Press Release
October 5, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On racial slur against Filipinos...

Unfair, uncalled for at hindi nararapat yung mga ganayng uri ng insulto sa mga Filipino, sa katunayan hindi lamang sa mga Filipino, dapat huwag mang-insulto sa kapwa, Filipino o anumang uri ng nationality hindi dapat ginagawa yan. May limitasyon ang kalayaan sa pamamhayag, may limitasyon ang kalayaan ng anuamng show na ipkita ang gusto nilang ipakita. At ito ang isa sa klarong mga limitasyon na maari at hindi nila maaring gawin.

Mukhang napapadalas, una yung sa mga doctor, then (kay former President Aquino)...

Yung nga yung mas masakit nagkapatong-patong at tila magkakasunod, sana ay hindi ito makasanayan at tama ang nagiging reaksyon natin na mga Filipino, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Amerika para ipakita at patunayan na nagmamatyag tayo, may boses tayo at hindi tayo mananahimik lamang, tatalikod at magkikibit-balikat kapagka may ganitong uri ng sitwasyon. Marapat at dapat lang na hindi ito palampasin upang sa gayon maiwasan sa darating na panahon at hindi na maulit pa.

Ganoon na ba kababa ang tingin nila.

Hindi ko kayang husgayan yung motibo o pananaw o perspektiba nila sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Ang sabi ng ilan dapat daw tanggapin natin yung ilang pagkukulang natin, nandoon na ako pero ang pagtanggapng pagkukulang hindi nangangahulugang tatanggap ka na rin ng insulto at mga bagay-bagay na hindi naman karapat-dapat sinasabi sa ere o sa teelbisyon.

On JPEPA...

Pinag-aaralan pa naming at kinukumpleto pa naming kinukuha ang impormasyon, kahit ang hearing sa Senado hindi pa naman talaga natatapon at ganoon din ang konsultasyon naming sa iba't-ibang sector. Anumang pasyang aking igagawad sa JPEPA ito'y nakababatay sa mas nakakataas na interes n gating bansa at n gating mga kababayan matapos ang konsultasyon, ayokong pangunahan ang desisyon hangga't hindi pa tapos ang konsultasyon.

On Administrative 197allegedly designed to protect military secrets...

Masyadong nagigign defensive ang administrasyon sa pag-isyu ng EO 197, parang nakikipagsagutan sila sa Korte Suprema matapos mailabas ang Rules of Amparo or the Writ of Amparo. Para sa akin huwag maging defensive ang administrasyon, hindi kailangang maging defensive ang AFP at ng PNP at yung kautusan hindi dapat sanang sinabi na rules to safeguard military secrets. Sana ang inilagay doon pamamaraan at batayan kung paano at ano lang ang ilalabas na impormasyon dahil alalahanin natin the general rule still remains, right of the public to know, the right to information of the public, that's still the general rule and if at all secrets of the military otherwise would serve as an exception to the rule, dapat tanggapin at kilalanin yan ng anumang proposed legislation na ilalabas ng dalawang ahensiyang iyan.

They're really forcing a collision with the Senate...

Pangalawa lang siguro yung collision pero mas nakikita ko defensive reaction ito, masyadong nagiging defensive na, alam kong defense department ang panagalan ng kagawaran pero hindi dapat maging rason iyon upang maging defensive sila sa isyung ito.

Ano'ng gagawin ng Senate dahil hindi na dadalo sina General Abu, General Danga kung saka-sakali...

Kaka-isyu pa lamang ng guidelines ng committee on rules sa mga pagdinig sa kaso upang sagayon kung ito ay makarating sa Korte Suprema may bala't armas akmi upang ipagtanggol ang aming posisyon sa Korte Suprema. Susundin siguro ng komite sa pangunguna ni Chairman Biazon anga batayang iyan upang sagayon hindi man ito sundin o galangin ng sexecutive branch malamang aakyat ito sa Korte Suprema, hindi sila kami para magkarron ng maliwanag na desisyon kaugnay nito.

Yung bangayan sa oposisyon may faction...

Nakakalungkot na nagbabangayan na nga sila sa administrasyon nagbabangayan pa rin kami sa oposisyon, para sa akin iisa lang naman ang dapat layunin natin, alamin ang katotohanan at gawin ang anumang paraan para makuha ang katotohanan. Hindi dapat isyu ang pagkakaroon ng hearing, dapat matuloy at magkaroon ng hearing, hindi rin dapat isyu kung sino ang iimbitahan at hindi iimbitahan para sa akin dapat imbitahan ang lahat ng mag pangalang nabanggit sa hearing dahil obligasyon naming ito, bigyan sila ng pagkakataong makasagot at linisin yung mga pangalan nilang nabanngit o nayurakan sa hearing bialng pagkakataon nilang magpaliwanag at sagutin ang mga paratang sa kanila. Hindi lamang karapatan naming ito, obligasyon naming imbitahin sila at bigyan sila ng pantay na pagkakataong sumagot.

News Latest News Feed