. Iyon ang thrust ng senado at hindi para igiit, idiin, o paratingin sa sinuman ang akusasyong ito.

Hindi ba bawal din naman yun (intervention)?

Hindi, actually. The present law requires you to prove pecuniary interest, it requires you to prove that you forced that official to perform an illegal act, but the mere act of interfering, of lobbying, of influencing, if it does not involve an illegal act, on the part of the office being influenced or interfered with, if it does not involve pecuniary gain, o kung walang pwereba roon, wala pa.

Pero may alegasyon si Ginoong De Venecia na ito'y may kapalit, kaya pinag-aaralan naming yung butas na yon marahil sa batas, hinahanap pa naming kung may provision na eksaktong sasaklaw sa pakikialam lang sa isang bagay na hindi mo naman trabahong pakialaman. Naglel-legal audit pa kami.

Si FG hindi rin bawal...

Saklaw siya ng Section 5 ng Republic Act 3019 which states that spouse or relative by consanguinity or affinity of the President within the third civil degree of the President, vice president, senate president or speaker of the House of Representatives cannot interfere or intervene in any transaction, business or contract or application with the government, covered nay an ng anti-graft law.

So covered din si Joey?

Maliban na lang gaya nga nang nasabi ko, siya ay nasa linyang yan, ng negosyong iyan bago pa man naging speaker ang kanayng ama, at iyan essentially ang sinabi niya kahapon dahil sinabi niya 1989 pa raw siya ng larangan, linya at negosyong ito.

So parang absolved siya doon?

Korte ang magdedesisyon non, hindi kami.

Dapat siguro magsalita rin si Speaker dahil siya lang ang puwedeng mag-corroborate...

Nasa sa kanya iyon, hindi siya puwedeng puwersahin ng senado gaya nga nang nasabi ko dahil sa inter-chamber courtesy.

Kay FG, applicable ang batas?

Klaro, kung tototo yung sinasabi ni Joey de Venecia, klaro ito, applicable ito. Pero may prohibition against dealing with ng relative, pero lahat ng nakalagay sa anti-graft law bawal lang yan sa batas kung may tinanggap kang pera. So kailangan mong patunayan na may pera, mahirap iyon. Pangalawa na trabaho mo sana na mag-award o magdeny at may tinanggap kang pera. Paano yung sitwasyon na hindi mo trabaho, pero nakikialam ka. Mere fact of interfering without having to prove pecuniary interest, without having to prove na function ng office mo, hindi mo trabaho, nakikialam ka, hinahanap namin kung covered nga ba siya o hindi (ng anti-graft law).

Yung sa kaso ni Abalos, kunwari hindi ma-prove yung 10 million, actually walang amount eh, walang paper trail na may amount, assuming na hindi ma-prove iyon, hindi ba dapat in the future ipagbawal na rin iyan for several reasons, one hindi mo trabaho iyan, pwede ba gawin mo na lang yong trabaho mo, hindi mo na nga nagagawan ng tama pakikialaman mo pa iyong iba. Pangalawa baka naman hindi pecuniary gain na klaro ang kaya mong patunayan, mahirap patunayan yon (money involved), dapat may paper trail eh. Pangatlo kung ang kapalit, hindi ko bibigyan ng pera yung opisyal to do it, takot lang siya na hindi ako sundin, baka awayin ko, baka buweltahan ko sa ibang bagay, o baka may anak kang tumatakbo kung Comelec iyan. So papaano yun. Yun yung isang pinag-aaralan namin. Again to show that our objective is not to pin down anyone, our objective is address loopholes in law and to legislate, to come up with remedial legislation on the matter.

News Latest News Feed