Press Release
October 4, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZMM)

Nag-resign na po si Chairman Abalos, itutuloy niyo pa ba ang imbestigasyon ng Senado sa ZTE deal?

SPMBV: Di pa kumpleto ang imbestigasyon. Kailangan mabuo ang imbestigasyon. Kaya yung mga komite, kinukumpleto na nila ngayon yung mga impormasyon para makabuo ng desisyon kung sino pa ang ipapatawag ng Senado at kung gaano pa katagal ang pag-iimbestiga na gagawin ng Senado. Sa ngayon, may mga impormasyon pang nais malaman ang mga committee chairmen tungkol sa isyu. Di nangangahulugan na tapos na agad ang imbestigasyong ito.

Kailangan din kasi magkaroon sila ng committee report sa bagay na ito.

SPMBV: Kung matatapos na ang imbestigasyon. Di pa kasi nagdedesisyon ang mga committee chairmen na tapusin ang hearing dahil kinukumpleto pa nila yung mga impormasyon.

Paano po yon, hindi na dadalo sa pagdinig si Chairman Abalos at mukhang di na rin siguradong babalik pa sa Senado si Neri?

SPMBV: Pag-uusapan namin iyan. Magkakaroon ng 2 weeks break ang Senado at 2-3 weeks break ang mga komite kung iyan ang pagpapasyahan ng mga committee chairmen. Sa break na ito, pag-uusapan ang mga legal questions at iba pang concerns. May mga technical groups nang binuo ang mga komite para sila ang magsalansan ng mga testimonya at mga impormasyong kailangan pa ng mga komite tungkol sa isyu ng ZTE deal.

End of interview

News Latest News Feed