Press Release
October 16, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On smuggling...

Malaki ang problema ng bansa kaugnay sa smuggling. Wala namang nagdeny at nakipagdebate na may problema talagang ganoon. Hiniling ko ang mga pananaw at opinion ng mga inimbitahan naming bisita para matugunan ang problemang ito once and for all, hindi kung ano lamang yung bill na isinampa ng mga senador yun lamang ang tatalakayin namin. Ano ba talaga ang gusto at papaano ba talaga natin maa-address ang problemang ito. Uan may problemang dapat i-address, pangalawa discretion equals corruption kaya ang dapat layunin namin hanapin ang areas of discretion para maalis ang lebel o amount ng korapsiyon at pangatlo kinikilala namin sa pagtatalaga ng ani-smuggling rule dapat hindi ito makaapekto o maging restrain of trade or doing business dito sa ting bansa.

Yung Presidential Anti-Smuggling Group inutil...

Hindi sila nakadalo ngayon ayoko munang husgahan ang kanilang trabaho nang wala sila at hindi man lang namin binigyan ng pagkakataong mapakinggan, subalit para sa akin ang pag-create ng task force na naipakilala mismo ng Pangulo na hindi na gagawa ng kanyang sariling mga tauhan sa iba't-ibang ahensiya ang trabaho na dapat nilang ginagampanan kung kaya't dapat pang kumuha at mag-aappoint ng special na task force.

Based sa assessment ng hearing yung kailangan pa ba yung task force?

Hindi namin manisi o magpa-abolish ng anuman, ang layunin namin linisin ang sistema at proseso in aid of legislation at yung paggawa ng anti-smuggling law na tatlong taong inupuan ng nagdaang Kongreso at layunin naming ipasa sa loob ng taong ito.

Gaano kalaki ang problema ng smuggling?

By estimate, emanating from the World Bank, for example, humigi't kumulang P200 hanggang P300 bilyon na revenue ang nawawala sa ating bansa kada taon, ganyan kalaki ang problema. Ang kanilang pinaggamitan ng datos simple lang, inipon nila yung export ng mga ibang bansa sa Pilipinas at kinumpara sa narecord na import dito sa Pilipinas. Napakalaki ng pagkakaiba at kung papatawan mo yun ng duty at ng tax humigit kumulang na P200 hanggang P300 bilyon daw ang nawawala sa ating bansa, kada taon. So ganoon kalaki ang problema.

Ano yung mga areas of concern?

Marami, sa pag-valuate, sa pagdetermine kung ano ang ire-release o hindi, ano ang iho-hold o hindi, ano ang papadaain sa x-ray o ang hindi papadaanin s x-ray, ano yung papatawan ng karagdagang requirements doon sa basic set of requirements lamang. Maraming areas of discretion at yun ang pinapa-identify namin sa kanila at yun din ang ginagawa namin sa ngayon.

Pina-identify din nila yung mga smuggler?

Kasama yun s bilang kung saka-sakali na magiging trabaho dapat ng karampatang ahensiya. Hindi namin trabaho sa komite ang mang-usig, hindi namin trabaho ang magpakulong at mamahiya ng tao. Trabaho namin ang maghanap ng paraan kung papaano maayos ang sistema at ang proseso para yung mga nkaraan at kasalukuyang ginagawa hindi na nila puwedeng gawin pa sa hinaharap.

Through what remedial measures are you looking at?

An overhaul and an amendment of the tariff and customs code and other relevant laws pertaining to customs brokers in regard to the importation of any article or the export of any article, there is one way or the other being abused by way of smuggling.

So inutil talaga yung task force kasi P200 to P300 bilyon ang nawawala kada taon...

May nagagawa sila nabawas pero hindi naman ganoon kalaking dent ang kanilang nagagawa din kaugnay ng nawawla sa atin. Alalahanin natin kadamihan nang napapanood nating ginagawa ng task force ay tungkol sa auto, maliit na bahagi lamang yun, ang pinakamalaking ini-smuggle sa ating bansa ay langis, ang auto malayo pa siguro sa baba yun, ang pangalawang ini-smuggle ay yung high dutiable goods at luxury items, ang pangatlo ay agricultural products. Malayo pa sa ranggo yung mga awto na tinututukan ng task force nay un sa ngayon.

Parang may pinipili lang yung task force...

Hindi ko kayang husgahan yung kanialng ginagawa o hindi nila ginagawa, ang sinasabi ko lamang ay hindi na kakailangan ng task force kugn nasasaayos ang batas, kung hindi pa nasasaayos ang batas sa pananawa ng Presidente tila kailangan pa niya kaya nga niya na-create yan.

Bilang command responsibility, may remiss sa mismong concerned secretary, yung mga top officials, dahil nangyayari ito...

Definitely not only this administration but of past administration as well. Hindi lamang sa administrasyong ito inimbento ang smuggling, noon pa inimbento ang smuggling at nood pa ginagawa ang smuggling, pero isang bagay ito na hindi ina-address ng admnistrasyong ito. The event for the easy way out, dagdagan natin ang buwis, hindi naila trinabaho at hinanapan ng paraan kolektahin ang dapat na buwis na binabayaran ng sinumang nag-iimport ng anuamng bagay sa ating bansa. Sinusubukan namin gampanan yung trabaho na talagang tingnan yung batas at hindi yung dagdag na lang nang dagdag ng buwis tuwing kulang yung revenue.

Sa tingin ninyo ito yung makaka-solve sa smuggling?

Isa yun sa maaaring makapagpabawas hindi man makapagdagdag ng revenue ng pamahalaan ang panukalang batas na ito. Hindi pa ito ginagawa gaya nga ng nasabi ko matagal nang panahon hindi naaamendahan ang tariff at customs code, pagkatapos nating gawin doon ko siguro kaya kong sagutin at doon nyo kayang sagutin, nakatulong nga ba yung batas o hindi.

Hindi lamang ngayon, pati sa panahon ni marcos, sa panahon ni Cory

Mula't-mula ang World Bank data na nagpapakita ng ini-export na goods dito, malayo ang kaibahan doon sa data natin na ini-import na goods, saan nawala yun, hinulog sa dagat, hindi naman siguro. Natatagpuan pa rin dito pero hindi nga lang nagbabayad ng buwis.

Naging worst today (yung smuggling), in this administration?

The amount definitely went up compared to the previous years, it worsen definitely but it can be in so far as the amount or the value of the goods is concerned dahil may inflation, puwede rin naman sa quantity, pero mahirap nang sukatin yan kasi nga ito yung pinapasok na hindi na nakikita ng gobyerno.

Dapat may mabigyan ng sample?

Definitely, once the law is passed we intend to make the penalties more stringent and the accountability and liability more specific with respect to officials.

Hindi nakikita o hindi tinitingnan ng customs officials...

Yan ang masama sa maraming opisyal na may discretion sa kapangyarihan na magdecide, meron silang tinititigan, mayroon silang tinitingnan lang, dapat pantay ang pagtingin o pantay ang pagtitig, hindi yung magkaiba sa kada indibidwal at kada tao.

Pero di ba dito sa smuggling may collusion ba with government officials as high as...

Definitely. It cannot be without the collusion of government officials. Pero nagkakaroon ng pagkakataon yun dahil sa discretion na meron sila. Kung wala silang discretion hindi siguro pwedeng magawa yung ng ganun kadali. Pangalawa, bagaman mandato ang CoA na i-audit ang revenue at expenditures side ng mga opisina ng pamahalaan, hindi nila ginagawa yun sa Bureau of Customs. Tinanong namin ang CoA sa mga nagdaang hearings. Ang trabaho lang nila tingnan kung yung pinatong na duty at tax ng Customs yun nga ba ang pumasok sa treasury. Hindi na titingnan ng CoA (kung) ito nga ba ang tamang valuation? Ito nga ba ang tamang duty? ito nga ba ang tamang buwis? Naniniwala akong bahagi ng trabaho nila yun at dapat gawin ng CoA yun. Susi ang CoA sa pagpili sa maraming nagagawang nakawan sa pamahalaan at sana mabigyan sila ng karampatang kakayanan na magawa ang trabahong yan.

Kanino ito sa Malacanang o sa Customs?

CC. Lahat ito ay appointed ng Presidente. They always serve at the pleasure of the President. Ibig sabihin nun may command responsibility palagi ang Presidente sa anumang ginagawa o hindi ginagawa ng isang opisyal that is serving purely at her pleasure. Ibig sabihin pagka hindi mo ginawa ang trabaho mo pwede kitang tanggalin. Kapagka kahit na hindi mo na ginagawa ang trabaho mo at hindi pa kita tinatanggal, hindi mo na masisisi ang tao na isipin na responsible ka, na may kinalaman ka o hinahayaan mo. So in other words, by negligence o by direct participation, hindi pwedeng sabihing wala kang kinalaman dyan.

Do you think we need an overall revamp sa Customs?

That will come definitely pag naisaayos na namin ang batas, bago yan ipatupad, isa yan sa ipapanawagan namin.

Do we have a specific timeline?

Within the year. Tapos na namin yung version ng committee. Hopefully by the first or second week of December sana mahirit namin na maaprubahan yun bago kami mag-break for Christmas and New Year.

Yung three major players sa oil, do you think na kasama sila sa mga smuggling?

Sila at yung ibang mga small players palaging titignan namin ng pantay. Wala kaming tititigan at wala kaming titingnan dahil lamang malaki o maliit sila. Pantay-pantay ang pagtingin at pag-imbistiga (sa kung) sino yung lumalabaga sa batas at sino yung mga sumusunod.

Kung ma-collect lahat ito na 200 to 300 million pesos, there's no need for new taxes...

There would be no need for new taxes. Not only would there be no need for new taxes, surplus pa tayo, mas mura pa yung perang uutangin natin kung kailangan nating mangutang sa anumang proyekto at mas malaking serbisyo ang maibibigay natin sa ating mga kababayan.

Ang orientation ng aming kumite ay simple: mayaman ang Pilipinas, marami tayong dapat na nakukuhang pondo at pera mula sa pwedeng pagkakitaan ng gobyerno, hindi ng mga opisyal, kung kinokolekta lamang ng tama.

Bakit hindi pa i-identify yung smuggler?

We will go there. Kaya nga ang habol namin maamyendahan yung batas.

So walang ia-identify?

Hindi ko nakikitang trabaho ko yun e.

Ano yung tinitingnan ninyong proposal sa mag resource persons to curb smuggling?

Marami yung pag-create ng deputy commissioner for audit at transparency na hiwalay sa kasalukuyang post-entry audit group ng Bureau of Customs, pangalawa post-entry audit ng CoA independently of the Bureau of Customs, pangatlo ang pagkakaroon ng mas istriktong regulasyon ng customs' bonded warehouse at common bonded warehouses, pang-apat pagkakaroon din ng istriktong regulasyon patungkol din sa mga nagbibigay ng surety bonds at bonds, na kapagka hinahabol na ng customs lahat naglipana na at nagwalaan na. panglima pag-identify ng customs territory particular doon sa free port zones na hindi naman kinikilala na bilang mag customs territory at doon nagmumula ang smuggling na madalas na madalas kaysa sa doon sa port of entry natin. Pang-anim okay lang mag-smuggle ka kung ihuhulog mo yan sa dagat at sisisirin mo pero layunin ng batas na ito huwag payagan ang smuggling na dadaan ka sa gate mismo at mga pintuan ng mga Puerto natin na binabantayan ng Bureau of Customs at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Yung na-mention ata na you are proposing na magkaroon ng exemption ng unmaried?

Layunin namin na magkaroon ng mas mataas na personal exemption mula sa pagbayad ng buwis ang mga tax payers natin. Objective namin: una, hindi man natin mapataas ang sweldo o kita ng kababayan natin, pataasin man lang natin yung take home pay at isa sa mga apektadong sektor ay yung tinatawag nating single o unwed mothers o kalalakihang may anak pero hindi siya kasal. Hindi pwedeng i-claim sa deduction yung dependent na nasa kanya sa ilalim ng umiiral na batas. Mas malaki ang pangangailangan niya kunsaka-sakaling magkaroon ng additional exemption dahil mas malaki ang gastusin niya at hindi tulad ng isang pamilya o pamilyadong tao na na dalawa silang kumikita. Layunin naming kilalanin yun at bigyan ng karampatang deduction din ang single parent pagdating sa kanilang mga anak, dagdag pa sa head of the family na exemption na natatanggap nila sa sang-ayon.

Ino-oppose dawn g BIR yan?

Hindi naman ino-oppose. May ilan lang mga panukalang nagsasabi na polisiya ang pamahalaan na panatilihin ang pagiging sagrado ng pamilya at ang pagbibigay ng pantay na exemptio n sa single parent ay hindi nagbibigay ng importansyang karapat-dapat. Sa pananaw ko naman, hindi yan papayag na maging single parent dahil lamang may exemption na makukuha sa BIR at hindi naman siguro kasama sa panliligaw yan na pumayag ka na may exeption din naman tayong makukuha. Walang may gusto na mangyari yan sa sitwasyon nya at layunin natin sa batas na bigyan ng pagkilala ito dahil hindi nila kasalanan yan. Kasalanan na lang kunsakasakali yan ng pagkakataon at sirkumstansya.

So nakumbinsi ang BIR?

Oo, dahil inamin din naman nila, nakunbinsi sa personal na lebel supisyente na sa akin yun.

Ano yung mga exemptions?

Right now there is an additional personal exemption for each dependent, not exceeding four, for a married individual, P8,000 per dependent, maximum of four so that means maximum of P32,000 exemptions. Hindi yan available sa single parent, layunin namin nag awing available din yang additional personal deduction sa single parent.

Yan ba yung proposal ni JPE noon pa?

Hindi ko alam, pinagsama-sama na namin yung mga bill.

Nandito (sa senate) kanina si Joey de Venecia may bago pa daw sasabihin to further establish na may kinalaman si FG...

Magpapatulyo at dapat lamang talagang magpatuloy ang hearing dahil maski na ako at iba pang mga senador, hindi pa marahil kuntento sa impormasyong nakalap para makapagpanukala ng makabuluhang batas, maisasagawa namin yun sa darating na October 25. ang ginagawa ng blue ribbon committee sa ngayon ayon sa chairman nito na si Senador Alan Cayetano kumakalap at kumukuha na ng impormasyon at dokumento upang sagayon ay mas maging masusi, detalyado at gayundin maging mas organisado nang pagdinig na isinasagawa ng senado kaugnay sa isyung ito.

Kung hindi daw mag-appear si Neri that would be the end of it...

Kung hindi mag-appear si Neri doon na papasok yung isa sa mga iniiwasan sana ng senado at ng executive branch, banggaan sa pagitan ng dalawang ahensiay ng gobyerno at Korte Suprema ang magdedetermina kung sino nga ba ang tama o kung sino ang mali.

Hindi nyo na tatanggapin yung executive privilege?

Ayokong pangunahan pero tila papunta sa direksiyong iyon, na hindi tatanggapin ng mga senador at ng mga komite na involved sa imbestigasyong ito.

News Latest News Feed