Press Release
October 25, 2007

Transcript of Senator Mar Roxas'
press briefing after NBN hearing

Need for third party expert:

MAR: Yung datos na nasa sentro nitong lahat ay hindi binibigay ng buo ng DoTC at saka ng ZTE, kaya mahalaga na magkaroon ng full and free disclosure nitong datos. Papaano talaga natin malalaman ang extent ng overprice kung hindi nga natin ma-examine yung nilalaman ng kontrata na ito na nakapaloob diyan sa mga annex. Sa annex nakalista, halimbawa kung bahay ito, ilang GI sheet ito, ilang rebar, ilang pako, ilang bag ng semento. Kaya dapat natin ito ibigay sa independent third-party expert para sila makapagsabi na itong mga presyo ba na andito ay tama o hinde. Kaya mahalaga na malaman natin ito at mahalaga na mawala ito doon sa confidential cover na binigay dito sa mga datos.

In all fairness to the parties, kung anuman ang sabihin ng kahit sino, basta may financial interest sila dito, masasabi natin na suspect ang kanilang testimony. Kaya maganda na malaman natin, itong bagay na ito ba ay ganito ang presyo? At kunin natin iyan mula sa independent third party expert. For example, isang bag ng semento, nakasabi diyan na P200 iyan, e dito sa atin, P160, P180 iyan e. Pero dapat magsabi na P160, P180 iyan, ay independent third party, para talagang masasabi na ang kanilang testimony ay walang bahid ng self-interest.

This is quite an important piece of information, na 'pag nakita ito, mapipilitan silang sumagot, bakit nila sinang-ayunan itong mga presyo, bakit nila sinang-ayunan itong kontrata, na hindi naman mukhang naprotektahan ng interes ni Juan de la Cruz. Ang pinakamahalaga rito para malaman nga natin kung may overpricing o hinde ay, naprotektahan ba ng negotiators, ng ating pamahalaan ang interes natin? O baka kasabwat sila sa overpricing na napakaloob diyan. Kaya mahalagang-mahalga na ma-determine natin kung ano talagang nilalaman ng annex na ito, at saka kung ano ang mga presyo na andiyan.

On means to clarify executive privilege:

MAR: Mahalaga rin na itong isyu na executive privilege na ini-invoke ni Secretary Neri ay madesisyunan na nga. Kung hindi man dito sa Senado, hanggang dumating ito sa Korte Suprema, dahil ayon sa Korte Suprema, maaari lang gamitin ang executive privilege kung sa national security, kung mayroong operation ang military o pulis na malalagay sa alanganin, o kaya may mag diplomatic na mga implikasyones. Pero itong transaksyon, commercial transaction ito, pag-approve ng paggastos ng pera ni Juan de la Cruz. Sa aking palagay, hindi ito sakop ng executive privilege, at mahalaga na madesisyunan na ito, na sa ganoon, sang ayon kay Secretary Neri, sasabihin niya ang lahat 'pag nahatulan na ito.

News Latest News Feed