Press Release
September 24, 2007

TRANSCRIPT ON ERAP PARDON

A: Ang posisyon ko dito ay, ang panahon para pagusapan ang pardon ay kapag yung conviction is already by final judgement. Ibig sabihin, pagka wala na sa jurisdiction ng mga hukom. Dyan dapat, pwede nang pagusapan ang pardon. Pero hangga't hindi pa natatapos ang paglilitis, hangga't naryan pa yung proseso ng hukom, dapat irespeto natin yung mga hukom, lalo na yung Malacanan, dapat isantabi muna yung usapin ng diskusyon ng pardon dahil panghihimasok na ito sa ating sistema ng katarungan. At ang Malacanang ang dapat nangunguna na nirerepseto ang ating mga batsa, nirerespeto ang ating mga proseso ng hukuman.

Q: Not final yet

A Mahirap kasing mag speculate. I don't want to speculate into something na hindi pa natin alam kung ano ang mangayari. Pero pinakamainam parin, hintayin natin yung final disposition nung ating mga hukom, bago natin umpisahan ang paguusap sa pardon. Dahil kinakailangan, kasama sa, bilang abogado, we would have to respect yung ating mga proseso ng hukuman. Huwag nating pangunahan.

Q: So, this is preemptive then?

A: I think it's premature, especially for Malacanan. Ang Executive department at ang Malacanan, the President has sworn to uphold and preserve the Constitution, and execute the laws. So dapat respetuhin niya ang mga proseso ng ating hukom at huwag niyang pangungunahan. Hintayin natin ang resulta, ang final judgment bago nating pagusapan, bago pagusapan ng Malacanang itong pardon.

Q: Both sides discussing issue

A: I suppose, unofficially, walang problema yan. If they want to do it unofficially. Pero, officially, we should wait for the final judgement before any official discussion on the issue of pardon is undertaken.

Q:

A: Tingnan natin. Parang kasi pinangungunahan. Whatever the outcome is on the 27th, huwag nating pangunahan ang ating sistema ng katarungan, huwag nating pangunahan ang ating mga korte, ang hukom. Bigay respeto lang sa ating mga hukom, na dapat ang ang nangungunang nagrerespeto sa ating mga hukom, ay ang Malacanang.

Would have a direct bearing on how we're gonna treat similar cases in the future, should it happen. Including, soon-to-be-former President Arroyo. In other words, kinakailangan, kung gagawin natin itong pardon, gawin nating tama. Hindi yung mamadaliin. [ ] naman nating lahat, closure. Pero dapat ang closure, magkaka-closure lang kung tama ang paggawa nitong hakbang na ito. At sa ayaw natin at sa gusto natin, paano natin tratatuhin ang Erap pardon ay may direktang epekto sa kung paano natin tratatuhin ang iba pang magiging former President at ang mga kaso laban sa kanila, including President Arroyo. Kaya huwag nating mamadaliin. Dahil may direktang epekto ang ating pagkilos, ang ating pagposisyon sa Erap pardon sa iba pang pangyayari involving former heads of state, including President Arroyo kung sakali. So we have to go slow. And let's do it right. Let's not do it hastily. Kung gagawin natin ito, dapat naayon sa batas at dapat we do it correctly para may closure talaga. At hindi yung nagkamali, ngayon may katanungan, baka umabot nanaman sa korte, magkakasuhan nanaman, eh di walang closure. If we're going to do this, let's do this right. Kun gagawin natin to, dapat gawin nating tama, para may closure na buo at tunay na closure.

News Latest News Feed