Press Release
October 17, 2007

Transcript of interview with Senator Kiko Pangilinan

A: Una, dun sa bribery, alleged panunuhol, at pagtanggap at pagkuha nung 500,000 na sinasabi ni Governor Panlilio ay nakuha niya sa Malacanan at pinapangalawahan naman ni Governor Mendoza, ang ating hamon sa Malacanan ay magsagawa ng imbestigasyon. Dahil allegedly nangyari ito mismo sa loob ng Malacanan, at ang Pangulo ang isang pangunahing opisyal ng Malacanan, inaatasan na tiyakin na ang ating mga batas ay sinusundan, to execute the laws, then dapat ang hamon natin sa kanya, sa Malacanan, magsagawa ng isang imbestigasyon. Alamin natin ang katotohanan sa insidenteng ito. Ba't iba ang sinasabi, ba't iba ang mga dahilan, kung interesado ang Malacanan sa katotohanan, dahil ang publiko ay gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyari dito, ang hamon sa Malacanan ay magsagawa ng isang public investigation para malaman ang puno't dulo ng pangyayari.

Q: Credible ba?

A: Ang kredibiladad ng imbestigasyon depende sa proseso, at depende sa resulta.

Q: Are you asking the President to investigate herself?

A: No I'm asking Malacanan, through the President, to investigate the incident.

Q:

A: Meroong insidente, may report, meroong mga testigo, meroong nagpapatotoo, so dapat may imbestigasyon. Diba meroong Presidential Anti-Graft Commission (or Committee), PAGC diba? So dapat umpisahan na ng PAGC at alamin kung ano ang puno't dulo nito.

Q: Sir kung may blessing ni GMA yung pamimigay...

A: Tingnan natin kung ano ang gagawin. Kung sinsero ang adminstrong ito makita ang katotohanan hindi dapat niya pigilan ang isang imbestigasyon, dapat siya pa nga ang namumuno at inuunahan at nauuna sa ganitong klaseng imbestigasyon. Dahil interesado ang publikong malaman saan nanggaling ang pera, sino ang mga nakatanggap, magkano ang kumalat, at kung sinsero ang Malacanan na malaman ang katotohanan dito, dapat siya mismo ang nagunguna sa nasabing imbestigasyon, at kung meroong mga batas na nalabag, ay dapat meron siyang rekomendasyon at isumite ito sa ating kapulisan, sa PNP, para magkaroon din ng dagdag imbestigasyon o kaya sa Ombudsman, para masampahan ng karapatang mga kaso.

Q:

A: Dapat isa sa mga testigo si Secretary Atienza para makapagbigay siya ng karagdagang kaalaman. Kung wala naman silang tinatago, bakit sila matatakot sa sarili nilang imbestigasyon?

Q: Pero acceptable ba ang ganung sinabi ni Secretary Atienza that it has been a long practice?

A: Dapat ang nasusunod na tanong kay Secretary Atienza, saan niya dinala yung perang tinanggap niya? Ito ba ay binalik niya sa tresurero o ito ba ay binulsa niya? Siguro yun ang dapat sagutin matapos niyang sabihin na normal pala itong practice na ito. He has to account for where the money went. I'm not saying binulsa niya, ang sinasabi ko lang, kung talagang practice ito, saan niya dinala yung pondo. But more than that I think is precisely, may umamin, dalawa na ang umaamin na gobernador na nakatanggap sila ng pondo, may mga kongresista, dalawa na rin ata umaamin na tinanggap nila, hamon ito sa Malacanan, kung sinsero itong malaman ang katotohanan, kung sinsero itong gusto nilang makita ang katotohanan dito sa pondong ito, magsagawa sila ng imbestigasyon.

Q:

A: Well wala ako sa CA sa ngayon, so that's up to the CA siguro to tackle whether they feel that it's material to this confirmation or not.

Q: Yung resolution ni Lacson...

A: Ang sa akin... kasi sana Ombudsman. Pero base sa naging track record naman ng Ombudsman, lalo na dito sa ilang mga kaso tulad ng Joc-joc Bolante case, itong Nani Perez case, at itong Mega-Pacific deal ng Comelec, parang baka hindi magiging patas, o baka ma-delay... huwag naman sana. Pero because of the track record of the Comelec in these past other controversial cases, it might not achieve the purpose. Ang concern ko lang dito sa imbestigasyon sa Senado is perhaps we can tackle some of the issues, pero dun sa usapin ng myembro ng House of Representatives, mas mainam sigurong ito'y ipagpaliban sa kanila. Ngunit hindi ibig sabihin naman na hindi pwedeng ituloy ang ibang aspeto ng imbestigasyon, tulad na lamang nung mga governors, yung mga mayors. So we would just have to make the investigation does not violate the interparliamentary courtesy between the two chambers. Para hindi ibig sabihin dahil may involved na congressman, wala na tayong pwede gawin. Because there are also governors involved. So hindi nakatali ang kamay natin sa isang imbestigasyon sa Senado kung ang usapin lamang ay dahil meron involved na congressman. We can probably not go into that but focus on Malacanan and focus on the Governor.

Q:

A: Well that's why, ang sa atin, yung ibang aspeto nung nasabing insidente pwedeng imbestigahan ng Senado.

Q:

A: I am not supportive of investigating the congressmen. Because I also don't want the congressmen to... it's inter-parliamentary courtesy. What if they want to investigate us and call us. Not that we're afraid to appear before them, but it can create some problems. And they're also conducting investigations, so as regards possible involvement of congressmen, I have my reservations about conducting an investigation because of inter-parliamentary courtesy. Ngunit, kung ang usapin naman ay mga gobernador, mayor, at yung insidente sa Malacanan, involving these other public officials, palagay ko, pwedeng ituloy ng Senado ang imbestigasyon.

Q: So pwede po mag take-off ang investigation...

A: I think so. But sa akin nga, gusto kong bigyan ng pagkakataon ang Malacanan na harapin ito at meron siya PAGC eh, kung hindi naman kikilos ang PAGC dito, i-abolish nalang natin ang PAGC. So ang hamon talaga rito, ipakita ng Malacanan ang kanyang sinseridad na malaman ang puno't dulo, magsagawa ng isang imbestigasyon. Hindi yung imbestigasyon tulad nung ZTE NBN na yung mga involved ay hindi nila alam na may imbestigasyon pala. This shouldn't be a discreet investigation, and it should not be a whitewash obviously, or a cover-up. So tingnan natin kung ano ang magiging sagot nila sa hamon na ito.

Q: Hindi ma-invoke na mga governors ang EO?

A: No, in fact, I don't think that will be an issue because narinig natin na si Governor Ed Panlilio is willing to appear before a Senate investigation.

Q: how do you expect them to investigate their own people...

A: Maybe we should ask them how they will investigate. They do have investigative powers, meron silang PAGC, gamitin nila. Ngayon kung di nila gamitin, eh di mukhang hindi sila interesado sa katotohanan. Dun natin makikita kung sinsero sila o hindi.

Q:

A: Ang aking posisyon dito ay palagay ko, ang usapin ng panangutan ng mga nasa gobyerno ay talagang bumagsak na sa usaping public accountability. It is probably, we have sunk so low in the last 20 years, unfortunately, in the area of public accountability, in the last 20 years since the restoration of democracy. And I agree up to a certain extent na talagang itong mga pangyayari sa loob ng Malacanan ay patunay na nagpapakita na talagang talamak na at napakalungkot ang sitwasyon at kinakailangan talagang magkaroon ng masusing pagharap dito sa mga pangyayaring ito para malaman natin ang katotohanan.

Q: Philippine Marines affected din sa bribery issue...

A: Well meron namang solusyon dun eh, kasi meron ding sinabi si FVR, wala daw pwedeng pumalit kay Arroyo. Sabi ni FVR yun eh, mali si FVR dun. Tsaka hindi naman tao ang nagsasabi kung sino ang dapat pumalit sa Presidente eh, ang Saligang Batas. Meron tayong Saligang Batas na nagsasabi kapag nagbitiw sa tungkulin ang Pangulo o kaya'y matanggal sa isang impeachment process, ang magpapalit ay ang Vice President. So itong sinasabing civil war o itong sinasabing poltical stalemate, may solusyon ito eh. Magbitiw sa tungkulin at let the Constitutional successor take over. So in that sense, kung totoong maroon agam-agam sa civil war, simple lang yan, let us look at what constitutional options are available. Resignation is still available, to avert a civil war, if totoong yan ang isa sa mga kinakatakutan dahil nga dito sa patuloy na bangayan at patuloy na pangyayari na kung saan allegations of corruption ang bankruptcy sa ating political situation at leadership.

***

Sa usapin naman ng trabaho, di naman sa kontrobersiya, ang panawagan din naming sa Comelec at sa Malacanan, dito naman sa pagpipili ng Chairman ng Comelec, dapat magkaroon ng isang malawakang democratic consultation process. Initiate ito ng Malacanan, ikayatin ang public citizens and organizations, mga election watchdogs na sumama at makibahagi sa isang selection process bigyan ng pagkakataon ang namfrel, cimprel, ppcrb, lenten na makibahagi sa proseso sa pagpili ng susunod na Comelec chairman.

(Hindi man tayo sumangayon) Sa layunin ng malacanang, noong usapin ng cha cha, nagsagawa sila ng malawakan consulatation sa charter change, nagkaroon ng parang commission. Tapos naglikom sila at nagmobilize para makuha ang inputs. In the same way, Malacanan should undertake a democratic consultation process, in terms of finding out who will be most capable, with integrity, who will be independent dito sa pagpili at pag appoint ng bagong chairman ng Comelec.

Q.

A: Wala akong preference. Mas gusto kong makitang isang transparent, isang inclusive, participatory and democratic consultation process.

Q:

A: If the process is transparent, if the process is consultative, and that will be the result, wala akong problema. Ang magiging problema ko ay, kung halimbawa, out of the blue, hindi natin alam paano ang naging proseso biglang meron nang appointment at bulaga! Nabulaga tayong lahat. So gusto nating maging transparent ang proseso. Patawagin ang Malacananan at iba't ibang grupo, iba't ibang civic organizations, individuals para mag-participate dito sa pag-select. At hamon din ito sa people's organizations kung naniniwala sila na dapat mas maging transparent ang proseso, eh magkaroon ng mobilization ng mga organisasyon. Dahil hindi exaggeration na sabihin na kritikal and Chairman ng Comelec sa pagtiyak na magiging malinis at magiging maayos ang 2010 elections. Kaya there is enough time, ngayon ay Oktubre, Pebrero ang appointment, maaring before that, pero I think February na dahil to fill up the full term of 7 years. So February yan. So we have enough time to go through a nationwide, participatory, consultative, democratic process.

Q: Na-refer sa Comm of Justice yung impeachment complaint... pwede pa bang ihabol yun?

A: Well, maraming argumento yan, sasabihin ng ilan na dahil na-file na ay hindi na pupwedeng i-withdraw unless ang Kongreso mismo ang magpasya o ang committee mismo ang magpasya. So that is one argument, one will say na hindi na pupwede., others will say na puwede amendahan. If I remember right, nung nakaraang impeachment, 2 ata o 3... ngunit ang desisyon ata ng House nun ay yung Lozano complaint. So baka ganun din ang mangyari dito kay Atty. Pulido.

Q: Meron palang window...

A: Alam naman natin na maraming abogado dyan sa House of Representatives so maraming pwedeng ipaliwanag at depensahang argumento for or against allowing for a new or amended complaint. I will argue that if it is of the same instance and the same issues, ang argument natin, kung pareho ang isyu, pareho ang usapin, similar, pupuwede sigurong itulak na iamendahan to include other... but basing it on similar issues and then puwede pang dagdagan. Pero kung entirely new baka [hindi na pupuwede]. But in the end it's up to them, they will have to decide that.

Q: Ang susi talaga si JDV...?

A: Ang susi would be the majority in the House of Representatives. I don't know if JDV represents the majority at this time. Din a natin alam.

Q: Sir JDV plus opposition...

A: We will see. Pero gaya nga ng naging karanasan natin itong mga nakaraang impeachment processes, expect the worst, hope for the best ika nga, in terms of kung ano ang magiging katotohanan. Ang impeachment process kasi is meant... ang constitutional intention nito ay para managot ang mga dapat managot. Hindi ito dapat gamitin, yung impeachment process, para yung mga dapat managot ay nakakalusot dahil sa teknikalidad. So yun ang ilan sa mga usapin tungkol dyan.

***

Another issue na gusto ko ring i-announce is yung we are in the thick of discussions for the creation of the Judiciary Executive Legislative Advisory Council. This was first brought up as one of my suggestions, proposals, dito sa Supreme Court summit on extrajudicial killings last July or June. Proposal naming yan and then I followed it up with the proposal sa Ledac nung August, nung nagmiting. At bukas yung Malacanan, bukas yung Speaker of the House, at ok din ang Senate President and then we followed it through with consultations with the Chief Justice and some other justices of the Supreme Court. So we are hoping that before the end of the year, that we can convene the Judiciary Executive Legislative Advisory Council. Ang kanyang primary objective is how we can strengthen the Judiciary in order for it to squarely address the rule of law sa ating bansa through budgetary support and other measures. Paano palakasin ang hudikatura, paano ito madagdagan ang kanyang pondo, dahil walang pang 1% ng national budget ang napupunta sa hudikatura. At dito pinaguusapan natin ang extrajudicial killings, yung killings ng media, yung iba pang mga patayan sa eleksyon. Bakit hindi napaparusahan kaagad? Dahil kinakailangan palakasin natin ang sistema ng katarungan. Kaya itong Jelac, hopefully, will address the strengthening of the rule of law, will address the strengthening and modernization of the judiciary.

Q:

A: The next step is he will be asked to explain why he should not be cited in contempt of the Senate. And if his explanation is not acceptable, then the Committee can vote to cite him in contempt. And then after the vote, the Senate will then issue through the Senate President a warrant of arrest, to have him arrested for having been in contempt of the Senate. We've done this with Secretary Gonzales, we've done this with Chairman Sabio, so we will not hesitate to do it again. And we are confident that as in the last previous cases, we will again, if this should reach the Supreme Court, that ours is based on the Constitution and Supreme Court rulings.

Q: Do you have the numbers sir?

A: Yes. Hopefully we can avoid that. Sana maiwasan na itong ganitong pagaaresto ng mga testigong ayaw mag-cooperate. Ngunit kung hindi maiiwasan, hindi puwedeng magbulag-bulagan, magbingi-bingihan, at sunud-sunuran. We will enforce our constitutional prerogatives.

News Latest News Feed