Press Release
September 25, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar with Erwin Tulfo and Doris Bigornia

Q: Good morning Sir! Uunahin ko na po, medyo naghihinanakit pala si Secretary Saludo sa inyo diyan sa Senado dahil kulang na lang sabihing 'bastos kayo sir ' dahil ang pagtatanong niyo daw ay parang talagang binabadger ninyo ang kanilang mga cabinet secretaries. Parang pag humarap daw talaga sila ay parang may kasalanan, "yes" or "no" nal ang ang kailangan, di na raw pinagpapaliwanag. Papaano raw po sila makakatulong sa legislations kung "yes" or "no" lang?

SPMBV: Kasi yung iba naman, parang pinapaikot-ikot lang para hindi namin mahanap yung katotohanan.

Q: Ayun. . .

SPMBV: Nakikita ko rin , minsan simple lang yung tanong ay pinapahaba naman yung sagot

Q: Marami pang palabok.

SPMBV: Andaming palabok, parang after a while, nawala na yung tanong. Kaya minsan ay yun lang naman ang gusto mong itanong, kinikuwento pa yung kabanata ng buhay nila. Siyempre ang gusto mo lamang ay yung tamang sagot, kasi meron kang flow of thoughts, na meron kang ini-establish na gustong tumbukin, pagka nakita nila na tinutumbok mo na ganun, nililibang ka na. Inaalis na yung topic, and after a while nakalimutan mo na kung ano yung tinutumbok mo. Kaya minsan parang sunod-sunod sinasabi mo nalang na hindi, pakisagot lang kung "yes" or "no" kasi after this, meron akong kasunod na tanong. Kung aabutin ka naman ng labin-limang minuto para sagutin yung isang tanong, hindi mo na masundan yung flow of thoughts mo, nawawala. Hindi ko naman masasabi na perpekto yung mga senador at hindi ko naman sinasabing puro mali naman yung cabinet members. Sa palagay ko, ang magkabilang panig ay dapat magbigay galang sa bawat isa. At yun naman sa mga cabinet members, medyo huwag naman po sanang masyadong mahaba yung palabok. Sana yung tinatanong lamang po yung sagutin kasi may kasunod pa naman yun. Minsan kasi may pagkakataon talaga na alam na alam mo na nambobola.

Q: Yun, yun. . .

SPMBV: Pagka ganun talaga, minsan napipika yung mga senador. Sagutin mo na lang yung totoo kasi alam mo naman yung dahilan kung bakit pinapaikot-ikot kasi hindi yun ang totoo . Minsan, common sense na rin. At sa palagay ko naman, ang taumbayan ay dahil sa panonood nang t.v. nakikita mo naman kung sino to. Pero to be fair, iga-grant ko naman din kay Sec. Saludo na may mga pagkakataon din naman talaga na medyo bastos din yung senador. Hindi ko rin naman sasabihin na puro tama naman.

Q: Medyo magaspang.

SPMBV: Meron din namang pagkakataon na ganun.

Q: Papaano po maiaayos ito? Kasi dito, mukhang naiintimidate po ang mga miyembro ng gabinete natin dahil pag sinalang sila doon ay para talagang may kasalanan na sila, ginigisa. Para daw sa police stations na 'hoy, ikaw bay nagnakaw o hindi?' So papano natiin maiiwasan ito sir? Para magkaroon ng galang ang bawat isa at saka yung taumbayan na nanonood na galangin ang pareho. Yung nasa Executive branch at sa Legislative branch. SPMBV: Ako naman kasi, hindi naman ako nagkukulang sa aking mga kasamahan. Alam mo naman sa mga senador, siguro masasabi ko na isa ako sa pinaka malamig ang ulo diyan at hindi ako nambabadger ika nga ng witness, totoo naman yun. At madalas pinakikiusapan ko ang aking mga kasamahan na alalay lamang. Dangat nga lamang talaga minsan alam mo na binobola ka lang.

Q: Ayun. . .

SPMBV: Minsan naman kasi ay huling-huli na.

Q: Parang nag-uuto pa noh!

SPMBV: Oo, kaya minsan alam mo naman na pagka nahuli ka ang gusto mo ay paikot-ikutin na lang. Kaya minsan naman, doon lang naman umiinit ang ulo ng ibang senador. Pero yung sa ibang pagkakataon naman ay humihingi naman ako ng paumanhin, in behalf of my colleagues. (end)

News Latest News Feed