Press Release
September 21, 2007

Transcript of interview of Senator Chiz Escudero with Joel of DZBB

Tuwing di makakasagot palaging pinapasa kay Assec. Formoso. Tanungin mo si Assec. Formoso (kung) ilang barangay ang magbebenepisyo? Hindi nya alam. Ilang munisipyo ang magbebenepisyo? Hindi rin nila alam. Paano mo kinompute na mas marami ang communication cost ngayon kaysa amortization itong loan? Hindi rin niya mabigyan ng monetary value sa pagcompute ng maintenance, ng repair, ng obsolescence o pagkaluman na tinatawag natin at yung government-to-the-outside-world and outside-world-to-government communication. Papaano mo masasabi na mas malaki ang benepisyo nito?

Kasi pag sinabi nating benepisyo dapat iatang natin dyan yung sinasabi nating financial framework e. Financ ial framework sa mga multinational companies, ang ibig sabihin nyan yung sales minus cost equals profit. Meron ba tayong matitipid dito? Gagastos tayo ng anim na bilyon dito, babayaran natin for the next 20 years pero makakatipid ho ba talaga tayo kung itutuloy natin itong kontratang ito?

Actually, correction Joel ha, labing-anim na bilyon ang uutangin natin pero ang babayaran natin dalawampu't dalawang bilyon.

Diyos ko po, Panginoon ko, nadagdagan na ng 9 million.

Kasi 1 billion a year. Kulang-kulang 1 billion a year per 25 years ang babayaran natin. Yung inutang natin sa (xsim?) bank na halaga ng kontratang ibabayad natin sa ZTE, yun yung 15 billion. So yung pinagutangan natin na Xsim bank ang bayad natin sa kanila bent'sinko (25) na ha.

Kasi may interes na.

Ay syempre.

So 25 billion nap ala ito in the next 20 years. Meron ba tayong maitipid dito senador?

Wala sa aking palagay dahil sabi nila 4.6 billion daw. Sabihin na nating tama si Formoso. Ang ginagastos natin sa communication expense sabihin na nating tama mura siya. Ang amortization nito ay 1 billion a year so may natipid daw tayong 3.6 billion a year ayon sa kanya. Pero pano ngayon itong maintenance nitong network? Tayong magmemaintain nito dahil tayo ang may-ari hindi tulad ng kung Smart o Globe ang gamitin mo meron na silang 999 a month e. pag tayo ang mag-memaintain nito, magkano ang maintenance cost? Ang budget ng (Pheloc) na gagamitin nila para dyan ay 1 billion a year. Tiyak ko kulang yan dahil ang (Pheloc) tagadeliver lamang ng messenger yan sa pamamagitan ng bisikleta e. So itetrain mo pa yan, may gastos ka pa. Sabihin na natin matipid ay 1.5 billion a year. So 2.5 na against 4.6, 2.1 na lamang ang matitipid natin kada taon. Paano pag nasira yan? pag tayo ang may-ari tayo ang magpapagawa. Kung pribadong sektor sana yan sila ang magpapagawa. Kung tayo ang magpapagawa hindi na natin alam kung paano lalagayan ng costo yan dahil kung magkabagyo, magka-earthquake, magka-baha, masira yan, tayo ang magpapagawa. Sabi nila tatakbo kami sa Congress tapos hihingi kami ng pera. E di sana nung tapos na yung budget season. E paano maghihintay tayo ng isang taon bago magawa yan? e ganun na nga po. Pang-apat, obsolescence. Dati kung maaalala mo napakabagal ng internet. Ngayon napakabilis na. Ngayon kung gagawin natin ito sa teknolohiya ngayon baka 5 years from now luma nay an. Kumbaga pager na lang yan, ngayon may cellphone na. Bakit tayo ang tatamaan dapat nun? Kung ibigay natin sa pribadong sektor yan, pag masira kayo gumawa. Pag kailangang mag-maintain kayo ang magmaintain. Pag may bagong dumating, kayo ang bumili ng bago. Kami tagagamit lamang kami e. At sa ibang bansa, sa ibang parte ng mundo, 2 lang ang nabanggit niyang bansa na gobyerno pa lamang ang nagpagawa: Taiwan daw at Malaysia. Ibang bansa sa iba't-ibang parte ng mundo, hindi ginawa ng gobyerno yan, hinayaan ang pribadong sektor na gawin yan.

Actually, ewan ko, very interesting point yung ni-raise ni Senator Mar Roxas din, yung telepono sa barangay. Ano bang nangyari dun? I think nag-allot yata ang gobyerno ng 10 billion para lahat ho ng barangay dito sa Pilipinas e malagyan ng telepono pero hindi na ho uso teleponong landline ngayon e. Ang uso ho cellphone.

Telepono sa barangay, 10 billion inutang yun at hanggang ngayon binabayaran pa rin natin dahil ang total loan package ay 15 billion. Kasalukuyan ho sa budget nagbabayad tayo ng 1.9 billion para sa telepono sa barangay. Inutil yung telepono sa barangay. Maliban sa napagiwanan na ng teknolohiya, gobyerno ang nagpatakbo kaya hindi napatakbo ng tama. Ang susi dito Joel natuto na ang iba't ibang bansa sa buong mundo, kapagka gobyerno ang humawak sa isang telecom office, talo, sira at hindi napapatakbo ng maayos. Dapat pribadong sektor na yan. Noong ang PLDT ay hindi pa pinaprivatize at pag-aari pa ng gobyerno, hindi ba't ang hirap kumuha ng dial tone? Yung PLDT ang may-ari na pribadong sector completely, gumanda ang serbisyo.

Oo saka din a pahirapan magpalagay ng landline dahil pati yun rights nyan binibili mo e. talagang ang gobyerno is not designed to run corporations di ba kaya nga ho tayo nagbebenta ng mga corporations ngayon e. ganggang ngayon e tinatangka nating isapribado ang National Power Corporations. E habang hawak ho yan ng gobyerno naglalabas tayo ng pera e binayaran nga ho nila yan ng redundancy tapos kinuha nila ulit e. So ang gobyerno ay hindi designed pa para magpatakbo ho ng corporation pero ito parang maglilikha na naman tayo ng panibagong corporasyon na magdadagdag ng pondo sa taongbayan, na magbibigay ng dagadag na pasanin sa taongbayan dahil pinapatakbo natin ito ng corporation na ito. Ganun ho ang impresyon ko senador.

Tama yan. Telof ang iko-convert nilang corporasyon para magpatakbo nito. At may isa ring magandang puntong na-raise kahapon na ano ba itong pautang natin? Uutangin natin at gagawin natin kung ano yung dinidikta ng nagpapautang na gusto nilang gawin natin para kumita yung kumpanya nila? O hindi ba dapat umuutang tayo para sa kailangan natin. Nagkataon na China ang nagpapautang at sabi ng China gusto namin telecom, o eto ang ZTE kumpanya namin ito, ito kunin nyo. E kun hindi naman natin kailangan bakit natin kukunin? Bakit diktado ng nagpapautang an gating uutangin at hindi diktado ng interes natin?

Ito yung niraise ni Sen. Dick Gordon ano. Sige pauutangin namin kayo pero ito yung kumpanya namin dito kayo bibili. Parang ganun e no?

Tama kayo. Ngayong kung dinidikta nilang ganyan at may executive agreement nga para dyan, klaro ang sinabi ni Sec. Andaya kahapon, iba ang inissue nilang rules and regulations sa probisyon ng batas. Nasa rules and regulations, exempted daw ang foreign loan, nasa batas. Hindi exempted ang foreign loan at ang gumawa ng batas si Sec. Andaya Joel di ba. Sabi ko hindi pwedeng lampasan ng regulations ang batas at inamin nya naman na tama yun at magkaiba yun. At hindi din daw pwede yun inamin nya. Subalit ganun daw ang ginagawa nila dahil yun daw ang patakaran at kalakalan ng pangungutang sa ibang bansa at sa Pilipinas. Doon na pumasok yung sinabi ni Sec. Mendoza na..e bagamat yun ang requirement ng batas, eto po kasi ang requirement ng bansang China e. At natanong namin ano ba ang susundin mo bats ng China o batas ng Pilipinas?

Alright. We are doing this in aid of legislation kaya nga natin ho sinisilip yan. ano sa tingin nyo ang pwede nating hubuging batas dito sa patuloy na pagsilip ho natin dito sa kontrata na pinasok na ito ng gobyerno?

Marami na Joel. Una, foreign borrowings act, yung kapangyarihan at kakayahan ng presidenteng mangutang ng walang ibang pinagdadaanan; panagalawa, yung ODA law, ganun din, yung pag-contract ng mga proyekto na kailangan ng congressional consent pero tila hindi nila ginagawa; panagatlo, yung procurement law. Kung talagang kailangan nilang baguhin yung procurement law, pa-amyendahan nila sa Kongreso wag nilang baguhin yung batas sa pamamagitan ng regulasyon. Pang-apat, maliban sa asawa, kamag-anak ng presidente, speaker, senate president at vice president, libre nang makialam sa kontrata ng pamahalaan ang iba't ibang opisyal ng gobyerno. Halimabwa kung totoo ngang nakialam si chairman abalos at hindi napatunayan yung suhol na alegasyon wala pa siyang ginagawang krimen kung siya ay nakialam lamang. Hindi tulad ni Joey de venecia na anak ni speaker de venecia, hindi tulad ni First Gentleman, kung totoo ang mga paratang na ito, pakikialam lamang krimen na. para sakin dapat may matingnan din tayo sa batas na kung ikaw ay opisyal ng gobyerno at nakialam ka sa kontrata na wala ka naman dapat na kinalaman, dapat krimen din yan at dapat paglabag din sa batas yan.

News Latest News Feed